Nanlamig akong bigla. Lumitaw na naman kasi sa isipan ko ang mukha ni papa ng araw na mamatay siya. Ang kanyang mga matang dilat na dilat na animo’y papatayin ka sa sindak. “Anak.” Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at napalis ang magandang ngiti ni mama nang makita ang hitsura ko. “Bakit namumutla ka? May masakit ba sa ‘yo? Manganganak ka na ba?” Natataranta siyang lumapit sa akin. “A-ano?” untag pa niya sa pananahimik ko. Gusto kong gawing katatawanan ang reaksyon ni mama pero hindi ko magawa. Ukupado kasi ng takot ang puso at isipan ko. “May tumawag po kasi…” “At?” ani mama na titig na titig sa akin. “Ang sabi n’ya hindi daw po nagpakamatay si papa,” kwento ko. Nangilid na ang aking mga luha. “Sino?” tanong ni mama. “Monnette!” Niyugyog pa ako ni mama ng bahagya dahil sa tagal kong

