Naging abala ngayon si Gardo Gomez sa paghahanap ng mas magandang anggulo habang nakatitig sa screen. Tatlong screen ang binabantayan niya para masigurong hindi siya malulusutan kung sakaling may lumabas at makuhanan ang camera. Ngunit para bang alam na ng bastardo kong ano ang ginagawa ng dalawa sa balkonahe. Pero wala siyang ideya na naka alerto din dito si Andrea. Kahit na sa isang taong nakakakilabot na tinatawag na assassin ay nagagawa ni Andrea ang mabuting pakikitungo. Kung mayroong isang bagay na natutunan niya, iyon ay, kung mahina ka, talo ka! Sa pagtitiyaga ni Gardo Gomez na antaying lumabas ang dalawa mula sa balkonahe ay nagtagumpay siya. Inilapit niya ang kanyang mukha sa screen. Dito na nakuhanan ng camera ang paglabas ng hindi kilalang lalaki. Ang dalawa ay lumapit sa gi

