KEITHLYN POV
Parang ayaw kona sa mundo, para akong walang ka gana gana ngayong araw na ito,kahapon pa ito nag simula , mula ng makita kong buhat buhat ni Doc Will si ate, ako kaya kelan niya bubuhatin, ? naisip ko tuloy magpakalasing kaya ako baka sakali ako naman pansinin ni doc Will.
Pero speaking of lasing, ano kaya problema ni ate ba't nagpakalasing siya mag isa , ayaw kona tuloy maging adult ang daming problema , pero kong hindi ako maging adult, lalu ako hindi papansinin ni Doc Will my love.Kaya wag na nga sige na nga gusto ko na ulit maging adult para maging bagay na kami . Hehehe iniisip ko palang kinikilig na ako, ano kaya ang feeling na mahalikan ni Doc Will?.
" Aray naman mama " bat kayo nambabatok? ouch " sabay sapo ko ng aking ulo at baba , binatukan kasi ako ni mama , kainis panira ng moment ayun na nga i hahalikan na sana ako ni Doc Will naputol pa si mama talaga.
" Paano kita hindi babatukan , kanina pa ako nagsasalita dito hindi ka nakikinig at naka nguso pa yang labi mo.Naku sinasabi ko sayo Keithlyn pag ikaw nahuli ko na may boyfriend mata mo lang ang walang latay " mahabang sermon ni mama.
" Mama nag papractice lang po ako sa play namin sa school" dahilan ko kay mama.
" Ako ba talaga pinag luluko mo? e bakasyon ngayon ah , naku nakokonsimisyon ako sayo bat hindi mo gayahain ang ate mo saka nagka boyfriend ng malapit na gumraduate kaya ayon nakakuha ng matinong lalake mayaman na mabait pa " ayan na naman lagi nalang niya ako kinu compare kay ate.
" Eh mama wala naman po ako boyfriend at saka malay niyo ho maging asawa ko ay isang doctor diba kaya relax lang ho kayo."
" Nako kong ganyan yang ugali mo na parang kitikiti wala kang mabibingwit na matinong lalaki kagaya lang din ng maga lalaki jan sa kanto mga tambay" dagdag pa niyang pang iinsulto.
" Ah basta magiging asawa ko doctor kong hindi , wag nalang mag mamadre na lang po ako" nagmamaktol ko pang dagdag kay mama.
" Matanong ko nga sino ba yang sinasabi mong doctor? si Doc Liam ba yan ang dating manliligaw ng ate mo?" tanong ni mama, naku paano kaya nahulaan ni mama , pero syempre di ako aamin.
" Bakit ho siya lang ba ang Doctor sa mundo? hindi ho siya ?" tanggi ko pang sabi kay mama.
" Eh kong hindi siya sino ang pinupuntahan mo sa Hospital na pinag tatrabahuan niya aber?" naka pamewang pang tanong sa akin ni mama.
" Si Doc Paul po , basta hindi 'nyo po kilala yon " sabay higa ko ulit sa may sala namin , tinatamad talaga ako wala naman kasi ako mapuntahan sabi kasi ng bruha kong kaibigan day off daw ni Doc Will kaya hindi ko tuloy siya makikita ngayon. Kahit naman nagtatampo ako don syempre isang ngiti niya lang sa akin papatawarin kona agad
" Hay nakakatamad naman ano kaya magandang gawin?"
" Tao po , tao po magandang umaga po aling Loreng anjan po ba si Keith?" nako po ayan na naman ang dakila kong manliligaw since birth.
" Ikaw pala Alex anjan sa sala walang magawa nag eemote pasok kana" si mama talaga hindi makuha sa tingin halos lumuwa na ang mata ko , talaga naman si mama ang slow.
" Good morning my loves heto ang hopia specially made for you muah" naka upo na ako ngayon at naka nganga sa pinagagawa ni Alex. Parang ayaw ko tuloy hawakan ang box ng hopia hinalikan niya kasi baka isipin nito gustong gusto ko.
" Ilapag mo nalang jan sa mesa " nandidiri kong sabi, may histura naman si Alex kaso ay ang baduy pomorma at ang kapal ng pamada sa buhok, madudulas kahit kuto pag dumaan sa sobrang kintab ng buhok.
" Keith pwede ba kita imbitahin mamayang gabi sa plasa may sayawan kasi " kinikilig na sabi nito sa akin.
" Nako wala akong hilig sa sayawan si Gloria nalang imbitahin mo total bagay naman kayo" si Gloria ay isa ding baduy na patay na patay naman kay Alex. Bakit ang unfair ng diyos ako patay na patay kay doc Will , itong si Alex patay na patay sa akin si Gloria naman kay Alex nababaliw ang unfair talaga, diba pwedeng ibaling nalang ni Doc Will sa akin ang pagtingin niya sa ate ko para sumaya naman ang love life ko. Makapag simba nga ako para maipag tirik ko ng kandila , ay parang pinatay ko naman agad si doc wag na nga lang.
" Ano my loves payag kaba sige na" Eww nag pa cute pa hindi naman bagay ganito kaya nararamdaman ni Doc Will pag ako gumagawa nito? pero magkaiba naman kami nito ni Alex kaya baka hindi rin.
" Pwede bang tigilan mo ako sa kaka my loves mo, tumatayo balahibo ko sayo eh."
" Sayang naman balita ko dadalo ang mga doctor sa Saint John Hospital at kong sino ang pinaka magaling sumayaw ang siyang mananalo at pwede pumili ng maisasayaw ng magaganda at mga guapong doctor ng Saint John " nanlaki bigla ang aking tenga sa narinig pero hindi ko pinahalata ke Alex.
" Ikaw ba sigurado jan sa sinasabi mo? paano ka nakakasigurado na pupunta ang mga doctor ng saint John eh ang layo naman nila dito" panigarado ko pang tanong.
" Sigurado dahil si mayor mismo nag sabi kay papa , nakalimutan mo ata barangay Captain si papa " sabi niya pa, hindi kaya inuutakan lang ako nito ni Alex para mapapayag niya lang ako? may idea kaya siya na may crush ako sa hospital na yon? pero bahala na.
" Sige na nga kong hindi lang dahil kay kapitan hindi ako dadalo talaga jan sa sayawan na yan ayaw ko naman mapahiya ang barangay natin at puro pangit ang mananalo kaya sige na nga.
Mag aalas syete na pero hindi pa rin ako nakaka pili ng aking susuotin.
" Aba'y Keithlyn bilisan mo naman jan , kanina pa nag hihintay si Alex sayo sa baba" sabi ni mama.
" Saglit nalang po" bahala na nga maganda naman ako kaya kahit ano nalang siguro.
Pinili ko nalang ang pulang fit dress na hukob sa aking katawan, bagay naman sa akin kasi malaki naman ang aking pwet kaya sigurado ako pag nakita ako ni Doc baka mainlove siya sa akin.
Pagbaba ko nagulat ako sa hitsura ni Alex dahil wala na ang bakas ng kanyang kabaduyan at hindi na rin naka pamada ang buhok, naka polo siya kulay white at naka blue faded jeans in fairness bagay sa kanya.
" Hi my loves , ang ganda mo, bagay na ba tayo ?" sabay kamot nito sa ulo
" Kaya mo naman pala na walang pamada sa buhok mas bagay sayo yan" naka ngiti kong sabi , nagsasabi naman ako ng totoo mas bagay sa kanya ganyang ayos.
" Tara na " kinikilig nitong sabi, nagpaalam pa kami kay mama at papa saka kami sumakay sa kotse niya papuntang plasa. Malapit lang naman yon pero ayaw daw niya ako mapagod kaya nag kotse siya.
Pagdating namin doon iba't ibang klase ng mga ilaw ang nagkikislapan sa paligid, inalalayan ako maupo ni Alex saka siya pumunta sa upuan ng mga lalaki hindi kasi pwede mona mag sama ang lalaki at babae.Iginala ko naman agad ang aking paningin sa paligid para hanapin si Doctor Will my love pero nanlumo ako ng wala man lang ni anino niya , di ko ito nakita kaya nag pasya akong aalis nalang at wala naman ako mapapala . ngunit natigil ang aking pwet sa pag angat ng biglang nag tilian ang ang mga kasama kong babae.Tiningnan ko sila kong saan naka tingin , saka ko na kompirma na hindi nga nagbibiro si Alex dahil tatlong nag gwa gwapohang doctor at 3 pang magagandang babae ang naroon, sina Doc Paul, Doc Rex at Doc Will sa mga babae naman ay isa lang ang aking kilala si Doc Karen at yong iba hindi na,kaya imbes na uuwi ako ay wag na lang , kailangan kong manalo kahit na anong mangyari mabuti nalang at likas akong talented kaya magaling din ako sa sayaw.
" Humanda ka Doc Will dahil hindi matatapos ang gabing ito ng hindi mo ako naisasayaw" sabay hampas ko sa katabi kong babae dahil sa kilig.
" Aray naman Keithlyn kong makahampas ka , ano akala mo sa akin poste?" reklamo ng taong nahampas ko, bumakat nga ang aking mga daliri sa braso niya.
" Ay sorry akala ko kasi poste hehehe " sabay Peace ......