Umalis na si Arlene at baon nito ang kapayapaan ng kanyang puso at isipan dahil sa wakas ay nasabi na niya ang matagal ng sikretong pinakatatago niya. Sana raw ay hindi na siya dalawin ni papa sa kanyang mga panaginip dahil nasabi na niya sa amin ang tunay na nangyari sa kanya at naibigay na rin niya sa akin ang kaputol ng sulat na iniwan ni papa. Humingi ulit ng tawad si Arlene dahil ngayon lang siya maglakas loob na hanapin kami at sabihin sa amin ang lahat. Hindi pa rin mapatid patid ang aking mga luha hanggang ngayon. Sa salitang mahal kita at patawad ay nawalang parang bula ang lahat ng hinanakit, galit at tampo ko kay papa. Pinahid ko ang aking mga luha nang tabihan ako ni mama. Tahimik lang siya at binibigyan lang din siguro niya ako ng katahimikan kaya hindi siya umiimik. Hawa

