Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko habang pinakikinggan ko ang mga salitang binibitiwan ni Luther ngayon sa harapan ko. Kung paano niya ipagmalaki si kuya. Kung paano niya purihin si kuya. Ngayon, mas ramdam na ramdam ko ang pangungulila ko kay Kuya Marco. Si Kuya Marco ang best kuya for me. And no one will replace him in my heart. “Marco is a very kind person,” napapangiti pang sabi ni Luther. “Hinding hindi ko makakalimutan ang nag iisang bestfriend ko.” He’s right. And I missed my kuya too. Tumayo siya at saka lumapit sa akin. Ibinuhos ko ang lahat lahat ng sakit na nasa loob ng puso ko nang yakapin niya ako. Niyakap ko siya pabalik na para bang si Kuya Marco ang yakap yakap ko. Kung may tao man akong gustong buhayin bukod kay Jannet, si kuya iyon. And when I woke up the n

