Chapter 7

1861 Words
KEITHLYN POV " Miss Delos Santos ! " " Sir bakit po? " bali walang tanong ko din kay sir kasi mukhang lalong kumikintab ang airport sa kanyang bunbunan dahil sa konsimisyon . " Anong bakit? tinatanong kita kong nagawa mo naba ang pinapatapos ko sayo?" tanong niya ulit sa akin. " Bakit ako? ako nalang palagi" " Matanong nga kita sir" " Napaglaruan ka na ba ng tadhana? Yong tipong pinagtagpo kayo pero hindi pwedeng maging kayo?" " Yong tipong ang saya-saya mo pero wasak pala ang puso?" " Kong ang sagot mo po ay hindi pa, " " Ganun din ho ang aking sagot , hindi ko pa ho natatapos sir". Naka nga nga lang si sir sa aking sinabi hanggang mag bell na lang at natapos ang kanyang klase. " Keithlyn uwi ka na ba?" Bungad na tanong sa akin ni Jorge isa din ito sa dakila kong manliligaw sa school bukod kay Alex. Oh wag na kumontra at dalawa palang yan , dahil marami pa silang nahuhumaling sa kagandahan ko. " Hindi! hindi pa ako uuwi , dahil dito ako matutulog kaya nga nagliligpit na ako ng gamit kasi matutulog na ako eh" pamimilosopo kong sagot pa kay Jorge. Napapakamot na lang siya ng ng buhok. Kung si Alex ay madudulas pati kuto dahil sa pamada sa kanyang buhok Ay ito namang kay Jorge ay baka mamatay ang mga butiki pag nagkataong nahulog ang mga ito sa kanyang buhok dahil sa tigas. " Keithlyn naman puro ka biro " sabi pa niyang nagpapa-cute pero nakakata-kyut naman. Hindi ko na lamang pinansin si Jorge dahil baka masira lang ang araw ko, Sirang-sira na nga ako madadagdagan pa san na ako pupulutin nito. Hanggang marating ko ang gate ng school ay naka sunod parin sa akin si Jorge at kinukulit ako nitong ihatid pauwi. Pero gusto niya sakay daw kami sa bisekleta niya para sweet, oh diba kakaiba din itong si Jorge, parang ako lang noong nababliw pa kay,,,. Ayaw ko na ngang sabihin kilala niyo naman siguro siya. " My loves " sino pa ba ang tumatawag ng my loves sa akin? walang iba kunid si Alex. " My loves sakay kana " sabi pa niya hanggang makalapit ng tuluyan sa amin nitong si Jorge. " Anong sakay na sinasabi mo , sa akin sasakay si Keithlyn at hindi jan sa bulok mong kotse " sagot naman nitong si Jorge " Anong bulok ka jan kahit may kalumaan itong kotse ko atleast ito pag umulan hindi mababasa si my loves ko e yang sayo baka pag upo pa lang niya ma tetano na siya" hirit din nitong si Alex. Naka tingin lang ako sa kanila habang pa simpleng tumatakas at iwan silang nagbabangayan sa harap ng school. " Stress nyo ang beauty ko " sabi ko nalang sabay flip ng hair. Ganun lagi ang eksena sa tuwing nagtatagpo ang dalawa. Matapos ang limang buwan mula ng huli kaming nagkita ni Doc Will ay heto na ako ngayon at tuluyan na siyang kalimutan. Aamin kong minsan kating kati akong puntahan siya sa Hospital para silipin man lang at tingnan siya sa malayo. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang huling tagpo naming dalawa na kung saan ay nagtagpo ang aming mga labi, Masaya ako kahit dampi lang iyon ay atleast masasabi kong siya ang first kiss ko. Sa loob ng mga buwang ito ay pinilit kong ibalik ang dating masiyahing Keithlyn . Oo at masaya ako, nakangiti sa labas pero umiiyak parin sa loob. Hindi ko alam kong bakit ganito ka OA ang puso ko na masaktan hindi naman naging kami pero kong makapag react ako eh parang namatayan ng asawa. Naiinis na nga din ako sa puso ko na ayaw tumigil sa pag t***k. Ay mali parang papatayin ko naman ang sarili ko pag tumigil itong puso ko sa pag t***k diba?, " Manong bayad po" ini abot ko ang bayad ke Manong driver ng jeep na aking sinakyan pauwi dahil nagtitipid ako at ayaw ko mag taxi " Ilan ito Ineng " sabi pa nitong si manong driver, " Dahil wala naman talagang KAMING DALAWA kaya Isa lang po Manong " malungkot kong sabi ke manong driver, pansin kong nagpipigil ng tawa ang mga ibang pasahero pero meron isang hindi naka tiis " Oh bakit malungkot ka girl , kung ganyan ako ka ganda ay diyos ko magpapakasaya ako mag isa" hirit ng baklang pasahero ng jeep , pero sa unang tingin mo di mo akalaing bakla dahil macho ito at guapo. " Magiging masaya din ako kahit ako lang mag isa " hugot ko pang sagot. " Sayang ka alamo ba yon? kasi ang guapo mo tapos pusong babae ka pala, kong hindi ka nagsalita baka naging crush na kita" sabi ko sa kanya, magkatabi lang kami ng upuan kaya wala masyadong nakakarinig. " Ew girl kilabutan ka nga , allergy ako sa mga tahong" sabi pa niya , nagtawananan kami bago siya magpakilala. " I'm Jake sa umaga and Jessica sa gabi " sabay abot nito ng kamay. Kinamayan ko din siya kasi mukhang magkakasundo kami. " I'm Keithlyn " naka ngiti kong pakilala sa kanya. " Kilala kita , taga doon lang ako sa barangay nyo kakaluwas ko lang din " sabi niya sa boses lalaki " Aw grabe pag nagsalita ka sa ganyang boses marami kang ma vivictim " mangha kong sabi " Paano mo nga pala ako nakilala?" tanong kong muli sa kanya " Para po , baba mona tayo girl " sabi pa niya , nang makababa kami saka siya nagpatuloy " Pinsan ko si Alex at wala siyang bukang bibig kundi ikaw , at nagkalat ang pictures mo sa kwarto niya kaya paano kitang hindi makilala" natatawa niyang sabi " At isa pa nakita ko ang eksenang walk out mo ng gabi ng sayawan with matching crayola ka pa nga kaloka " Wow talaga andun ka non? ay wait lang don't tell me na ikaw yong isa sa mga nanalo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami pauwi ng bahay " Mismo , kaya nakita ko ang walk out mong ganun, sa bagay ang guapo ba naman ng doctor na yon , matagal mo ng crush yun noh?" tukso nito sa akin " Oo dati hindi na ngayon" sabi kong muli. Dumaan mona kami sa tindahan nila para mag meryenda at mag kwentuthan pa, Mabuti at wala masydong tao kaya naikwento ko sa kanya ang lahat bago dumating si Alex na nakasimangot. " My loves bakit mo naman ako iniwan ? at bakit magkasama kayo nitong si Jake?" tiningnan niya ng masama ang pinsan " Oh selos ka naman agad alamo naman na di kami talo nitong si Keithlyn" " Sige Keithlyn text text na lang pasok na ako marami pa akong assignment na gagawin" paalam ni Jessica sa gabi at Jake sa umaga. " Mauna na ako Alex at mag rereview pa ako" Hindi na rin ako kinulit pa ni Alex kasi alam niyang pag nag rereview ako ay seryoso ako at ayaw ko ng istorbo. " Mano po Ma , Pa " nagmano ako kela Mama at Papa bago ako papasok sa kwarto. " Keithlyn Anak , ayaw kasi sumama ni Papa mo sa Party na dadaluhan ko sa makalawa , ikaw na lang ang isasama ko " pigil sa akin ni mama bago ako makapsok sa kwarto ko. " Okay po , pasok na ako Ma may exam po kami bukas" sabi ko ke mama " Oh sige tatawagin na lang kita pag kakain na" sabi pa niya , tumango lang ako bago pumasok sa kwarto at nag umpisang mag review. Ngunit sakalagitnaan ng pag rereview ko ay tumawag si Ate Rose ang kaibigang kong Nurse sa Hospital kong saan naroon si Doc Will. " Yes po ate Rose ?" sagot ko sa tawag niya habang hawak ko parin ang binabasa kong libro " Keithlyn !!! na miss na kita,, tagal mo ng hindi dumalaw dito sa Hospital. Pang gabi ako kaya nakapuslit ako humawak ng cellphone nakaka bore kasi pag gabi" tuloy tuloy pa niyang sabi " Busy lang po ako ate Rose " dahilan ko na lang sa kanya " Alam kong busy ka, pero alam ko ding hindi lang yan ang dahilan mo " " Himala tinatawag mo na akong ate ah" mangha pa niyang sabi. " ay dai may e chichika ako sayo about kay Doc W____" " Ate sorry po nag rereview kasi ako , may exam kasi kami bukas __" putol ko sa kanyang sasabihin dahil alam kong tungkol lang sa taong gusto ko ng ibaon sa limot ang sasabihin niya. " Ganun ba sorry ha sige , kita na lang tayo pag may mga extra time tayo , sige bye chat chat na lang" paalam niya " Okay lang ate Rose sige po,, bye " napa buntong hininga na lang ako. Buti na lang , sa totoo lang ayaw ko ng makarinig ng kahit ano tungkol sa kanya. Sumapit ang araw ng sinasabi ni mama na pupuntahan naming party. Nagtataka pa ako kasi masyadong magara ang mga susuotin namin at nagpa salon pa talaga kami. Pero hindi na lamang ako nag tanong pa kay mama at sumonod na lang sa gusto niya. Sakay kami ng kotse ni ate hinatid kami ni Papa pero pagkatapos ay umalis din , babalikan na lang daw niya kami pagka tapos. " Ma , kailan pa kayo nagkaroon ng mayamang kaibigan?" takang tanong ko kay mama kasi literal na mansyon ang pinuntahan naming bahay. kaya pala nagpa salon pa kami at ang gara ng mga suot namin. " Basta wag nang maraming tanong tara na pasok na tayo " " Pero wag kang gagawa ng kalokuhan sa loob okay nakakahiya sa bago kong kaibigan " babala pa sa akin ni mama " Ma naman ano po palagay niyo sa akin walang breeding " Pagpasok palang namin ay sinalubong na agad kami ng isang sopistikadang babae.Bakas ang kagandahang taglay niya kahit medyo may edad na siya. " Happy Birthday Doctora , ito nga po pala ang bunso ko si Keithlyn " pagbati at pakilala sa akin ni mama. " Happy Birthday po " nakangiting bati ko din sa Ginang. Grabe ah lume level up na ang kaibigan ni mama , akalain mo may kaibigan siyang Doctor. Sa bagay ako nga din eh maraming kaibingang Doctor at may iniibig din. Hay naisingit ko na naman siya sa isip ko. Dinala kami ng Ginang sa kong saan. May naka talikod na lalake na may kasamang babae. Likod palang mahahalata mo ng maganda dahil sa kinis ng kutis. " Son nandito na ang special Guest natin " sabi pa ng Ginang sa lalaking nakatalikod . Parang pamilyar sa akin ang likod niya. " Yes ma " Parang huminto ang mundo ko ng humarap ang sinasabi niyang anak. Ang lalaking pilit kong kinakalimutan pero sumasagi at sumagi parin sa isip ko. Ang lalaking Una kong minahal at nagpa iyak din sa akin magpa hanggang ngayon. Si Doc Will or William Miranda na ngayon ay may kasa kasamang maganda at sopistikadang babae. " Hi Keithlyn long time no see" . 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD