“Do you have any proof?” Nagkatinginan ulit sina Karen at Pearl. Halata ang takot sa kanilang mga mukha. “Biktima rin ni Governor Jayson ang pamilya ko,” kwento ko. Gusto kong kunin ang loob nila. “Gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng papa ko. At kapag maraming nagsalita-“ “Pinagbantaan na po ni Mrs. Gonzales ang mga magulang ni Vina, ma’am.” Putol ni Karen sa akin. “Ayaw po naming mamatay!” naiiyak pang sabi nito. “Walang mamamatay, Karen,” tugon ko. Hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay. “Sabihin mo lahat sa akin at tutulungan ko kayo. Kung kailangang itago ko si Vina at ang pamilya niya maprotektahan ko lang sila ay handa kong gawin ‘yon.” “Natatakot po ako,” sambit nito. “Ayaw ko pong madamay.” “Karen, baka ito na ang hinihintay n’yong pagkakataon para mabigyan ng h

