PALITAN TINGIN ANG ginagawa ni Alexa sa kaniyang tagiliran ng makababa sila ng bus ni Lhira. Nang malaman niyang hindi kailangan ng maraming katanungan, napapayag din siya nito magtatrabaho sa coffee shop na sinasabi nito. Bukod doon, ayaw na din niyang mag stay ng bahay kinakain na rin siya ng malaking kalungkutan lalo na pag nasa kuwarto. Lalo lang sumasagi sa isipan niya si Blue. Lalo lang siya nasasaktan pag naaalala ito. "Bakla, hintayin mo 'ko!" bahagyang bigkas niya habang mabilis nanaglalakad si Lhira sa kaniyang unahan, "Dito ba talaga iyon?" "Oo naman bakla! E, ito ang binigay ni Mr. Villa Amor na address!" sagot nito habang lumilinga sa bawat paligid nito. Bahagyang mapagalaw ulo siya, narinig na niya ang apelyidong iyon ngunit hindi naman niya matandaan kung kailan o si

