"ADOLFO Imperial..." halos hangin lang iyong lumabas mula sa bibig ni Ava. Tinulak ng personal nurse ang sinasakyan nitong wheelchair papasok sa loob ng hospital room. Hindi niya akalain na sa ganitong pagkakataon niya makakaharap ang isang Adolfo Imperial. "Hindi ka na sana nagpunta pa rito," sabi ni Azi sa ama nito. "Hindi pwedeng hindi ko puntahan ang nag-iisa kong anak na halos mamatay na. Inaasahan mo bang tutunganga lang ako sa bahay ay hintayin ang bawat tawag nila?" "Pero higit na mahalaga ang kalusugan ninyo." "Higit kang mahala sa pesteng sakit ko, Azi. Gusto mo bang pagtalunan pa natin ang bagay na ito?" "Ayos naman ho ang kalusugan ni Señora Adolfo, Señorito Azi," segunda ng personal nurse ng matandang imperial. Inilibot ni Adolfo ng tingin ang kabuohan ng kwartong kina

