SAPO ang noo nang nagising si Ava. Puting kisama at kakaibang amoy ang sumalubong sa kaniya. Alam niyang nasa hospital siya base sa itsura ng kwarto. "Thanks god, you're awake." Napatingin siya kay Camilla nang lapitan siya nito. "Kumusta ang pakiramdam mo?" "Why I'm here?" tanong niya imbis na sagutin ang tanong nito. "Wala ka bang maalala?" Sapo ang noong ipinikit niya ang mga mata at inalala ang mga nangyari. Agad din niyang naimulat ang mga mata nang maalala ang mga nangyari. Nakipagkita siya kay Daniella sa bridge. Nag-usap sila. Tinutukan siya nito ng baril at si Azi... "Si Azi? Nasaan si Azi?" Muling bumalik sa ala-ala niya ang tagpo ng asawa. Ang walang malay nitong katawan habang naliligo sa sarili nitong dugo. "Where's Azi?!" sigaw niya nang hindi siya nito magawang sagu

