Chapter 38: The Wedding Araw ng kasal nina Skye at Winston. Ginanap iyon sa opisina ng isang huwes. Simple lamang ang naging seremonyas ng kanilang kasal at pawang iilan lamang ang saksi sa kanilang pag-iisang dibdib. Ang kaniyang dalawang kapatid lamang ang kaniyang kasa-kasama bukod sa dalawa niya pang kaibigan na sina Vanessa at Skye ang kaniyang mga naimbitahan. Isa sa mga professor niya sa school ay kinuha niyang ninang sa kanilang kasal at nakadalo naman ito. Present din sina Pat at Apple na masayang masaya para sa kanilang dalawa ni Winston. Tipid na ngiti lamang ang pawang naitugon niya sa mga pagbati niyang natanggap mula sa mga ito. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ni Janine. Kung kanina ay kakikitaan ng kasiyahan ang mukha ni Skye, nang dumating si Janine ay n

