Chapter 4

1635 Words
KEITHLYN POV " humanda ka dahil ako ang mananalo at ang pipiliin ko ay ang doctor na kanina mo pa tinitingnan" naka ngisi niyang sabi sa aking mukha " hanggang pangarap ka nalang kasi hindi ka naman mananalo sa ganda kong ito at seksi , pak! pwet ko palang talo kana girl" sabay irap ko din sa kanya, nanggagalaiti naman siya sa galit parang sumasayad na ang nguso sa sahig , ang pula ng lipstick niya na akala mo sumipsip ng dugo at ang blush on niya , diyos ko po parang sinuntok ni Manny Paquiao sa pula nito " hahaha ikaw yang hitsurang yan hahhaha" halos maiyak na ako sa kakatawa at siya naman ay maiiyak na sa sobrang inis sa akin, kahit kelan walang makakatalo sa akin pag dating sa pikunan , kilala ako sa barangay namin na palaban at hindi kailan man natatalo pag dating sa mga kalukuhan, nagawi ang tingin ko ke Doc Will , kumabog bigla ang puso ko dahil naka tingin pala siya sa akin , yon nga lang hindi pagtingin na may paghanga , kundi pagtingin na parang nakokonsimi sa akin, naka tingin din sa akin ang dalawa pang doctor na si Doc Paul at Doc Rex nag sign nalang sila sakin Go keithlyn fighthing, oh diba san kapa suportado ako ng ng mga lolo nyong pogi tanging si Doc Will na lang talaga ang naka simangot ,pero kahit na nakasimangot siya ang guapo parin niya,nag flying kiss pa ako ke Doc Will kaya napapa iling na lang ito sa akin. Nagsalita ang MC at pina kilala isa isa ang aming panauhin , aba sobrang makatili naman itong katabi ko lalu na ng tawagin ang pangalan ni Doc Will, syempre magpapatalo ba naman ako natural hindi lalu na kong si DocWill ang pinag uusapan kaya ginawa ko tumayo ako at sumigaw " i love you Doc Will!!!!!" oh diba, parang pagtawag ni Toni G sa commercial na i love you Piolo, parang ganun or mas higit pa, dinig nilang lahat, ako lang makakagawa non sa lakas ba naman ng boses ko mahihiya pati speaker, nang tumingin ako sa mga kasama kong babae ay kong makakamatay lang ang tingin malamang pinaglalamayan na ako pero epal tong si Alex at ginaya ba naman ako " i love you Keithlyn , mmmuaaaah" sigaw din niya kaya napunta sa amin ang tampulan ng tukso, kainis ang sarap tusukin ang nguso , nawala tuloy ang atensyon sa akin ni Doc kaasar , maya maya pa ay nag umpisa na ang paligsahan , ewan koba kong anong klaseng paligsahan basta ang sabi gumiling giling lang daw kami at sinong may tatlong pinaka maraming palakpak ay ang siyang pagpipilian kong sino ang first, second at third, oh diba walang ka kwenta kwenta , naku kong wala lang dito si Doc Will my love hindi ako mag aaksaya ng oras dito, tinawag na isa isa pati na din sa mga kalalakihan , aba marunong din pala sumayaw tong babaeng mapula ang nguso at si gloria pero ako pa malamang hindi ako magpapatalo kaya nung oras kona sinigurado kong hindi sila hihinga hangat hindi ako natatapos na sumayaw , o diba pak , pwet ko palang talo na sila , alam nyo ba yung mag usong sayaw sa t****k na mga sexy na nagsasayaw syempre mas magaling ako sa kanila with matching split pa , anong sinabi ni sexbomb Rochelle sa split ko , cheer dancer ata ako ng school namin kong hindi nyo naitatanong, ngayon alam nyo na ? , nasa akin na ata ang lahat si Doc Will nalang ang kolang , tantararan taran syempre ako ang may pinaka malakas ang palakpak , subukan lang nila yari sila sa kin, charot lang yon hindi naman ako masyadong harsh slight lang, syempre puro may gusto sa akin ang mga kalalakihang pumalakpak at number 1 na si Alex na maraming alipores dahil sa pagiging galante . Tatlo na lang kaming natirang babae , si Gloria etong hindi ko malaman kong anong klaseng make up ang ginawa sa sarili at ako, sa mga lalaki naman ay si Alex kasama din ang dalawa niyang alipores, so ang labanan nalang ngayon ay kung sino ang mag first at siya ang unang makakapili ng makakapareha sa mga pinagpalang Doctor ng Saint John Hospital, pero iba ang trip nitong si Alex dahil sabi niya pag siya daw ang nag number 1 sa lalaki ako daw ang gusto niyang makasayaw at wala ng iba pa, pumayag naman ako sayaw lang naman diba ,hindi naman ako madamot na tao , kaya isa isa ulit kaming sumayaw at nung ako na may special request ako bago mag umpisa , " can i request Doctor William Miranda to sit here " sabay turo ko sa may upuan sa gitna, ayaw sana pumayag ni Doc kaso nahiya lang siguro siya ke Mayor kaya nakisama na rin, alam nyo ba yung Dirty dancing na movie ? at yung kanta na Time of my life ? yun lang naman ang sasayawin ko pero may pagka wholesome naman kasi dapat may partner diba so since solo ko, sasayawan ko na lang si Doc Will " Play the Music " Time of my life by Bill Medley Umpisa palang ng giling ko ay hiyawan na agad ng mga tao kasama ang mga kaibigan niyang doctor, si Doc Will naman ay parang hiyang hiya sa aking ginagawa pero no ako pake , hinawakan ko ang kanyang mukha sabay giling ko , pina tayo ko siya kaya nakisama naman at hinawakan din ako sa bewang, oh diba dito palang winner na ako, baka isipin nyo ang landi ko ah, hindi naman sadyang crush na crush ko lang tong si Doc at malapit na rin naman ako mag 18 so pwede na ,nagpatuloy ako sa pagsayaw. Nang matapos ako sa pagsayaw ay pansin kong napa tulala sa akin si Doc Will, kahit hindi na mag announce ng winner walang duda ako na ang mananalo dahil halos hindi na marinig ang boses ng MC na nagsasalita sa lakas ng kanilang palakpak, hingal na hingal ako habang hawak ko ang kanyang mukha at hawak naman niya ako sa bewang, parang huminto ang mundo ko ng masilayan ko for the first ang kanyang mga ngiti " you are the most mischievous girl i ever met" sabay kurot nito sa aking pisnge , parang di ako makahinga sa ginawa niya naka tulala pa rin ako ng iwan niya ako sa gitna ng stage, naputol lang ang aking pagka tulala ng magsalitang muli ang baklang MC " awat na girl i aanounce kona ang winner nakakaloka ka" sabi niya with matching taas kilay, kaya tumabi narin ako , pero lumapit naman sa akin si Alex at bumulong " my loves nasaktan ako dun ah, siya pala ? pero hindi ako susuko mas bagay kaya tayo , lamang lang yan sa akin kasi doctor" nakasimangot niyang turan sa akin " pwede ba wag kang panira ng moment" pagtataray ko din sa kanya " basta ha pag ako manalo isasayaw kita yong sweet okay" paninigurado niyang turan sa akin " oo na bumalik ka na nga dun " Pagka balik ni Alex ay isa isa ng tawagin ang mga kalahok at syempre ako ang may pinaka malakas ang palakpak , take note kasama pa si Doc Will sa pumalakpak, kaya ito dahil ako ang winner ay narito kami sa gitna at nagsasayaw , may kanya kanya naring kapareha ang mga kasama ko , sinayaw din ni Alex si Doc Karen dahil siya rin ang nanalo,hawak ni Doc Will ang aking bewang at ako naman ay naka hawak sa kanyang leeg habang nagsasayaw ng sweet dance sa salyo ng musika ni Yeng Constantino na IKAW Nakatitig lamang ako sa kanya at gayun din siya sa akin, feeling ko unti unti na siyang nahuhulog sa aking alindog " magaling ka palang sumayaw Keithlyn?" sabi ni Doc " magaling ako sa lahat ng bagay Doc " sabi ko, pero pansin ko ang pamumula ng kanyang pisnge kahit na madilim at puro ilaw na lang ang liwanag na tumatama sa amin " i mean marami akong alam gawin , ganun" pag iiba ko sa king sinabi kasi parang iba ang dating na magaling ako sa lahat ng bagay diba? ew hindi ko pa kayang gawin yon bata pa ako, kahit naman patay na patay ako sa kanya ay hindi naman ako basta basta bibigay noh " ah i see, ano ba nagustuhan mo sa akin beside sa guapo ako?" wow ah ang consieted din ah, pero ano nga ba bukod sa hitsura niya? " hindi ko din alam eh, basta sayo lang bumibilis ang pintig ng puso ko ganun" bumuntong hininga siya saka nagsalitang muli " bata kapa Keithlyn ibaling mo nalang sa iba yang feelings mo infatuation lang yang nararamdaman mo sa akin at isa pa kapatid lang ang turing ko sayo" AW ang sakit naman basted agad " e paano ka nakakasiguro na infatuation lang tong feelings ko?" naiiyak kong sabi sa kanya , hindi pa man kami nasasaktan na ako " kasi bata kapa at isa pa wala kang aasahan sa akin, bukod sa ate mo wala na akong ibang nagustuhan at isa pa pinagkasundo na ako ng parents ko kaya please ituring mo nalang akong kuya" dun na bumuhos ang aking mga luha " Hindi ko kailangan ng kuya dahil meron na akong Kuya Kean na asawa ni ate Cathy na mahal mo , ASAWA naintindihan mo may asawa na siya kaya sana mag move on ka naman at tumingin sa iba" pagtapos kong sabihin yon ay nagtatakbo ako palabas ang tanging naririnig ko nalang ang tawag sa akin ni Alex, ang sakit sakit alam ko naman na hindi niya ako gusto pero ang sakit pala pag sinabi sayo ng harapan.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD