Umurong ang kabang nararamdaman ko nang tumunog ang oven. Hudyat na luto na ang mga cookies na ginawa ni mama. “Go ahead.” I encouraged her to take what she cooked from the oven first. Napahinga ng malalim si mama bago sinunod ang sinabi ko. Habang isa isang isinasalansan sa tray ang mga cookies na niluto niya ay panay rin ang sulyap niya sa akin. “P’wede po bang ‘wag nating pag usapan dito?” wika ko pagkatapos niyang maisalansan lahat ng mga cookies sa tray para lumamig. Nilibot ko pa ng tingin ang buong paligid namin. Alam kong safe naman kaming mag usap kahit saan dito sa bahay pero ayaw ko ring maging kampante. “Sa office na lang tayo ng Tito Randy mo,” wika ni mama na bumagal pa ang pagbanggit sa pangalan ni Tito Randy sa huli. Tinitingnan pa nga niya kung ano ang magiging reaks

