Chapter 20: Business Opportunities Naunang dumulog sa hapag sina Suzy at Skye. Sumunod sa kanila si Troy. “Wow! Broken hearts’ club na ito,” sabi nito pagkaupo nito sa silya. “Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyong mga iyak kagabi—kung sa kuwarto ni Ate Suzy o sa kuwarto mo, Ate Skye,” nakangisi pang dagdag nito. Uminom ito ng kape sa tasa nito. “Walang pakialamanan. Para namang hindi ka umaatungal noong nakaraang nagbreak kayo ng gf mo. Tumigil ka nga, Troy,” pambabara niya rito. “Ano bang nangyari,” sabad naman ni Ate Suzy. “Bumuntung-hininga siya bago nagsalita. “Magpapapakasal na si Winston sa babaeng ipinagkasundo sa kaniya ng mga magulang niya. May pre-wedding party sila rito sa Pilipinas pagbalik niya,” lulugu-lugong paliwanag niya. “Ako ang gagawa ng de

