Alas 6 na ng umaga, nakararating na rin ako sa Laguna pagkatapos ng mahabang byahe. Kailangan ko ng maireport lahat ng ginawa ko dahil may pasok na ulit ako sa school na aking pinagtatrabahuan. Kailangan kong mabawi ang aking puhunan na ni piso wala pang balik. Nakakapanggigil talaga ang lalaki na yon. Bumili pa ako ng motor para lang mahabol ang mga salarin pero ni piso wala yata akong mapapakinabangan. Magiging salamat na ang 3 milyon.
Sa kabilang banda ay hindi ko pinagsisisihan ang pag tanggap ko sa kasong ito dahil sa wakas ay nabigyan na rin ng katarungan ang aking ama. Sana ay masaya ang aking ama sa naging resulta ng lahat ng aking pagsisikap.
Ngunit na konsensya ako ng bigla kong maalala ang aking katangahan. Isinuko ko nalang basta ang aking mahiwagang alaga sa James Zach Villa na yun. Kung nabubuhay lang ang aking mga magulang ay hindi sila sasang-ayon at malamang ay ipina tawag na kung sino mang poncho pilato ang aking naka niig. Traditional masyado sila Mommy at Daddy kaya sure akong hindi uubra ang aking mga palusot sa usapang 1 night stand.
Habang nagmumuni-muni ay bigla nalang nag ring ang aking cellphone na pang work. Paniguradong si Sir Andy na ang tumatawag at e cocongratulate ako.
“Hello Lee?” sabi ng nasa kabilang linya.
Sir? Magandang araw po! Sabi ko naman.
“I called you to congratulate at upang ipaalam sa iyo na success ang naging mission mo. Job well done Agent Cassidy Lee Selverez!, at this time, hindi kami papayag na hindi ka pupunta sa party tonight. Di lang malaking isda ang nabingwit mo konde butanding!” Mahabang litany nito.
Pero Sir------- tatanggi pa sana ako pero hindi na ako pinatapos mag salita.
“Wala ng pero, pero Lee! Hindi kami papayag. Saka naideposite na sa account mo ang bayad pati na rin ang share ng Agency, hindi naman kami papayag na di ka manlilibre! 3 million ang kinita mo, Tapos 1 shot 2 kills pa dahil case solve na ang kaso ng daddy mo, ayaw moba e celebrate yun?” Palatak muli nito.
Ikinagulat ko na naman ang sinabi nya na nai deposite na. Akala ko ba ay hindi ibibigay ng baliw na lalaking yung ang aking 3 million. Aba! Ano na naman kaya ang plano nya sa buhay at bigla syang bumait! Sa isip isip ko. Hindi pwedeng malaman nina Sir Andy ang tungkol sa namagitan sa amin, Hindi ko pwedeng sabihin na personal ko na ring na meet si James Zach Villa. Ayaw ko ng maraming issue. Gusto ko trabaho lang at walang personalan.
Sige Sir, total ay matagal nyo na talagang nirerequest na sumali ako sa happy happy e di gow na ako! Basta ba may bubuhat sa akin pauwi! Pagbibiro ko naman.
“Naku naman Lee, panigurado maraming mag aagawan na maihatid ka pauwi! Kaya wag mo nang problemahin pa yun!” sabay tawa nito.
Sige Sir Andz! Send me your party location at pupunta nalang ako. Kailangan ko pa ng pahinga. Hilo pa ako sa pagsakay ko sa barko kaninang madaling araw. Sabi ko naman.
“O sige! Salamat Lee at pinaunlakan mo kami! Sa wakas naman at makakasama ka na! Sa Double AA Casa Hotel tayo mamaya. Casual lang naman ang event may konting pa thanks giving lang”. Sabi naman nito.
Alam ko kung saan yung Double AA napuntahan ko nay un before so familiar na ako Sir. No need convoy. Sabay tawa ko.
“Nice! Buti naman, di ko kailangang mag screen shots ng Google Map para sayo!” Tawa nito.
Nagpaalam na rin si Sir Andz pagkatapos ng pag-uusap namin. Subrang inaantok pa talaga ako dahil hindi ako masyadong na himbing sa barko. Baka kasi biglang sumulta nalang sa teheras ko ang lalaking iniiwasan ko. Salamat naman at di kami nagkita sa barko. Ngunit may bahagi sa puso ko ang umaasang susundan niya ako pagkatapos ng naganap na pagkikita namin kagabi.
Siguro dala ng aking kapusukan kaya nangyari ang lahat. Alam ko, malabong mag seryuso ang isang James Zach Villa dahil naaalala ko na kung bakit sya familiar sa akin. Hindi ito ang una naming pagkikita dahil nagka salubong na ang landas namin noon. .
Flashback. . .
“Lee! Lee! . . . “ May tumatawag sa akin, alam kung boses iyon ng aking kaibigan kayat nagpalinga-linga ako. Kasalukuyan kasing nag lalakad ako papunta sa library para mag research ng tungkol sa Research Paper topic namin. Kasalukuyang nasa 2nd year na ako sa aking kurso na BSE MAPEH. Medyo maraming pinapagawa ang mga teachers dahil malapit na namang matapos ang semester.
“Hoi! Lee! Dito sa right side!” dinig kong sabi.
Nakita ko naman agad si Danielle kaya’t nilapitan ko ito.
Ano na Dane! Kala ko ba mag-aaral tayo? E bat andito ka sa may sulok nagmumok-mok? Tanong ko dahil nakita kong naka halukip-kip lamang ito sa may Am phi Theatre bench at mukhang pinag sakluban ng langit ang pagmumukha.
“kasi Lee, alam mo ba, nakita ko yung crush ko, kahalikan yung kaklase nya. Ang sakit Lee!” Malungkot na sabi nito.
Ha? Teka? Si Jaspher Acierto ba? Nakakunot noo kung tanong. Marami naman kasi itong crush e, pero ang alam ko lang si Jaspher talaga ang kanyang bet na bet sa lahat.
“Oo, nakakainis! Tapos patingin tingin pa sya sakin! Pakinda-tkindat pa kahapon tapos may babae naman pala! Umasa lang talaga ako!” inis na inis nitong turan.
Hayaan mo na sila friend, alam mo naman na yung group of friends nila, nag cocollection ng mga babae diba? So wag ka ng umasa. Sabi ko nalang.
“Tama ka nga! Pati yung kaibigan nyang si JZ Villa! Napaka BI! Mula ng sumama sa kanila si Jaspher naging babaero na rin! Hmmpp!” inis na inis nitong sabi.
Tama na nga yan friend, di nila deserve yung mga loyal na gaya mo, Tara na nga sa Library. Aya ko naman dito.
“Una ka na muna sa Library friend, Kasi may kukunin muna ako sa room. Nakalimutan kung dalhin ang aking water bottle” sabi nito sabay lakad pabalik ng aming room ng first period subject.
Ako naman ay tumuloy na sa Library. Doon ko na lamang aantayin si Dane sa loob. Ng maka rating ako ay agad akong pumunta sa section ng books na kailangan ko. Unfortunately, according sa catalog nito ay naka lagay ito sa medyo dulong bahagi ng book section kaya naman dumeretso na ako. Ngunit laking gulat ko ng Makita ko ang dalawang nilalang na masarap na naghahalikan. Perfect spot nga naman ito dahil dulong bahagi na ng Book section. Wala naman akong pakialam sa kanila kung mag make out pa sila. Kaso ang book na kukunin ko ay mismong sa tapat ng mahaharot na couple na ito. Kaya naman wala akong choice konde istorbuhin ang kanilang moment.
Excuse me, sabi ko naman na walang ganang nakatingin sa kanila. Nagulat naman ang mga ito at ang babae ay hindi maipinta ang itsura sa inis. Samantalang ang lalaki naman ay walang iba konde ang lalaking kabilang sa mga top player heart throb ng campus na si James Zach Villa.
“Ano ba yan, nakita mo naman siguro na may tao ditto diba?” masungit at surang-sura na turan ng babae na walang iba konde ang isa sa mga ‘Campus Queen” kuno.
Nalito naman akong napatingin sa kanya, at hindi ko napigilan ang aking bibig na matabil.
“Look, I don’t care if you make out here, pero kukunin ko lang ang kailangan kong book. Sabay pakita ng Catalog number sa kanyang pagmumukha.
“You guys should book a hotel. I believe that people came here in the Library to study and not make out” sabay talikod ko. Wala akong pakialam sa kanila. I have a grade to maintain so study is my priority. Wala naman akong narinig na kahit anong kataga mula kay JZ . Tuloy-tuloy na lamang ako at humanap ng magandang pwesto para magbasa. Ngunit hindi pa nagtatagal ay mayroon akong naramdaman na lumapit sa aking likuran, hindi ko naman pinansin ngunit halos manigas ang aking katawan ng may lumapat na labi sa aking batok. Bigla nalang akong nag goose bump. Sino ba ang walang hiyang nilalang na humalik sa aking leeg! Sa aking paglingon ay tanging likod nalang ni James Zach ang aking nakita. Nagpalinga-linga ako ngunit wala na talagang ibang tao na dumaan sa aking likuran kundi sya lamang. Bigla namang uminit ang dugo ko sa bastos na lalaki. Anong karapatan niyang halikan ako? Napaka manyak! Inis na inis ako sa lalaking yun.
Mula naman noon ay hindi na muling nag cross ang aming ladas sa school. Ipinagpapasalamat ko naman iyon. Dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at masipa ko ang kanyang mukha.
Present . . . .
Muli naman akong natulog dahil maaga pa naman para sa party-party. Para naman fresh ang aking mukha. Napagod talaga ako sa aking byahe. Ngunit nagpapasalamat naman ako at hindi ako ginulangan ng lalaking yun. Nakatulog ako ng may ngiting 3 million sa aking mga labi.
Villa Home
Kasalukuyan akong nagpapahinga mula sa byahe. Nagpapasalamat ako at natapos na rin ang kaso ng aking mga magulang. Masamang masama ang loob ko sa aking tiyuhin dahil siya ang dahilan ng pagkawala ng aking mga magulang. Hindi ko man matanggap ang kahayupang ginawa ng aking tiyuhin. Bakit mayrong mga kamag-anak nag anon? Yung tinuring mong mga magulang mo ngunit iba ang mutibo?
Ngunit, ganon naman talaga ang buhay. Minsan ang pinagkakatiwalaan mo, sila ang tatraidor sayo. Napabuntong hininga na lamang ako. Inayos ko na lamang ang aking mga gamit galing sa byahe. Napadako ang aking paningin sa jacket na dinala ko sa byahe.
Bumalik sa akin gala-ala ang steamy night namin ni Casidy Lee mula ng may mangyari sa amin ng isang gabi ay hindi parin mabura sa aking isip ang napaka among mukha at napaka gandang katawan nito. For the first time in my life ay nakatikim ako ng babae na ako mismo ang nauna. Kakaiba yung feeling parang may pride at isipin ko palang na hindi sya Makita ay parang nababaliw na ako. Bakit ganon yung feeling? Yung mga naging girlfriend ko before, ilang months palang, lumalabas na ang ugali. Nagdedemand na ng allowances, alahas, kotse, at kung ano pa ngunit iba si Casidy, Iniwasan na nya ako after ng may mangyari sa amin. At yun ang hindi ko matanggap. Hindi na rin niya ako kinausap pa after ng nangyari. At ng subukan ko syang e blockmail ng tungkol sa 3 million na magiging kabayaran sa kaso na hinawakan nya ay hindi nya na rin ako kinausap na para bang isinampal nya sa aking gwapong pagmumukha na kaya nyang mabuhay ng hindi ko ibinibigay ang 3 million nya. Kaya naman nakaisip ako ng paraan para Makita sya ulit.
Tinawagan ko kanina si Jaspher at Andy na magpapa thanks giving party kami sa pagka lutas ng case. Alam ko na mapipilitan syang sumama dahil sya ang pinaka highlight ng thanks giving party na ito. Hindi ko na muna ipinaalam ang plano ngunit nakausap ko na si Jaspher tungkol sa events na doon mismo mangyayari sa kanyang pagmamay-aring Hotel. Sisiguraduhin kong hindi nya ako maiiwasan mamaya sa party. Namimis ko na ang aking Baby! Nakakagigil at nakakabaliw.
See you later Casidy Lee Selverez! Usal ng aking isipan.