Binalikan ng utak ko ang lahat lahat ng mga nangyari simula ng bata pa ako. Ngayon ko na mas naiintindihan kung bakit ganoon ang trato ni papa sa akin. Ibang iba sa pagtrato niya kay Kuya Marco. Palaging si Kuya Marco ang una sa lahat materyal na bagay o atensyon man ‘yan. Si Kuya Marco ang palaging ibinibida ni papa sa mga kaibigan at kakilala niya sa tuwing may okasyon sa bahay o iimbitahan kami sa mga party. Si Kuya Marco ang magaling. Si Kuya Marco ang matalino. Si Kuya Marco. Palagi na lang si kuya. Hindi niya ako nakikita. Hindi niya nakikita ang pagiging matalino ko. Hindi niya nakikita ang pagiging magaling ko. Dahil hindi nga naman niya ako anak! At mas naramdaman ko ang pagkadisgusto ni papa sa akin ng mamatay si kuya. Halos mabaliw baliw si papa noon nang makita niya si K

