Chapter 37: Bugso ng Damdamin Mapagparusa ang halik na iginagawad ni Winston kay Skye. Sinubukan niyang magpumiglas subalit nakapaikot ang kamay ni Winston sa kaniyang baywang. Nahirapan siyang kumawala doon. Tapos nang pumalag si Skye. Sumuko na rin siya sa mga labi ni Winston. Hindi kababakasan ng pag-iingat ang paraan ng paghalik nito sa kaniya ngayon. Naluha na lamang si Skye habang magkalapat ang kanilang mga labi. Nang mga sandaling iyon ay sumuko siya sa nadarama niya para kay Winston. Labis ang kaniyang kalungkutan na sa kabila ng lahat ay hindi niya magawang tanggihan ang mga labi nito. “Skye…” sambit nito. Hindi niya idinilat ang kaniyang mga mata. Ayaw niyang makita ang galit nito sa kaniya. “I’m sorry.” Noon siya nagmulat ng mga mata. Nakatitig ito sa kaniya, may masuyong e

