Nagising ako ng halos pasado alas kwatro na ng hapon. Napahaba yata ang tulog ko ah. Feeling strong na ulit ang aking sexy hot body. Medjo may mahapdi parin sa Keeps ko pero kayang-kaya ko na sumabak sa aking mga plano. Namimis ko tuloy ang aking Baby Dayton. Nasanay narin kasi akong kasama ang aking big bike sa mga mission.
Naligo na ako at binuksan ang aking tablet. Kailangan kong ma locate kung saan na ang sasakyan na kinabitan ko ng device kanina. Paniguradong may makukuha akong matibay na ebedensya ngayon. Kailangan kong magsuot ng casual na damit baka magtaka ang mga taga dito sa hotel kung lalabas ako ng kakaiba ang suot. Pumili ako ng Black crop top at fitted jeans pero stretchable dahil panigurado matinding akyatan ang gagawin ko mamaya worst habulan pa.
Tamang-tama lang din talaga ang dala kong bag dahil madadala ko to kahit saan. Hindi ko pweding iwan ang bag ko dahil dito rin nakalagay ang mga gamit ko sa mission.
Ikinabit ko na ang mga armas na magagamit ko sa mabilisang kilos kagaya ng kutsilyo, pocket size small pistol at ang aking PP-93 foldable silencer gun na pweding single shots o kaya’y auto. Isa ito sa mga favorite ko dahil ilang beses akong isinalba ng armas na ito.
I’m getting ready baby! Masyado na naman akong ginaganahan sa aking lakad. Hmmp na locate ko na ang sasakyan na kinabitan ko ng device. Sinuot ko rin ang aking contact lens camera. Ayaw ko ng maraming anik-anik kagaya ng salamin dahil sagabal. Kaya lahat ng suot ko ay customize na armas kagaya ng aking kwentas na kunyari ay makinang na bato, pero ang totoo malalakas na bomba ang bawat butil nito. Lumakad na ako dahil kumagat na ang dilim. Ayos pala dito sa lugar na to pag patak ng alas 6:30 ay madilim na talaga.
Nagsuot na ako ng baseball cap ko. Kakain muna ako sa baba ng hotel, pagkatapos ay magsisimula na ako sa akin mission for 3 million. Hahaha
Few hours later. . . .
Akalain mo nga naman ang pagkakataon dahil umaayon ang panahon. Saktong nakatago ako sa isang malagong puno ay namataan kong dumating si Senator Tito Acosta, hinding hindi ako magkakamali dahil ito ang senator na matunog ang pangalan sa masa na matulungin at binansagang “Anak Pawis” dahil matulungin sa mahihirap, Marami naman talaga itong natulungan. Nasa tapat ito ng bahay na aking punterya. Maya-maya pay lumabas si Governor Feranco at pinaunlakan ang panauwin. Naka on na ang recorder sa aking mga mata. Kaya naman cheneck ko ang aking suot na watch detector; ang galing walang CCTV dito sa kinalalagyan ko. Ayos! Yari kayong mga ungas kayo sa akin. Nagpalinga-linga ako at nakita kong madilim sa bahagi ng likuran malapit sa halamanan ng bahay na ito. Napaka bingo ko naman talaga! Bahay talaga ito ni Governor Feranco. Lumundag ako ng walang ingay papunta sa terrace ng makita kong clear ito. Ang ganda talaga nitong aking contact lens lahat na dedetect; CCTV, tao, fire arms at iba pa. Agad akong humanap ng pwede kong pwestugan maya maya pay may nakita pweding pagtaguan. Ilang minute pay may naririnig na akong ingay n mukhang naguusap. Pinindot ko ang aking long range voice recorder para marinig ko at marinig ng mabuti ang nag-uusapap sumilip ako ng bahagha at nakita kong naguusap si Senator Acosta at si Governor.
Ayos! Ganda ng na pwestuhan ko. Saktong sakto.
“Kala ko ba Feranco e liligpit mo na yang pamangkin mong pulis? Bakit andito parin yan? Tang-ina naman o! Kapag tayo sumabit jan. Alam mo naman muntik na tayong ma bingga dahil sa sa tatay nyan at kay General Selverez!” halatang nagtatalo ang dalawa.
Napakuyommang aking kamao sa aking narinig pero hindi ako pweding magpadala sa aking emosyon dahil baka mabulilyaso ang aking mga plano. Relax ka lang jan sa langit Dad. Maihihiganti din kita.
“Relax ka lang Acosta! Tang ina mo, alam mo naman kailangan pa natin si Villa gusto mo ng ipaligpit? Saka alam mo namang walang pama-pamangkin sa akin, Kaya buhay pa sya dahil sa mga connection nya! Mag isip ka nga!” sabat naman nito.
“Siguraduhin mo lang, dahil kapag sumabit tayo jan, sama-sama tayo sa hukay! Tandaan mo yan Feranco”. Babala nito.
“Bakit ba ang atat mo? Alam mo namang nagsisimula palang tayo sa minahan dito! Tandaan mo teretoryo ko ito ako ang mas nakakaalam dito senador kaya relax ka lang at mag antay” iretabling pahayag nito.
“Sige na! at baka may makarinig pa sa atin. Idedeposito ko na ang 20 million sa account mo para sa karagdagang ambag, Kailangan kong makita ang minahan ngayon dahil paluwas na rin ako ng lungsod”. Sabi nito.
“Tamang-tama papunta din ako doon para e monitor ang mga nahukay ng ating mga tauhan”. Sabay lumabas na rin ng silid ang dalawang buwaya.
Kailangan kong masundan ang mga ito. Lulubusin ko na. Para dawit na rin pati kabulastugan nila. Nagmadali akong umakyakyat sa terrace at lumiban sa madilim na parti ng bahay ng biglang may pumatid sa akin at dinaganan ako sa likod.
Putang-ina s**t! Napamura ako dahil naipit ang aking bundok. Tang-ina naman oh! Baka mapisa tong aking dalawang bundok at lumubog.
“Sino ka?! Sumagot ka kung hindi pasasabugin ko ang utak mo!” mariing sambit nito.
Naman oh! Abala sa lakad ko! Teka, parang kilala ko ang boses na ito ahh! Lumaki ang mata ko! Di ako pwedeng magkamali, si Ninja Manyak to! Pashneya naman talaga eh! Buti nalang naka bonet ako! Akmang tatanggalin niya ang bonet ko kaya agad kong kinuha ang pampatulog sa bulsa ko at sinaboy sa mukha niya. Isa yun sa mga taktika kapag nagipit. Napangisi ako ng maaninag kong naka pilig na ang ulo nito.
Good night dude! Sambit ko sabay napangisi ako sa itsura nito. Hmmp! Sarap gilitan eh! Mas okey na itong tulog kesa gising! Nanggagapang kasi! Buti nga sayo! Teka, Bukulan muna kita. Napangiti ako sa aking naisip. Makaganti manlang ako sa virginity ko. At sinontok ko siya sa may labi. Sinigurado ko talagang magkakapasa at puputok para remembrance. WEW! Feeling great! Sigaw ng aking demonyetang isipan.
At mabilis na akong lumiban ng bakod. Baka hindi ko na maabutan ang aking pakay. Haiissttt! Natanaw ko sa di kalayuan na palabas na ng compound ang sasakyan ng mga ito. Lintik naman kasing lalaki na yun! Muntik ng masira ang plano ko! Maliksi akong tumalon sa may barricade para ma tanaw ko ang sasakyan. Hinabol ko ito ngunit sa gilid lang ako dumadaan para hindi halata. Nakita kong may mga nakatambay na nag-iinuman. Ayos! May nakita akong mga motor nakita kong ibat-iba pero may sniper 150. Agad akong lumapit at nagtanong.
Kuya, emergency lang, kaninong sniper yan? Naiinip na ako at sinusundan ko ng tingin ang van na malayo-layo na.
“Ah, aking, Bakit? “ Nagtatakang tanong ng lalaking naka topless.
Kuya, tancha ko, nasa 110,000 ang brandnew nyan. Ganyan din yung akin. Pwending bilhin ko?, ngayon na kuya! Kailangan ko lang.
“Ah, eh luma na yan saka, ngayon mo na babayaran? Pagtataka nito.
OO., sabay lapag ko ng pera. Bilangin mo nalang ha? Ang alam ko subrang 110,000 yan. Susi? Asan?
“Ah, ha? Ito po! Sabay abot sa kin. Mukhang shocks pa ang mga ito dahil nilapag ko ang pera sa harap nila.
Salamat! Mabilis kong pinaandar ang motor at pinaharorot.
Di bali na Casidy, 110,000+ lang yun, 3 million naman kikitain mo kapag natapos mo to. Kumbensi ko nalang sa aking sarili. Pero sayang din yun! Tsk! Hay naku! Kung dala ko lang talaga si Dayton nakatipid ako! Haiissst! Napaka komplekado naman ng mission na to! Bukod sa naglalabas ako ng pera, may asungot pa! Napapamura nalang ako sa aking isipan.
Binilisan ko pa kasi halos hindi ko namakita ang van. Buti nalang kita ng aking monitor. Hindi naman ako gaanong lumapit dahil baka mahalata ako ng mga ito. Mahirap na.
Maya-maya pa ay nakita kong pumasok isang kanto ang mga sasakyan ng mga ito. Mukhang paakyat ng bundok ang daan pero simintado. Kailangankong maghinay-hinay baka matunugan nila ako. Dumestansya pa ako ng konte. Hanggang sa medjo paanan na ng bundok ay bumaba na sila. Itinago ko sa may malalagong d**o ang motor ko. Kailangan kong maglakad mula dito dahil maririnig ang ingay ng motor kapag nilapit ko pa. Nagtago ako sa may malalaking puno dahil nakita kong pamasok sila sa medjo kakahuyan. Nag on ulit ako ng monitor at recorder sa aking contact lens. At maingat ko silang sinundan.
Na record ko na ang lahat ng mga galaw ng mga ito. Sapat na sapat na ang mga ibedensya ngunit kailangan ko pang lumapit sa area para mas makita sa monitor lahat ng kabulastugan nila. Konektado ang mga recordings ko sa underground office ko sa bahay ko sa Batangas pati sa opisina naming kaya ayos na ayos lahat. Yun nga lang talagang, sulong lakad kami. Kung baga, kami yung agent na kapag napahamak sa mission ay sagot naming ang kanya-kanyang buhay. Financial lang ang maibibigay sa amin ng pinaka opisina. Kaya mahal din ang bayad sa amin. Burado na rin ang identity namin bilang agent kapag namatay kami sa mission. Medjo nakakalungkot pero kasama sa sinumpaan naming tungkulin ang arrangement na yun.
Tumingin ulit ako sa area at tumambad sa aking ang minahan na halos walang tagung-tago. Marami ding mga nakabantay sa tancha ko ay nasa 30 katao ang mga bantay. Lumapit pa ako ng kaunti at nerecord ko lahat. Ayos! Kompleto na lahat. Inantay kong umalis sila bago ako lumabas si pinagtataguan ko. Maya-maya pa ay may biglang humarang sa akin na dalawang lalaki.
“Sino ka? Ang lakas ng loob mong pumunta dito ah! Tawagan nyo sina boss! Dali! Habang di pa nanakakalayo!” marahas na sabi nito.
Hindi na ako nag aksaya ng panahon pa. Hinagisan ko sila ng pangpatulog sabay bunot ng PP-93 ko. Buti nalang nilagyan ko na agad ng silencer ito kanina para hindi naman scandalous. Wew! Kala ko pa naman makakatipid ako ng bala ngayon. Hay naku magagamit ko rin pala!
Inisa-isa ko na sila. Nagpalipat-lipat ako ng pwesto at inisa-isa ko na lahat ng bantay. Hah! Tapos kayo sakin ngayon at wala na ang amo nyo! Nakangisi kong turan. Hindi pa nakakatunog ang ibang bantay dahil medjo maingay ang mga makina na nagmumula sa ilalim ng minahan at dahil na rin may silencer ang aking baril.
Na mis kong gamitin itong aking PP-93 ah! Nakita kung kunti nalang ang mga bantay. Pumasok na ako sa loob ng minahan at inisa-isa ko na rin ang mga naroon. Ngunit nagulat ako ng makita ang loob, ang mga nagtatrabaho doon lahat puro lalaki at animoy preso na may kadena ang mga paa na naka kabit sa mga isang parang machine na may nagooperate at hinahatak ang mga ito. Nakaka-awa panuorin sh*t!
“Bilisan nyo! Ang kukupad nyo! Baka gusto nyong wala na namang isang araw na kain!” Sabi ng demonyong nag ooperate.
Inasinta ko lahat ng mga bantay para walang sagabal ngunit biglang nakatunog ang mga hudas.
“Pre! May nakapasok na kalaban! Wala ng buhay sa labas! Tumba na lahat ng bantay natin! Yari tayo nito kay boss! “ sigaw ng isang humahangos.
“Sige! Wala tayong pagpipilian! Kailangan nating ipaalam kay boss Ferranco ito! Tang ina! Tatanga-tanga kasi kayo!” sigaw nito.
Agad ko namang inasinta ang kamay nito na akmang tatawag sa kanilang boss. Sunod-sunod kong pinatumba ang mga ito hanggang sa mga tao nalang na trabahante ang natira.
“Parang awa nyo na ho, tulong nyo kami dito, hindi kami taga rito ilang buwan na naming hindi nakikita ang mga pamilya naming” mangiyak-ngiyak na pahayag ng isang lalaki na nanghihina na at nagsusugat na rin ang mga paa gahil sa mga kadena.
Sige tutulungan ko kayo dito, tatawagan ko muna ang mga pulis.
“Ma’am! Wag po, kasabwat din nina Gov. Feranco ang mga matataas na pulis rito! Sila pa minsan ang nag escort sa kanila dito.
Mga hayop talaga ang mga yun! Halang ang kaluluwa. Sige wag kayong mag-alala tatawagan ko ang pinaka puno ng Pulisya na pwedeng tumulong sa inyo. Tinawagan ko agad si Sir Andy.
Hello! Sir Andy, baka pweding pa back-up dito, nasa pugad na ako ng mga criminal. Kailangan ko ng pulis na hindi kakampi nina Gov.
“Wag kang mag-alala, alam kong kakailanganin ko ang back-up kaya meron nang reresponde jan Papunta na jan sina Director Villa, Na forward ko na ang location mo kanina pa, Naipon na rin naming ang mga ebedensya at footage na pumapasok sa monitor natin, Natimbrehan ko na sya kanina pa”.
Ha?! Bakit si Villa?! Napalakas yata ang aking boses at bigla ding sumakit ang ulo ko! Haissstt!!!
“Anong problema agent? Ayaw mo non! Director mismo ang kasama mo jan sa mission. Mamimili ka pa eh! Tumutulong na nga sya, May hindi ka ba sinasabi sa akin agent?” pagdududang tanong nito.
“Eh, wala naman Sir Andy. Sige, sige papunta na sila jan”. .Sabi nito sabay baba ng linya.
Aya! Patay ka Casidy! Binangasan mo pa naman yun kanina. Nagtatalo ang mga brain cells ko. Sana nalang talaga wala itong maalala dahil tulog naman ito kanina ng bangasan ko at sana hindi siya makilala kung hindi, Tapos na ang maliligayang araw niya. Wew! Sakit sa ulo men!
Maya-maya pay umalingaw-ngaw na ang mga mobile car. At dumating na ang grupo ni Manyak. Hmmpp! Di nalang ako magpapakita. Lintik talaga!
“Sige kalasin nyo ang mga kadena nila! Pakainin din natin dahil nanghihina na rin yung iba, nasaan na ang tumulong sa inyo?” Tanong ni Kumag.
“Ah umalis na Sir e. Nong papunta na kayo dito”. Sagot naman ng isa.
Patay na ako nito. Haisst! Badtrip. Magtatago muna ako dito sa aking kinalalagyan hanggat di pa nakakaalis ang mga ito. Mahirap na at baka makilala pa ako. Hay naku! Panira talaga ng plano tong lalaking ito! Sarap nyang e salv*ge talaga!
After 30 mins…
Hmmpp, panigurado wala na sila, ayos! Safe to alis na baby. . napapangiti-ngit pa ako habang binabay-bay ang kakahuyan palabas.
Sarap ng buhay ni Casidy! May 3 million na nag hihintay. . Ayos na naman ang kabuhayan. Tinungo ko na ang pinagtaguan ng motor kong instant. Hindi parin ako maka move on! 100,000+ goodbye na! Total naman ay tapos na ang aking Mission dederetso na ako sa Pier para makabalik na ako sa Laguna. Pasakay na ako ng motor ng may maaninag akong ikanto, este tao sa di kalayuan. Sh*t! ano na naman ba ito!, mukhang papalapit ito sa akin. Di ko makita ang mukha e pero mukhang lalaki kaya ne ready ko ang aking pocket size pistol kung saka-sakali. Sinusi ko na rin ang motor.
“Nice to meet you Agent Casidy Lee Selverez” naaninag kong nakangisi ito. Sh*t! si Manyak! Patay ako nito!
Hindi ako umimik pinaandar ko na ang motor. Ngunit nagsalita ulit ito.
“Don’t get smart on me sweetheart! That’s a bad bad idea” pailing-iling at babalang tuno nito.
Pasensya na Sir, mawalang galang na po. Nagkamali yata kayo . Sabay pinaandar ko na ang motor. Ngunit bigla namang bumwelta ito.
“Sweetheart, remember nakasalalay sa akin ang 3 Million mo”. Relax na pahayag nito habang nakasalikop ang mga braso.
Bigla akong napa preno! Sh*t! My 3 million! Argg! Napakamalas na nilalang! Sumasakit na talaga ang ulo ko sa lalaking ito! Juice colored!
“Good decision TAKAS GIRL, Napakadali mo lang pala kausap eh. Talagang Binangasan mo pa talaga ako kanina, mukhang nakulangan pa yata ang sweetheart ko ah ” Palapit na ito sa akin na nakangisi at mukhang may maitim na binabalak na naman.
Juice colored! Naaaninag ko na naman ang espiritu ng kamanyakan my gosh help me!