Sunod ako ng tingin ni Luther habang pababa ng hagdanan. Kung makatingin siya sa akin ay para bang alam niyang may mali sa kanyang pag alis kanina. Lihim akong napahinga ng malalim habang marahang umuupo sa sofa kaharap niya. Nakikiramdam rin ako sa itaas ngunit walang ano mang ingay na nagmumula doon. Hindi ko alam kung naroon pa ba si Jared sa kwarto ko. Hindi ko rin alam kung paano siya nakapasok doon ng hindi ko namamalayan o kahit man lang si Rizza. “Bakit bumalik ka?” tanong ko. “May nakalimutan ka ba?” Hindi nakaligtas sa akin ang panunuri niya sa buong bahay. Tila ba may hinahanap. Hindi kaya alam niyang nandito si Jared? At kung alam man niya paano? “Gusto ko lang sanang mag-sorry,” anito. Pinagkiskis pa kanyang mga palad. “I’m sorry for shouting at you earlier.” “Nag-sorry

