Flashback. . . . .
Nagpapahangin lang ako sa may garden ng may maramdaman ako maiingat na yabag. Agad akong nagtago. Kitang-kita ko kung papano lumiban sa may terrace ang mapangahas na panauhin. Naririto kasi ako sa bahay ng aking tito. Kailangan kong makahanap ng mga karagdagang ebedinsya dahil mayroon na akong nakalap mula sa agent na nag iimbestiga sa kaso nina dad. Mukhang hindi basta-basta ang agent na humawak ng kaso dahil masyadong detalyado pati pagkikita namin sa pier ni tito naka saad din doon. Naaninag ko na palabas na ng bakod ang panauhin kaya hindi ako nagdalawang isip na balyahin ito at tutukan sa may sintido. Hind manlang ito natinag, ni takot ay hindi ko maramdaman dito mukhang sanay na sanay ito sa ganoong trabaho.
“Sino ka?! Sumagot ka kung hindi pasasabugin ko ang utak mo! Itinutok ko sa kanyang sentido ang aking hand gun. Ngunit pamilyar sa akin ang amoy nito, pati ang bag nito! Anak ng titing! Gusto kong makasigurado kayat tinangka kong alisin ang kanyang mask ngunit bigla nalang itong may isinaboy sa aking mukha at biglang nalang akong nahilo at unti unting nag dilim ang akin paningin. Takte! Mautak!
Nagkamalay ako ng biglang may tumawag sa aking telepono nakita ko na si Acierto ang tumatawag. Andito parin ako naka pwesto sa may damuhan kung saan ako nawalan ng malay dahil sa sinaboy na kung anong mukhang pulbos sa aking mukha ng mapangahas na panauhin na aking nakasagupa.
“Hello brad Kanina pa ako tawag ng tawag sayo ah!”
Busy lang. O? Kamusta ang pinatatrabaho ko sayo? Bungad ko kaagad.
“Ito nga, kaya nga ako tumawag may nakuha na akong impormasyon tungkol sa kanya,
Casidy Lee Selverez 26 years old 5’5
Elementary Teacher at SLA
Well sya lang naman yung sinasabi kong weirdong mag trabaho na laging gabi kumikilos dahil part time lang talaga sya.
Daughter of Carina Selverez and General Clyde Selverez both deseased.
Nag-aral ng profiling sa America at kasalukuyang nagtatrabaho bilang undercover agent sa BI Gold.
Gusto kung matawa kasi parehas kaming taga BI Gold pero bat di ko sya nakikita no?” Saad naman nito.
At itong pinaka malupit bro! Sya ang humahawak ng kaso ng tatay mo na involved din ang tatay nya.” Dagdag nito na ikinagulat ko.
Paano? Tanong ko naman.
“Yung tatay nya ang humawak ng kaso ng mga magulang mo noon pero sa di malamang dahilan, biglang na suspend ito at pagbalik niya, Case Close na. Ngayon, may mga ilang ibedensya na itong hawak tungkol sa pagkaka sabwat ng mga kaibigan ng tatay mo sa pagpatay sa kanila. Sina Mayor Ram Alejandro, Senator Tito Acosta at ang matindi bro dawit ang pangalan ng Tito mong si Ariel Feranco siguro isa din sa mga dahilan kung bakit nya hinawakan ang kaso na to para trabahuin ay dahil hindi sya kumbensido sa pagka matay ng kanyang tatay bro.” mahabang saad nito.
Salamat bro! tugon ko naman.
“Anong salamat?! May bayad yan, ang hirap hirap kaya makuha ng info nya buti nalang e nilasing ko si Andy at kursunada nya ang kapatid kong si Ivon kaya nakakuha ako ng info. Tang gala bro! Agent pa ang pinatrabaho mo sakin”. Reklamo nito.
Wag ka na ngang magreklamo jan! idedeposit ko na sa bank account mo ang pera kasi alam ko namang kupal ka eh! Hayop na to! Walang kai-kaibigan e no? sabat ko naman.
“Aba! Walang kai-kaibigan, trabaho lang walang personalan ang hirap hirap nyan makuha. Sa galing kong mag imbestiga jan lang ako inabot ng syam-syam saka, bakit a kasi naisipan mo pang paimbestigahan yan? Siguro trip mo si Ma’am no? Aba nag-iba na yata ang taste mo!” hagalpak naman nito.
Tigilin mo ko Acierto walang ganon! Sige na may aasikasuhin pa ako!
“Sige akin nalang bro, Salamat ha? Type ko pa naman si Ma’am, totoo ang balibalita ula-lam nga yan si vampire lady. Namataan ko noong isang gabi kausap ni Andy e. Akin nalang kung ayaw mo!” sabi nito.
Kung gusto mong mabuhay ng matagal Acierto wag mong pakialaman yan, babangasan talaga kita tandaan mo. Pagbabanta ko, aba hayop na to gusto pa yatang makiagaw sa baby ko ha.
“Ay! Binakuran mo na bro, tsk! Tsk! Ang sad naman, gusto ko pa naman sanang ligawan eh”. Hirit pa nito.
Wag kang magpapakita sa akin pag pinurmahan mo si Casidy brad. Kakalimutan kung ninong ka ni Justine. Sabi ko naman.
“Wew Casidy na ano ba yan bro Ca-si-dy na titikim ng iba o Ca-si-dy na nakakascore?” Tawa pang asar nito.
Hayop ka Acierto! Pakita ka lang sakin! Lakas maka trip nito. Di ko alam kung kaibigan ko ba talaga.
“Good bye SIR! Let’s have our class in bed okey ahmm!” Malanding pagboboses babae nito sabay patay ng kabilang linya.
Parang gusto ko ring pagtripan itong hayop kung kaibigan tapos di ko idedeposit ang bayad ko sa serbisyo nya. Mas maharot pa to sakin e. Bigla kong naramdaman ang hapdi at sakit ng panga ko. Binuksan ko ang aking cellphone camera at ginawa kong salamin. Pusang gala! Binangasan pa yata ako ni baby!
Napaka gwapo ng mukha ko, ang dami pang naghahabol sa mukhang to. Mukhang nabawasan ang ka gwapuhan ko. Paano nalang ang mga naghahabol sa akin kung ganito ang mukha ko? Putok ang labi at may black eye pa!
Nakaisa ka sakin Casidy Lee Selverez! Pag ako nakabawi sayo, sisiguraduhin ko di ka lalabas ng di buntis sa kwarto ko!
Naghanda nalang ako upang sundan kung saan nagpunta ang aking Tito dahil may ikinabit akong tracker sa sasakyan nito. Pasakay na ako ng aking kotse ng may restricted number na tumawag sa akin.
Hello? Sino to?
“Hello Director Villa. Si Andy Casem ito ng Aguila Bureau of Investigation Agency, ang humahawak sa kaso mo” bungad nito.
Ah yes Sir, salamat sa inyong pagtulong sa kaso ng Ama ko.
“Director, kailangan naming ng urgent help mula sa mga tao mo, pinasok ng Agent namin ang minahan, alam naman naming na nasa Romblon ka ngayon, baka matulungan mong back-upan ang aming Agent. May matitibay ng ibedensya kaming hawak pati mga video na magpapatunay na Kasabwat ang iyong tiyuhin sa pagpatay sa iyong Ama pati na rin ang kanyang mga kasamahan, Nabalitaan naming hawak nya ang mga kapulisan jan pati ang hepe kaya hindi kami pwedeng makipag ugnayan sa kanila. Ikaw nalang ang pwedeng magpasunod sa kanila. Tinawagan ko na rin si Agent Selverez na ikaw ang back up sa paghuli sa kanila” Mahabang saad nito.
Walang problema Sir. Maraming salamat sa tulong nyo. Ako ng bahala. Tugong ko.
“Maraming salamat Director”. Saad nito.
Ibinaba ko na ang tawag at naghanda sa pagdakip ng mga salarin sa pagkamatay ng aking Mga magulang. Umahon ang galit sa dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na mismong kadugo ko ang utak sa pagpatay sa aking magulang. Ang bata pa ng aking kapatid at ni hindi pa nila nakikita ang magiging apo nila sa akin. Governor kong Tiyuhin na criminal. Mga hayop sila! Magsama-sama silang maghimas ng rehas.
Saktong sakto ang pagdating naming sa site dahil papalabas palang ang kanilang mga sasakyan hindi na kami nag aksaya pa ng panahon at hinuli na namin sila.
Sige, hulihin sila! Utos ko dahil mukhang magpapa-awa na naman ang magaling kong Tiyuhin. Baka ano pang magawa ko kung tatagal pa sila sa harapan ba bigla nalang akong maging criminal dahil sa kanila.
Masamang tingin na lamang ang pinukol sa akin ng aking tiyuhin
Kumilos na ako at tinawagan lahat ng mga pinagkakatiwalaan kong Team upang maging back-up ko sa paghuli sa kanila. Bukas paniguradong magiging isang malaking balita ito dahil dawit ang isa sa pinaka malakas na kandidato ng Senador sa election, Si Tito Acosta pati na rin ang aking magaling na tiyuhin.
Habang naglalakad papuntang Police car ay nagsalita pa ang kanyang Tiyuhin na makunat ang mukha.
“Hindi ako makapaniwala na mismong sarili mong kadugo ay ipapakulong mo kahit wala ka namang ibedensya”. Pauyam na turan nito.
Hindi din ako makapaniwala na mismong ikaw ang nagpapatay sa mga magulang ko na itinuring kong pangalawang tatay. Saka kilala mo ako, Hindi ako nagpapadakip ng walang matibay na ibedensya. Mga magulang ko ang pinag-uusapan dito.
Masamang tingin ang pinukol nito sa akin. Masakit lang isipin na kung sino yung taong pinagkakatiwalaan ko ay siya ring magiging dahilan ng pagka matay ng mga magulang ko. Pagkatapos na makaalis ang aking mga tauhan at ay tinawagan ko na ang mga opesyal at director ng kapulisan na naka assign dito sa Romblon upang ikulong na ang mga ito. Bukas ay iluluwas na sila ng Manila upang doon na tuluyang ipiit. Ma rescue na rin ang mga force labourer na kanilang ikinulong dito sa minahan upang mag trabaho. Nagpalinga-linga ako upang hanapin si Casidy ngunit parang bula nalang itong naglaho sa kanyang kina tatayuan kanina sa di kalayuan. Mukhang tinakasan na naman ako ah! Humanda talaga sa akin ang babaing yun. Sisiguraduhin ko talagang di makaka-labas nang kwarto ng 24 hours. Masamang ginagalit itong aking junior! Di bale, iikutin ko muna itong site, para masiguradong di ako pinagtataguan. Naglakad-lakad pa ako sa di kaluyuan sa site pero wala talaga akong Makita mukhang tumakas na nga. Pabalik na ako sa kotse ko ng mamataan kong may animoy tinabunan ng mga dahon sa di kalayuan. Saglit ko itong sinipat at nakilala ko kaagad ang bag na nakasabit dito napangisi ako. Mukhang maiisihan kita ngayong gabi Ma’am Casidy Lee Selverez. Igaganti ko ang aking kagwapuhan na binangasan mo. Kung biglang tingin talagang hindi mapapansin na may tinatabunan ng mga dahon ngunit sanay ako sa mga ganitong bagay.
Present. . . .
“Akala mo matatakasan mo ako baby, nagkakamali ka” malademonyong ngisi nitong turan.
Hoy ikaw! Diba pulis ka? Alam mo bang blackmailing ang ginahawa mo?! Ibigay mo na sa akin ang 3 million ko dahil pinaghirapan ko yun! Nakakagigil talaga tong lalaking to! Kala nya madadala nya ako sa papogi nya ha. Naglabas pa ako ng pera para lang sa kasong to tapos mabubulelyaso lang ang 3 million ko! Anak ng lintik o! Kung gaano kahaba ang pasensya ko sa mga studyante ko, mukhang itong pulis na to ang tatapos sa mahaba kung pasensya.
“Wag ka ng umangal angal pa jan baby, sumama ka na sa akin at babalik na tayo ng Laguna”. Sabi nito na nakatitig sa akin.
Anong sasama? Hoy! Tama na yung aksidenteng kalibugan na nagyari sa atin sa barko Mr. Villa. Pwede ba ha! Ayaw ko ng sakit sa ulo. Saka panira ka sa mga plano ko. Luluwas ako ng mag isa kung ayaw mong ibigay ang 3 million ko, e di wag! Marami akong mauutangan dahil good payer ako! Hindi mo ako madadali jan sa mga pang black mail mo!
Mukhang kakalimutan ko nalang siguro na gumastos din ako ng Malaki sa misyong to. Mukhang malulugi pa talaga ako. Ito na yata ang pinaka malaking joke mission na nakuha ko. Pero para sa akin sapat na sigurong nakulong ang mga may sala sa pagkamatay ng tatay ko para sa 3 million kung tutuusin kulang na kulang pa yon para sa mga buhay na pinalit nila.
“Talaga ba? Sige ka lugi ka. Saka ikaw lang ang kilala kung hindi tumatanggap ng 3 million sa buong buhay ko, hmm na challenge tuloy ako lalo sayo Ma’am Casidy Lee Selverez, tara na iuuwi na kita at mag laloving-loving pa tayo”. Turan nito.
Wag mong painitin ang ulo ko at baka magulat ako, tapos magdilim ang paningin ko madagdagan ko yang bangas mong ungas ka! Alam mo yun! Nakakagigil ka e. Sayo mauubos ang pasensya kong isang kilometro!
“You look so pretty when your angry baby. Kaya gusting-gusto na kitang iuwi e”. Huamalakhak pa ito ng parang kampon ni taning.
Ang tanga-tanga ko talaga kagabi! Bakit ba binigay ko dito ang virgin kong alaga sa baliw na ito. Wala ng kwenta itong pag-uusap na ito baka mauwi nalang sa landian ulit. Wag na! tama na ang isang chukchukan Casidy! Binuhay ko nalang ulit ang makina ng akin instant motor. Hay naku! Sana hindi nalang ako umasa na mababayaran para ibang paraan nalang ang ginawa ko. Napagastos pa ako tapos bubudolin lang ako ng hinayupak na Ninja manyak na lispu na to. Sana nag-iisa lang syang ganyan kawawa naman ang lipunan kung may mga kapareho pa sya! Binumba ko nalang ang motor sa may harapan nya para kahit manlang alikabok madama nitong kupal na to!
“Teka lang baby! Saan ka na ba pupunta?! Sumabay ka na sa akin. Wag mo kung iwan baby!” Mariing sabi nito.
Babyhin mo mukha mong kupal ka! Ayaw na kitang makita! Mag reresign na akong tutor ni Justine effective tomorrow! Sabi ko sabay paharurot. Akala nya siguro madadali nya ako sa pag blackmail nya! Utot nya! Ihahanay nya pa ako sa mga babae nya. Akala nya siguro hindi kasama sa mga nasagap kung info ay ang pagiging chickboy nya animal sya!
“Teka lang baby! “ sigaw pa nito pero hindi ko na pinansin. Hahabol nalang ako sa first trip ng barko para makabalik na ng Laguna at makapag pahinga. Buti nalang 3 days ang live ko sa school. May isang araw pa akong maghila-hilata at mag relax. Ito na ang pinaka nakakapagod na misyong ginawa ko sa buong buhay ko. Hindi dahil sa malayo, ngunit dahil mauuwi nalang yata ito sa “Thank you!”.