Chapter 22 Kriminal Wala pa ring kupas ang alikabok na dala ng hangin sa fields pagkalipas ng isang taon. Duguan pa rin sa pawis ang mga damong kung minsan ay kinakalbo tuwing Intramurals at Foundation Day. Kung minsan naman ay hinahayaan lang tumubo lalo na kapag may exams. Hindi matatahimik ang bleachers kung saan ako nakaupo dahil sa mga pumapaswit na hangin. Nakailang hawi na ako ng hanggang balikat na buhok kaya hinayaan ko na lang sumabog sa aking likod. Bukod sa katatapos ng summer ay enrollment pa lang. Kagaya ng dati kong ginagawa, tumayo ako at tumingala sa langit. Bukas na bukas ang fields hindi kagaya ng masisikip na mga pasilyo ng school building. Kung may lugar man na kitang-kita ako ng langit ay alam kong sa bleachers na iyon. Humawak ako sa dulong railings, nakatingkaya

