NAGISING si Ava dahil sa sinag ng araw na tumama sa mga mata niya. Marahan niyang iminulat ang mga mata at tumuon kay Camilla na nakatayo sa gilid ng kama niya. "Rise and shine!" "Hindi mo ba nakikita natutulog pa `yung tao? Istorbo ka!" inis na sabi niya rito at tinalikuran ito. "It's already nine o'clock in the morning. Masarap ngayon mag-umagahan sa dalampasigan." Humalukipkip siya sa yakap niyang unan. Gusto pa niyang matulog dahil halos hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. "Ikaw na lang." "Huwag mong sabihin sa akin na matutulog ka lang dyan maghapon? Remember nandito tayo para mag-enjoy, hindi para magmukmok." "Ayoko nga!" Naramdaman niya ang paglubog sa gilid ng kama niya, tanda na umupo ito roon. "Dahil ba kay Daniella?" Pagkarinig niya sa pangalan ng babae ay inis siyang

