Chapter 21: Reconcile Ilang linggo na ang lumipas mula nang mabalitaan ni Skye na nakabalik na si Winston sa Pilipinas. Minsan ay natatalo siya ng pananabik sa lalaki at natutukso siyang lunukin ang kaniyang pride at puntahan ito sa ospital para makita ito. Pero napipigilan siya ng ideyang tila parang kinalimutan na siya nito nang tuluyan. Mabuti na lang at naging abala na siya sa dalawang proyektong nakuha nila mula sa pinagtatrabahuhan ni Troy. Bukod doon ay naglilipat na rin siya ng mga kagamitan sa ipinaayos nilang espasyo sa likod-bahay ng nakuha nilang bahay sa Tagaytay. Nang maburyong siya sa pagsisimula at pagtatapos ng kaniyang trabaho, naisipan niyang kumuha ng isang special class sa interior designing na laan sa mga tulad niyang baguhan. Nagpi-fill up siya ng applic

