Chapter 28: Contract Signing Summer break ni Skye sa school noon nang makatanggap siyang muli ng tawag mula kay Mr. Lee, empleyado mula sa Korean hospital na pag-aari ng pamilya nina Winston sa Korea--ang Choi Sang Hospital. Tinatanong siya nito kung available siya para pumunta doon para sa exclusive contract signing ng hospital sa kaniya. Siyempre ay ikinabigla iyon ni Skye. Sinabi niya rito na tatawagan na lang uli niya ito kapag may available time at nakapag-decide na siya. Wala namang kaso sa kaniya iyon kung sakali dahil sagot ng kompaniya ang airfare niya papunta at pabalik. Pati accomodities niya ng tatlong araw ay sagot ng Planning Department ng ospital nina Winston. Ganoon pala talaga kayayaman ng mga ospital sa Korea, na dati ay sa kdrama lang niya napapanood. Kinaga

