Chapter 27: Mula sa may pintuan ay kitang-kita ni Skye ang napaka-guwapong mukha ni Winston na nakasuot ng light blue polo na napapatungan ng medical gown nito. Napatda siya nang makitang may kausap itong napakagandang babae. Nahinuha niyang hindi ito isang pasyente lamang. Halata sa sopistikadang hitsura nito na may kaya ito sa buhay. Pinigilan ni Skye ang mga sumungaw na luha mula sa kaniyang mata nang saglit siyang makaramdam ng selos sa senaryong kaniyang naabutan. Get a grip, Skye! Wala kang karapatang magselos dahil ikaw ang nakipaghiwalay sa kaniya, remember?! Tahimik niyang saway sa sarili. Sinubukan niyang maging pormal ang kaniyang hitsura. “Hello, Doctor… good morning po,” pormal na bati niya kay Winston. Halata namang nagulat ito pagkakita sa kanila ni Strell. Hin

