“Oh! You’re here lang pala, eh!” bulalas ni Paula, nang makita akong nakaupo sa swing. Agad lumapit si mama sa akin at inalalayan nila ako ni Tito Randy para tumayo. Palapit na rin sa amin sina Luther at Tita Agnes. I saw Tita Lacey coming here too. Ano ‘to? Mga takot na takot lang? Para kasing kabadong kabado silang lahat. Halata sa mukha nila lalo na kay Luther. Yumuko ako sabay arko ng aking kilay. Nagulat pa ako ng bigla akong yakapin ni Luther. “Oh! God!” Luther hugged me tightly. “Akala ko kung nasaan ka na,” aniya nang kumalas sa pagkakayakap mula sa akin at ikulong ang aking mukha sa kanyang mga palad. “May problema ba?” tanong ko. Natigilan si Luther na para bang biglang nahimasmasan sa kanyang ginawa. Tumikhim siya at pilit ang naging ngiti sa akin. Simula nang sunduin nila

