Chapter 28 Pangako Umayos ako ng upo nang tumabi sa akin si Gabriel. “Ito ang nakalap kong mga impormasyon sa CCTV na binigay ni Ana. Nariyan din ang mga pahayag ni Mrs. Ching.” Inilapag ni Wayne ang mga envelope sa ibabaw ng lamesa. Nilingon muna ako ni Gabriel bago bunutin ang mga papeles at bigyang atensyon. Mabilis ang paggalaw ng kaniyang mga mata sa bawat linyang binabasa. Wala itong reaksyong iba bukod sa pagkabagot dahil maaaring kung ano man ang nakasaad sa mga dokumento ay ang matagal na niyang alam. Binaba nito ang mga papeles at tumango kay Wayne. “Ito lang din ang pahayag ni Mrs. Ching noon. Ako ang nagtutok ng b***l kay Mr. Ching at si Daniel naman ang sa kaniyang anak. Sinisimot naman ng mga kasamahan namin ang pawnshop.” Hinilot niya ang sentido. “Iyon ang problema,

