“Saan ka galing?” tanong ni mama sa akin nang bumalik ako sa aming lamesa. “Nagbanyo lang po,” tugon ko. “Nagbanyo? Bakit ang tagal mo?” Napakunot pa ang kanyang noo. “May pakalat kalat po kasing daga!” wika ko, sabay sulyap ko sa kakaupo lang ding mommy ni Jared. “Gusto kasi akong kagatin kanina pa. Hindi n’ya lang kaya.” Parinig ko pa. Hinawakan ni mama ang braso ko at bahagyang umiling sa akin. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Hindi ko ipapahiya ang sarili ko, lalo na sa ganitong sitwasyon. At marunong pa rin naman akong tumingin at gumalang sa nakatatanda sa akin. Kahit walang hiya ang babaeng ‘yon ay hindi ko ibaba ang sarili ko para pagpyestahan ng mga taong wala namang alam sa pinagmulan ng gulo. Kaya kahit na nga gustung gusto kong saktan ang mommy ni Jared ay pinipiglan ko pa

