Chapter 39: First Night “Who are you?” tanong ni Skye sa hindi nakikilalang asawa dala ng kalasingan. Hinawakan niya pa ito sa magkabilang pisngi. “Hmm… You loohk layk my hush-band. Mas pogi nga lang sha.” Humagikgik pa siya pagkasabi niyon. “Really?” amused na tanong naman ni Winston sa lasing na asawa. Hindi niya alam kung nakailang baso ba ito ng wine at nalasing ito nang husto. Hindi niya inaasahang male-late siya nang uwi gaya ng pangako niya kanina kay Skye pagkatapos ng kanilang kasal ay nagprisinta siyang ihatid si Janine sa bahay nito. Hindi niya agad maiwan ang babae dahil biglang sumama ang pakiramdam nito kanina. Idagdag pa ang matinding trapik. Pagdating niya sa bahay ay nadatnan niyang susuray-suray na si Skye. Siguro ay na-bored ito sa paghihintay sa kaniya. Hindi na din

