Chapter 6

1597 Words
KEITHLYN POV " Keithlyn, Keithlyn wake up, tapos na ang movie" . Nang buksan ko ang aking mga mata ay Mukha ni Doc Will ang aking nabungaran, sobrang lapit ng kanyang mukha kaya medyo nailang ako at umatras ng kunti. " Ha " yon lang ang lumabas sa bibig ko. Tinakpan ko bigla ito dahil nakakahiya baka tulo laway na ako. " Kanina pa tapos ang movie" sabi niya , pansin ko na medyo naka ngisi siya kaya napa kunot ang noo ko. " Bakit ka naka ngiti Doc?" tanong ko sa kanya " Wala lang kanina kasi nananginip ka ata at naka nguso pa yang labi mo parang ganito oh" sabay nguso din nito ng labi. " Bakit ano ba napanaginipan mo? pwede ba malaman?" tanong pa niya. " Wa... wala noh tara na nga " sabi ko nalang sa kanya saka ako tumayo at iniwan na siyang naka ngisi pa rin. Tama nga siya kami na lang ang tao sa loob ng cinema , ngunit nagtaka ako bakit kaya walang kasunod eh hindi naman last full show ito, Nagkipit balikat na lang ako saka dali daling pumasok sa comfort room. Ni lock ko ito agad at dun ako sumigaw pero naka takip naman ang aking mga kamay kaya di naman dinig. " My gosh panaginip lang pala ang first kiss ko akala ko totoo na". Sabi ko sa sarili ko , nakakahiya baka nakita ni Doc na naka nguso ako. Bakit koba kasi napanaginipan na hinahalikan ako ni Doc. Eh malabo naman mangyari yon Naalala ko kanina may scene sa movie na naghahalikan. Tapos nauhaw ako kaya kinuha ko yong iinumin ko and then?,,,,,,, Yun na nga ang nangyari tinanong ako ni Doc kung may nakahalik na daw ba sa akin pero bigla na lamang niya ako hinalikan. Ang weird kasi parang totoo ramdam ko pa nga ang labi niya. Hinawakan ko ang aking labi. Sayang naman andun na oh haisst , sabay sabunot ko ang aking buhok. " Aray ah masakit self ha" kausap ko sa sarili ko, pero mukha talaga siyang totoo. Nag retouch mona ako para gumanda naman ako sa paningin ni Doc . Alam ko naman na maganda ako , sexy naman , matambok naman ang pwet ko hindi kailangan ng lagyan ng kung ano kasi natural lang. Ang boobs ko naman ay tama lang naman . Pero sabi ng kaibigang kong si Rose ay may pag-asa pa daw itong lumaki ng natural. Mag excercise lang daw ako at gym. Hindi kaya ang gusto ni Doc ay yong mala papaya ang laki na dibdib? Pero hindi naman ganon ang kay ate pero mahal niya. " Hay ano kaya ang kulang sa akin Doc Will?" Mukha na akong baliw sa loob ng comfort room na panay kausap ko sa aking sarili. Dahil sobrang tagal kona sa loob kaya nagpasya na akong lumabas ngunit nanlaki ang aking mga mata sa aking paglabas. Akala ko ba wala ng tao dito pero bakit narito sila at naka pila? Ah siguro sa kabilang cinema sila sagot ko rin sa aking tanong. " Ano ba ginawa mo sa loob Keithlyn at ang tagal mo ha, napa ihi na tuloy ako bruha ka talaga" yan ang pambungad na sabi sa akin ni Magda ang babaeng mapula ang nguso. " Sorry naman sige na pasok na kayo" nang tingnan ko ang mga kasama niya sa likod ay kulang nalang kainin ako ng buhay. Nag sign of Peace na lang ako saka tuluyang lumabas ng cinema. " Muntik na ako don ah" nagtatakbo ako pero may nabangga akong mabango sa aking pang amoy " What took you so long Keithlyn " kaya pala si Doc pala ang mabangong nilalang na aking nabangga " Wala sumakit lang ang tiyan ko tara na " sabay pulupot ko ng aking braso para tuloy kaming mag jowa . Hay kinikilig ako ng sobra. Nang tingnan ko si Doc ay napapailing na lang siya at hinayaan ako sa aking ginagawa. Diba sabi ko mag momove on ako kay Doc? hindi na mangyayari yon dahil isang ngiti niya lang pinatawad ko na siya sa pambabasted na ginawa niya sa akin last month. Kaya ngayon sinasamantala kona na makasama ko siya. Naglibot pa kami sa Mall. Dinala ko siya sa Gamezone kong saan kami naglaro. Game na game naman si Doc sa bawat larong papasubukan ko sa kanya. Kung i rerate ko ang sayang nararamdaman ko ngayon from 1-10 . Siguro nasa 100 percent akong masaya ngayon. Nasulit ang mga luhang pinakawalan ko sa loob ng isang buwan dahil sa labis na pag-iyak. Hindi ito alam nila mama at papa kong ano ba talaga ang dahilan ko bakit nagkukulong sa bahay. Ngunit,,,,, Habang naka titig ako kay Doc Will na nakangiti habang naglalaro . Doon ko pa lamang na realized na hindi lang ito simpleng pag hanga. Totoong pag ibig na ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko na talaga si Doc Will kaya kahit masaya ako na nakikita ko siyang ngumingiti sa akin ay deep inside nasasaktan ako dahil alam ko ang totoo kung bakit niya ito ginagawa. " Oh bakit naging seryoso ka ata , na bo bored kana ba ? " " Gusto mo iba nalang " turan niyang lingon sa akin. Dali dali ko naman pinunasan ang mga luha na papatak na sa aking mga mata. " Hindi na okay na yan uwi na lang tayo" sabay iwas ko ng tingin sa kanya. Nagyaya pa siyang kumain pero nawalan na ako ng gana kaya wala na siyang nagawa kaya tuluyan na kaming umuwi. FLASHBACK Ang saya saya namin habang naglalaro ng basketball shoot sa loob ng Gamezone nang mag ring ang cellphone niya. kaya nag excuse siya para lumabas at sagutin ang tawag. Mga 20 minutes na siyang lumabas pero wala pa din siya. kaya naisipan ko nalang siyang sundan . Nasa may sulok siya at nakatalikod sa akin. Balak ko sana siyang gulatin pero hindi ko akalain na ako ang magugulat sa aking narinig " Yes po Tita Loreng nagkita na po kami sa mall, opo kasama ko po siya ". " Walang ano man po yon" " Ako naman po ang dahilan kong bakit siya nagkukulong " " Pasesnya na po kayo Tita " " Mas mabuti pa pong habang maaga malaman niya na kapatid lang ang turing ko sa kanya" " Opo sige po hatid ko po siya ,,,. Hindi kona tinapos pakinggan ang naging usapan nila ni mama dahil bumalik na ako agad na sa loob at nag panggap na parang walang nangyari at wala akong narinig. END OF FLASHBACK Kaya ngayon parang nadudurog ang puso ko kasi akala ko coinciedence lang ang pagkikita namin. Akala ko ginusto niya talaga akong samahan at pakisamahan. Yun pala ay utos lang ni mama ang lahat. Alam kong wala akong karapatan mag reklamo dahil ginusto ko naman talaga na habol habulin siya. Ngunit di ko naman akalain na ang simpleng paghanga na nararamdaman ko ay mauuwi sa pag mamahal. Pagmamahal na kung saan hindi pa man nag uumpisa ay labis ng kinasakit ng puso ko . Alam kong hindi kayo sanay na ganito ako ka seryoso, ayaw ko din nito. Pero iba pala ang naidudulot ng labis na pagmamahal mo sa tao. " Sige Doc Will , salamat sa paghatid alis na po ako" paalam kong sabi sa kanya. Nasa tapat na kami ng bahay, lalabas na sana ako pero pinigilan niya ang mga kamay ko kaya napatigill ako sa tangkang pag labas. " Look hay, about last month . " " I didn't mean to hurt you" " I'm sorry " Tuloy -tuloy niyang sabi. Hindi ako sumagot agad at tumitig lang sa kanyang guapong mukha " Pwede bang mag request Doc Will " sa halip ay sabi ko sa kanya " Yes off course" sabi naman niya " Can i touch your face ?" hindi kona hinintay pang sumagot siya at hinawakan na agad ang kanyang mukha. Nakatitig lang siya sa aking ginagawa pero naka laan lang ang mga mata ko sa kanyang mukha. Gusto kong saulohin ang bawat detalye ng lalaking una kong minahal at kinabaliwan. Marahil ay nagtataka siya kung bakit ko ito ginagawa pero hinahayaang niya lamang ako kung ano ang sunod kong gagawin " Ang mga mata mo ang siyang kahinaan ko, isang titig mo palang sa akin ay para mo na akong tinutunaw" ngumiti ako habang ang aking mga luha ay unti unti nang pumapatak. " Kailan man hindi ko makakalimutan ang mukhang unang bumihag sa akin" " Hindi kita makakalimutan Doc Will pero susubukan ko" " Salamat sa magandang alaala mo " " Paalam Doc Will " unti unti kong nilapit ang aking labi sa kanya at tuluyan ko itong dinampi sa mga labi niya. Ilang minuto din akong nakapikit. Hinayaan niya lang ako at nang idilat ko ang aking mga mata ay siya ding pagdilat ng kanya. Ngumiti pa ako sa kanya bago tuluyang bumaba at tumatakbong pumasok at nag dire diretso sa kwarto. The moment na sumara ang pinto ng kwarto ko ay doon ko pa lang pinakawalan ang mga luhang kanina kopa pinipigilan. Ngunit siya namang pasok ni mama kaya hindi ko na napigilan na siya'y yakapin " Mama ang sakit po" " Ang sakit sakit po mama hu hu hu" niyakap ako ni mama para damayan sa aking nararamdaman " Mama ganito ba talaga ang magmahal , ayaw kona pong magmahal mama " sumbong ko pang umiiyak kay mama " Sshhhh kaakibat ng pagmamahal ang masaktan tandaan mo yan" . " Paalam Doc Will paalam my first love" . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD