CHAPTER VIII

2555 Words
Continuation.. Brix PoV Kami nalang dalawa ang natira dito at hanggang ngayon tulog pa din sya tss siguro kung di sya gigisingin baka hanggang bukas andito pa din to natutulog wala pa namang pasok bukas Tss kakabalik lang ng klase suspended na agad Hey, wake up sleepyhead. Gumalaw lang sya at natulog ulit Hey! Wake up! Bigla naman syang napabangon at tumingin ng masama sakin at natulog ulit Kita mo yan ang hirap gisingin Hintayin mong mawala ako sa mood iiwan talaga kita dito tsk Pagbilang kong tatlo pag di ka padin nakatayo jan bubuhatin na kita’t itatapon sa labas! Isa! D-dala Ano bang kailangan mo?! Natutulog yung tao tsk! What the? Sya pa galit? Sana pala di nalang kita ginising! San mga tao dito? Bat tayo lang andito? Naka kunot noong tanong nya. Suspended iniwan ka sakin ni kai tsk Sumabay kana sakin! Pasalamat ka ginising pa kita tsk dito kana sana natulog! Hurry! Napatitig naman sya sakin na di pa din nawawala ang pagkakunot sa noo tss Asan si kai? Tanong nya. May sinundong MAS importante Diko alam pero diko sinasadyang mas diinan yung MAS na word Gagong yun. Sumunod ka nalang sakin kung ayaw mong maiwan! Tsk tulog mantika. Sambit ko’t bigla naman syang tumayo at sumunod na sakin pero nakakunot parin ang noo na mukhang ayaw pang ako ang kasabay nya tss ako na nga nagmamabuting loob pasalamat ka! Hop in. Wag kang mag assume na pagbubuksan kita Ang kapal mo! Sagot nya naman sakin at sumakay na. Napailing nalang ako habang tinignan syang pumasok sa kotse ko. Di man lang nahiya normal ba sa kanyang sumama ket di nya pa masyadong kilala? Well sakin din naman kasi naggaling na sumabay na sya stupid tss Mel’s Subdivision unang Crossing dun moko ibaba. Wao! Nagmumukha pa akong taxi driver! Diko nalang sya pinansin at tinuon na ang atensyon sa pag dadrive mahirap na ayukong mamatay kasama to Dahan dahan lang pagpapatakbo ko dahil sa medyo di na din halos makita ang ang daan buhat ng malakas padin ang ulan na sinabayan ng malakas na hangin. May bagyo pala? Bat di ako na inform? Mahinang sambit jya na tama lang para marinig ko. Bigla nya namang in on ang music Napailing nalang ako tss di man lang marunong magpaalam muna? Ayos ah Boring eh. Sambit nya bigla Gisingin mo nalang ako pag nakarating na tayo. Ayusin mo pag dadrive baka matuluyan pag tulog ko. Sambit nya na diko nalang pinansin Tss di ba to nagsasawang matulog? Hinayaan ko nalang sya’t nag drive na Ilang minuto hininto ko muna sa gilid ang kotse Delikado pa kasi eh diko na nakikita ang daan Hintayin ko munang medyo humupa hupa Bigla naman akong nainis ng mapansin damit nya Tss susuot suot ng ganon tas magpapalit lang din naman pala. Style nya ba to para ibigay naman ni kai damit nya? Tsk lalandi! Napatitig ako sa mukha nyang mahimbing na natutulog napako naman ang tingin ko sa labi nya Hmm kissable lips ngayon ko lang natitigan ng maayos ang mukha nya. Wala kang makikitang kahit unting bahid ng make up ang simple lang ng ayos nya na dahilan para mas gumanda sya tignan. Alam kong ibang iba sya sa mga babaeng nakilala ko o nakasalamuhi ko araw araw. Ilang minuto din akong nakatitig sa kanya. Nakakatempt halikan. What the f! Tsk! Ano ba tong pinagsasabi ko! Aish Diko namalayang unti unti na palang dumilim ang paligid mag a alas sais na din pala Tinahak ko na ang daan pauwi kahit di parin humuhupa ang ulan mas lalong lumakas pa nga. Same subdivision lang kami pero mas malayo pa ang samin siguro simula sa crossing mga 30 mins pa ba byahe in ko papunta sa bahay ko. Oo simula nung nag sr.high ako may sarili na akong bahay regalo sakin to ni ma’am and dad, alam kasi nilang gusto kong mapag isa Pero may mga araw na dun sila tumatambay dahil gusto pa din naman nilang magkakasama kami hanggat wala pa daw kaming asawa Pero sa ngayon na sisiguro akong wala sila ngayon sa bahay ko weekdays kasi eh Mas malapit bahay namin sa building na pinagtatarabahuan nina mam na kung saan pagmamay ari din naman namin Parehong architect mom at dad ko. Almost 7 pm na din at kakarating lang namin dito sa sinasabi nyang crossing na kung saan sya nakatira pero diko alam kung san dito bahay nila daming bahay eh pero tss finally. After 3 hours Hey, san ka dito? Nagising naman sya at palinga lingang nakatingin sa paligid. Gabi na pala? Bilis naman ng oras. Jan sa ikatlong bahay. Sa garage ka mag park ah wala akong dalang payong Demanding amputa. Nakalimutan nya bang nakikisakay lang sya? Tsk Kanina pa ako na bbwesit sa kanya pero parang may nagsasabi saking ayos lang Sinunod ko naman ang sinabi nya at nag park na sa garage nila Wala na bang balak tumigil tong ulan na to? Kanina pa sana ako nakakauwi kong di dahil sa mga gagong yun tsk Ina abuso nila ako ngayon ah Lalaking lalaki ang sungit ng mukha. Mahinang sambit nya Pero rinig na rinig ko naman tss o sinasadya nya lang talagang iparinig sakin Inis ko lang syang tinignan naginantihan nya naman ng bored look Tss pasalamat ka na ket papano nasa mood ako ngayon. San ka ba nakatira? Ihahatid mo ba ako? Sagot ko naman sa kanya na di nya lang pinansin Malakas pa ang ulan kaya mo pa bang bumyahe? Di sa concern ako sayo, baka sasusunod kasi wala ng maghatid sakin pagnagkataon eh Gago ba to? Tsk. Baba! Nakikisakay na nga lang dami pang sinasabi Alam mo kanina ka pa. Mas nag mumukha kang babae satin. Bakla ka ba? Oh wag mong isiping gusto ko lang magpahalik! Sa true lang ang sungit sungit mo! Lumabas kana kung ayaw mong di na makalabas dito. Inis na sambit ko sa kanya. Teka lang nga! Bat ba ang sungit sungit mo? Kanina ka pa ah! Stay ka na muna sa loob masyadong delikado ngayon kung pipilitin mo pang bumyahe pa uwi. Baka kasalanan ko pa pag lumibog tong kotse mo jan. Tsaka para makabawi na din ako. Ayukong magka utang ng loob sayo. quits na tayo! Tss di na ako nakipag talo at bumaba na din Gusto ko na din kasing uminom kanina pa ako nauuhaw Buti naman ket papano matutuwa ako sa kanya Pumasok na kami at wala akong nakitang ket ni isang tao wala ba syang kasama dito? Umupo ka muna Tsaka feel at home wala namang sasaway sayo dito. Sambit nya at naglakad patungo sa kusina yata nila Uupo na sana ako ng may naka agaw ng pansin sakin tss isang familiar na jacket. lopez? Tsk nanaman? Dito na rin ba nakatira si kai? Bat andito to? Alam kong di to basta bastang ibinibigay importante to samin tss ganon nya ba kamahal tong babaeng to? Hoy!! Tinitingin mo jan? Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah. Feeling close amp Diko naman sya pinansin at umupo na muna Oh uminom ka muna. Wag kang mag alala di ako nanglalason ng tao. Kaya kung di ka tao kabahan kana. Diko nalang sya pinansin at uminom nalang Napako tingin ko sa isang larawan Isang larawan na may dalawang bata babae at lalaki halata sa mukha ng babae na sya to at yung lalaki naman alam kong si kai yan, bata palang kami magkakilala na kaming anim pero mas matagal ko ng kilala yung apat kung kaibigan kesa kay kai. Nagkakilala lang kami ni kai simula nung kakalipat lang nila malapit sa bahay namin. Ang cute ko jan eksena nga lang yung isa tsk. Diko tinatanong. Tss Di ka ba marunong mag salita? Tanong nya sakin Abnormal ba to? Oh sya jan kana muna kukuha lang ako ng pang palit mo na din mahirap na baka isisi mo sakin pag nagkasakit ka. No thanks. Diko ugaling mag suot ng damit ng di sakin. Wao ha! Ako na nga tong nag mamagandang loob ang arte mo pa! Jan ka na nga! Abnormal talaga tong babaeng to tss Diko nalang sya pinansin at nilibot ang paningin Wala bang ibang tao dito maliban sa kanya? Ang dami kong nakikitang larawan sa paligid na halos lahat puro dalawa lang na mukhang si mom nya lang yata at sya. May naka agaw ng pansin ko sa isang larawan na may matandang lalaki’t babae na kung di ako nagkakamali mukhang sila ang may ari ng school na Saltina. Ang yaman ng pamilyang Saltina pero bat di naman ganon ka gara ang bahay na to? Kung tutuusin mas malaki pa bahay ko eh. Biglang may pumasok sa isip ko, yung kanina sa garage nila may isang magarang kotse dun na naka park ang alam ko di pa yun available dito o nilabas sa kahit saang lugar dito sa pinas pwera nalang kung may pera ka’t makakabili ka at makakabili ka talaga nun ng full downpayment Nilibang ko nalang sa ibang larawan ang sarili ko Ayuko ng isipin yun wala naman akong pake eh Biglang may tumama na kung anong bagay sa likod ko. Magpalit ka ang basa ng damit mo. Sambit nya dahil sa pareho kaming nabasa kanina pag babasa garage di kasi nakadugtong bubong ng garage nila sa bahay nila eh Di na ako tumanggi dahil sa nilalamig na din ako Hinubad ko na ang damit ko para magpalit ng Gago! Harap harapan talaga? Napahinto naman ako ng makita kong nakapikit sya na mukhang naghihintay na matapos akong magbihis tss kala mo naman maghuhubad ako ng buo dito tss arte alam kong nag huhubad na din si kai sa harap mo. I mean ng damit gago ang dumi pakinggan Tapos kana ba? Tanong nya na nakapikit pa din May pumasok naman sa utak ko at napag desisyonang di nalang mag suot ng damit haha manigas ka kala mo ah Oh. Sagot ko naman ng nakangiti haha tignan natin kung ano magiging reaction nya Aray! Di ako nakailag ng bigla syang may binato sakin na matigas na bagay tangina ano yun! Mag damit ka nga! Siraulo ka! Galit na sambit nya na handang mangbato nanaman ng kung ano Haha Nakakatuwa syang tignan ang priceless kasi ng mukha nya eh Yuko nga. Pagmamatigas ko. Ang panget ng katawan mo di ka ba nahihiya? Sambit nya na mukhang pikon na pikon na Ayan haha mabwesit ka lang kanina ka pa eh. Di nakakatuwa! Umalis ka na nga! Saka na. Delikadong bumyahe ngayon eh tsaka nasa kabilang subdivision pa bahay ko. Wala ka bang kasama dito? Tanong ko sa kanya na di makatingin sakin tss Ang ganda na nga ng view nya mag e inarte pa. Wala! Kaya pwede kitang patayin ngayon din! Lumabas ka na! Wala akong pake kung ano mang mangyari sayo jan! Baka nga ikakatuwa ko pa pag may nangyari sayo kaya layas! Mahabang sambit nya na halatang pikon na pikon na hahaha ang cute nyang tignan Hmm kaya pala ang tahimik dito. San ba parents nya? Ganon ba? Haha sige. Naglakad na ako patungong kusina haha di ako uuwi bala kajan wala ka din namang ibang kasama dito eh. Hoy! T-teka andun ang pintuan pa labas! Turo nya sa pintong pinasukan namin kanina Na hanggang ngayon di pa din makatingin sakin haha ikakamatay nya ba pag nakita abs ko? Alam ko. Di mo man lang ba papakainin bisita mo? Gutom na ako. Sambit ko dahilan para umusok ilong nya sa inis hahaha ganyan nga WOW ANG KAPAL MO NAMAN! SINO KA BA? KAPAL NG MUKHA MO UMUWI KANA KUNG GUSTO MONG KUMAIN! Diko nalang sya pinansin at nag titingin sa ref nila kung anong pwedeng lutuin. Kung tinatanong nyo. Oo marunong akong magluto matic na yun dahil may sarili na akong bahay kaya dapat lang na marunong akong magluto para sa sarili ko. Naisipan kong sinigang nalang ang lutuin nababagay din kasi sa clima ngayon ang lamig eh Di naman na sya umimik pa at nakaupo lang sa dining table habang nakakunot noong nakatingin sakin Mukhang no choice na sya eh haha Wala ka namang balak sunugin bahay namin no? Tss marunong akong magluto! Pwede ba? Magdamit ka nga muna! Di ka ba nahihiyang e lantad buto buto mo? Abat buto buto? Sa laki ng katawan kong to buto buto? Tss bat si kai lang ba pwedeng maghubad sa harap mo ha! Tsk manigas ka! Di hamak na mas maganda katawan ko kesa kay kai kaya manahimik ka! Tss nakakabdtrip Oh bat naman na sama si kai? Tss. Wala ka na bang balak umuwi ha? Di ka ba hinahanap senyo? Anong oras na oh! Hindi. Sagot ko sa kanya’t tinuon na ang antensyon sa pag luluto. Anong oras uuwi si kai? Tanong ko sa kanya na kinakunot ng noo. Aba malay ko, bat mo sakin tinatanong? Tss. Sabihan mo andito ako para aware sya. No naman pake nya kung andito ka? Tss abnormal yata tong babaeng to eh Abat malamang baka ano pang isipin ng jowa mo! Jowa? Pft. Gago hahahaha Di ko jowa yun! Itatanggi daw ba? Porket may pogi sa harap nya nakalimutan na kagad si kai tsk tsk mga babae talaga. Sumbong kita kay kai. Gago HAHAHA samahan pa kita eh. Siraulo. Diko alam pero parang may kung anong tinik na nabunot sa loob ko na dahilan para mapangiti ako Sabi mo eh. Bigla namang syang lumapit na kinabigla ko Bigla nalang ako naka ramdam ng kung anong diko ma paliwanag ng magdikit katawan namin Nasa likod sya habang nakatuon ang tingin sa niluluto ko Ang bango naman nyan marunong ka pa lang magluto? Sambit nya habang nakatingin pa din sa niluluto ko Lu-lumayo ka nga! Tsk ina ano ba kita? Raulo. Nang maluto na niluluto ko kumain na kami’t walang ni isang magsalita ang awkward tuloy tsk Sarap mo pa lang mag luto haha nakakatawa mang isipin pero first time kung nakatikim ng ganto ka sarap. I mean na dito mismo sa bahay niluto. Di ba masarap mag luto mom mo? Gago syempre masarap pero laging wala yun dito sa bahay eh kaya ako nalang nagluluto para sa sarili ko. Tinitignan ko lang sya habang kumakain. Ang lungkot ng mga mata nya Lungkot na halatang gusto nyang makasama mom nya ngayon. Tatanungin ko din sana sya about sa dad nya pero pinigilan ko na sarili ko Ayukong manghimasok lalo nat sa mga larawan na andito walang ni isa akong nakitang pwedeng maging dad nya Ang takaw mo naman ganon ba kasarap luto ko? Hindi. Nagkataon lang na gutom ako che. Haha ayaw pang aminin eh Bigla nakang syang napatingin sakin. Alam mo ang sarap pakinggang ng pagtawa mo Ngayon lang kita nakitang ganyan tumuwa eh mukhang totoong tawa yun Tss kumain kana lang. Di kaba nilalamig? At mukhang wala ka ng balak mag damit? Ayaw mo nun? Maganda view mo Pasalamat ka nga nag kusa ako eh Irap lang sagot nya at pinagpatuloy na ang pagkain. Alam mo. Okay ka naman minsan eh pero minsan mukha kang siraulo. Pa iba iba mood tssmay bipolar ka ba? Abat gago pala to eh. Haha joke lang. Manatili kana muna dito hanggat di pa humuhupa yung ulan Sambit nya Natapos na kaming kumain at sya na daw mag huhugas Buti naman ako nagluto eh May bigla namang pumasok sa utak ko Hahaha mukha kasi kaming mag asawa eh
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD