NAILING NA LANG si Blue sa mga salitang binitawan ng kaniyang ina. Paano niya sasabihin kay Alexa? Ano kaya'ng idadahilan niya sa hindi pagharap ng kaniyang ina? Tatalikod na lamang siya nang muling magsalita ulit ito sa kaniya. "Ayoko silang makita! Sa probinsya mo nakilala ang babaeng iyon?! At anong habol niya kung bakit ilang linggo pa lang naging kayo na? Ang mamanahin mo sa amin dahil mayaman at nag-iisa ka'ng anak! Apaka landing babae! Nababasa ko kung ano ang nais niya Blue!" nanggugumigil na bigkas nito. Lalo siyang tuminding ng tayo sa kinatatayuan at sagutin ang paratang ng ina niya sa dalaga. Itutuwid niya ang maling nasa isip nito, "Hindi malandi si Alexa, Mom." pagtatanggol niya sa nobya, hindi niya inaasahan na pati iyon ay babanggitin ng kaniyang ina, "Hindi pa nga niny

