CHAPTER VII

2278 Words
Kai Pov Nakakatuwang isipin na lahat ng tao dito masamang nakatingin kay blight na karamhihan puro babae pero wala syang pake alam at sa pagkain lang nakatuon ang atensyon. Haha kaya gusto ko to eh na sa kanya na lahat ng gusto ko sa babae, di maarte, di nag papa api tsaka lalong lalo na simple lang sya’t ket di nag aayos umaangat talaga ganda nya. Napatingin naman ako sa suot nya Napakunot ako ng halos kita na pusod nya sa sobrang ikli ng damit crop top yata tawag dito Aray!! Gago ka ba? Bigla syang napaiktad ng pindutin ko bilbil nya haha actually wala naman talaga syang bilbil pero nakakairita kasi eh may pinopormahana yata to eh ang alam ko di sya nag susuot ng ganto. Napailing na lang ako haha ganyan talaga sya pag galit di nawawala ang salitang gago o siraulo Ang panget ng suot mo di bagay! Pagsisinungaling ko sa kanya kakairita kasi daming nakatingin sa kanya tss Pati ba naman suot ko poproblemahin mo? Wala akong ibang masuot at kung sinundo mo ba naman ako kanina ede nakahanap pa sana ako ng masusuot. Mahabang pagpapaliwanag nya sakin Daldal talaga walang preno ang bibig Mukha kang tanga jan magbihis ka nga. Buti nalang may dala akonv extra t-shirt Well lagi naman talaga akong nagdadala pawisan kasi lagi pag may biglaang laro eh buti na yung ready Mas tanga ka. Tamo yan kung di ko lang to kilala baka pikon na ako dito tss ako na nga nag mamabuting loob eh May dala akong damit gamitin mo muna. Bigla naman syang lumingon at Akin na. Tamo yan tsk tsk wala man lang ngang pa thank you Kelan ka pa nagkaron ng jowa kai? Tanong ni noa AKA clay na may pang asar na tingin. Oo nga. Wala ka namang nabanggit samin. Sambit din ni nathan na kanina pa nakatitig kay blight tss Wala akong jowa. Aso ko yan. Sagot naman ni blight kay noah na dahilan para tumawa ng malakas si noah, raulo din to eh walang kwenta. Aba’t sa gwapo kong to aso? Tss napangiti nalang din ako dahil sa wala nanaman syang imik at pinagpatuloy na ang pagkain. San pala si adrian? Tsaka si felix noah? Si adrian nasa cr yata si felix naman diko alam kong saan napunta yung gagong yun walang paramdam eh tsaka si brix kung itatanong mo din andun sa harap kasama nanaman si loren. Mahabang paliwanag ni noah, saming magkakabarkada sya yung palangiti at habulin din ng mga babae pero saming anim si brix talaga yung matindi ket sinusungitan nya lagi yung mga nagpapapansin sa kanya, at ako naman ang magaling makipaglaban haha halata naman siguro no? Alam nyo na yan baka nga na sabi na ni blight sa inyo eh Nang matapos ng kumain si blight inabot ko na sa kanya ang dala kong extrang damit. Oh. Magbihis kana. Sige. Tipid nyang sagot at tumayo Hawakan mo muna bag ko wag ka munang umalis hanggat di pa ako nakakabalik Sambit nya sakin, Ayos lang wala pa din namang lesson mamaya kaya ket matagalan kami dito okay lang. Oo ingat ka. Naglakad na si blight patungong cr at habang naglalakad di pa din nawawala ang mga matang grabe kung makatingin sa kanya At sya naman parang wala lang sa kanya Gago ka pre nililigawan mo? Tanong ni nathan sakin Tanging tawa nalang na sagot ko sa kanya. Parang nakita ko na yun nakalimutan ko lang kung saan Sambit naman ni noah aka clay. Bihira lang ganong mukha pre baka nanaginip ka lang. Sambit ulit ni nathan dahilan para tumawa kami Sakto namang kakarating lang ni adrian Tagal mo dre. Walang imik na umupo lang si adrian wala yata sa mood to eh Anyari dre? Tanong ni nathan kay adrian na halatang wala namang balak sagutin ni adrian Anyari sa mga tao ngayon. Maya maya pa ay dumating na din si blight dala ang kanina nyang suot Parang biglang nag slow mo ang paligid ko ng makita si blight sa itsura nya tangina ang ganda! Bagay sa kanya damit ko tsaka halatang inayos nya na din buhok nyang magulo kanina na ngayo’y nakatali na Shit chix. Rinig kong sambit ni nathan Maluwag na maluwag yung damit ko sa kanya at bumagay naman sa suot nyang pang ibabang maluwag din Ang ganda nya panglalaki nga lang kung maglakad haha Napahanga ako sa ganda ni blight na halos lahat din ng tao dito nakatingin sa kanya Nakita ko namang titig na titig sa kanya si brix na nakakunot ang noo tss problema nya? Umupo si blight sa tabi ko at nagtatanong na nakatingin samin problema nyo? Tanong nya samin Titig na titig padin ako kay brix na ngayo’y nakatitig pa din kay blight na nakakunot ang noo Hmm baka may nagawa nanaman tong babaeng to tss pati ba naman kay brix? Ngayon ko nalang ulit nakita si brix na ganyan makatitig i mean yeah nakakunot noo nya pero may kahulugan diko alam kung may galit sya kay blight pero parang may something din kasi eh tss bala na nga Wala bagay sayo damit ko. Sagot ko kay blight na kinatango nya naman Ganon? Sakin nalang. Bagay pala eh Tss ganyan sya pag pinapasuot sa kanya ayaw nya ng ibalik Isa yan sa gusto kong damit pero no choice eh Ingatan mo nalang. May dala din ako baka gusto mo? Sambit naman ni nathan na lahat kami napatingin sa kanya Tss ano ba pauso nya Ako din diko din naman magagamit haha Tss Tumingin naman sa kanila si blight na may pagtataka Ganon? Bigay nyo sa mga nangangailangan Napatawa nalang ako dahil sa mukha nina nathan na parang napahiya haha Ang isa naman walang imik na nakayuko lang habang nag titipa sa cellphone nya Adi, tawag ko kay adrian na ngayo’y nakatingin sakin What? Nabaling ang tingin nya kay blight at Heyyy! You! Ikaw yung bumasag sa kotse ko! Sa lakas ng boses ni adi halos lahat napatingin samin at nakiki usyoso na din Taka ko namang tinignan si blight na Bored na nakatingin kay adi Clarcke Pov Nabigla ako ng bigla nalang sumigaw yung isang lalaking kanina pa nakayuko na mukhang may sariling mundo Hey you! Ikaw yung bumasag sa kotse ko! Malas ba ako oh minamalas lang talaga ako? Shuta diko man lang napansin to kanina. Oh? Tinignan ko lang sya ng parang bored na bored sa kanya Kailangang chill lang tayo diko din naman kasalanan yun eh ang yabang nya kasi tss Why the f did you do that?! Because of you my dad confiscate my car! Bat parang kasalanan ko pa? Tss Nakatayo na sya ngayon habang umuusok ang ilong na nakatitig sakin tss Sino ba na una? Tanong ko sa kanya raulo pala to eh kala mo di yun masakit yung pagbagsak ko tss quits lang kami I didn’t do anything! May sira ka ba sa ulo? Naninilsik nyang sambit sakin tss kala mo naman natatakot ako Wala daw bobo ka pala eh Eh kung pasagasaan kaya kita tas sabihin kong I didn’t do anything tss Wala eh, ikaw ba? Galitin natin lalo, tss kala nya kung sino sya? Pwes di ako papatalo Tama na nga yan, pre kalma ano bang nagyari? Tanong ni kai na palipat lipat ang tingin samin Tss kung di ba naman ako ginulat ede di ko yun gagawin, kasalanan nya yun sya nauna eh Bigla naman tumawa yung isa naming kasama dito tss may nakakatawa ba? Ang babaw ng kaligayan Pinigilan naman ni kung di ako nagkakamali noah? Si adi Kalmahan mo dre babae yan. Nakinig naman yung adi at umupo na Ang yabang mo kasi mas mabuti na yung na confiscate kotse mo Karma tawag dun Blight. Pagpipigil sakin ni kai Pano yan dre? Haha wala ka ng kotse? Tanong ni nathan na kinainis naman ni adi Sabay ka nalang sakin may kasalanan ka din naman pala eh yaan mo na kaya ka napagkakamalang bakla dahil pinapatulan mo ang babae eh. Sambit naman ni noah sa kanya Well unti unti ko na silang nakikilala Nag kwento naman yung adi about sa nangyari at bigla nalang tumawa ng malakas yung nathan Siraulo ba to? Hahaha grabe ginawa mo yun? Hahah nice ang astig mo talaga. Tawang sambit sakin ni nathan na bigla namang binatukan ni adi Aray kalma dre. Bigla nalang silang natahimik ng may umupo sa bakanting upuan na katabi ni kai Kailangan ng ulupong na to? Tss Uy brix kala ko ba wala kang ganang kumain? Bat andito ka? Tanong ni clay sa kanya Di naman sya umimik at nasa malayo nakatingin habang nakakunot ang noo. Halatang walang kwenta kausap Brix Pov Hindi ko alam kung bat na ba badtrip ako simula nung makita ko yung babaeng lumabas ng cr na suot suot ang damit ni kai Oo alam kong kay kai yun may surname sa likod eh tss Kung ano kinapanget ng suot nya kanina mas lalo naman tong suot nya tss Kanina ko pa tinitigan ang pwesto nila Gusto kong pumunto dun at makinig sa pinag uusapan nila mukha kasing trip sya ng mga gago kong kaibigan eh kanina pa sila nakatitig di nya man lang ba napapansin? Tss Nakita kong bigla nalang napatayo si adi habang galit na nakatingin dun sa babae diko alam kong ano nangyari at ngayon ko lang nakitang ganon ka galit hitsura ni adi Mukhang nag babangayan sila Diko masyadong naririnig dahil sa maraming nagbubulungan habang naka tingin kina kai Sakto namang tapos na si lorren kumain kaya iniwan ko na sya’t walang anumang pumunta sa kung saan naka pwesto sina clay Tanging sa tabi nalang ni kai at clay ang natitirang blangkong upuan kaya dun na ako umupo Natahimik naman sila bigla at nakatingin sakin Uy brix kala ko ba wala kang ganang kumain, Bat andito ka? Tss may nakita ba syang kumakain ako? Diko nalang sila pinansin at tinuon na ang pansin sa labas Blight di pala kita mahahatid mamaya may dinner daw kasi kami eh d deretso na ako dun okay lang ba? Biglang sambit ni kai Kaya ko naman umuwi mag isa. Sagot nya kay kai Hatid nalang kita? Sambit naman ni clay na halatang nagpapakitang gilas tss Gago so pagsasamahin mo yang dalawa? Sambit ni nathan na nakatingin kay adi at tong babae, blight pala name nya kala ko saltina o baka second name nya lang ang saltina Kaya ko umuwi mag isa. Sambit nya ulit Maya maya pa ay naisipan na naming bumalik sa room at habang nag lalakad kami si pa din mawawala yung mga bulong bulungan ng mga nasa paligid namin. Ang landi. Bat ba nila kasama yan? Syempre boyfriend nya si kai eh Mukhang di yata nakontento kay kai At pati sa apat nagpapansin Binalingan ko naman ng masamang tingin yung mga nagbubulungan na kinatahimik nila Tss kung ano ano sinasabi eh So mag jowa nga tong dalawang to? Tss Paki ko ba! Nasa room na kami ng bigla nalang bumuhos ang napakalakas ng ulan May bagyo ba ngayon? Rinig kong tanong ng mga ka klase namin Ang sarap nya talagang titigan. Rinig ko ding sambit ni clay na ngayo’y nakatingin babaeng natutulog Tsk tulog nanaman? Di pa ba sya nakuntento kanina? Dalawang oras na ang nakalipas ng dj pa din tumitigil ang ulan. Good afternoon class, Diko na malayang andito pala homeroom teacher namin So class the head decided that you can go home early now dahil kung napapansin nyo nga masama ang panahon. Bawat section ay may nakahandang school bus para ihatid kayo, to those students na walang service. so may pupunta ditong mag a assist sa inyo mamaya kung saang school bus kayo naka assign so wait for it And to those students na may mga service you cam go home now siguraduhing deretso na sa bahay and drive safely. Maiwan ko muna kayo. Mahabang pagpapaliwanag ni ma’am Pagka labas na pagkalabas ni ma’am Bigla namang nag tatalon talon ang iba kong ka klase dahil sa tuwa tss first day pa nga lang natuwa ng walang pasok tsk tsk Tinignan ko naman ang gawi ni blight na mahimbing pa ding natutulog Di man lang ba sya na iingayan? Tindi ah Noah! Favor? Pwede mo bang isabay si blight pa uwi? Kailangan ko na kasing sunduin si mommy eh Nagmamadaling sambit ni kai kay clay T-teka! Diko alam kung san sya nakatira! Mels Subdivision, thanks dre. Mels Subdivision? Dun din pala to nakatira? T-teka dre malayo yan sa amin at si adi kasabay ko di pwede. Sigaw nya kay kai na nakalabas na Unti unti ng nag silabasan ang iba naming kaklase kasi halos lahat naman may kanya kanyang service Brix! Diba mels subdivision ka din? Isabay mo nalang kaya si blight total same lang din naman kayo Sambit sakin ni clay Oo nga brix at isasabay ko na lang si lorren sakin magkatabi lang namang kami ng bahay eh ikaw na bahala kay blight. Sambit naman ni nathan Mga gagong to gusto ko umuwinv mag isa Tinignan ko naman si blight at ganon pading mahimbig na natutulog Sige matulog ka lang ng di sila mamroblema sa kung sinong maghahatid sayo Uunti nalang kami dito dahil umalis na ang unang batch na sasakay sa school bus Nagsi uwian naman ang mga gago’t seryoso ngang sakin ipapasabay to Tss ano ba yan! Dumating na ang mag a assist para sa second batch na sasakay ng school bus Gigisingin na sana ng babae si blight ng pinigilan ko sya Magkapit bahay lang kami kaya isasabay ko nalang Tumango naman yung babaeng nag a assist at Nag si alisan na sila hanggang sa kami nalang dalawa ang natira dito Tss wala ba tong balak gumising?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD