Now I know why they say the best things are free
I'm gonna love you boy you are so fine- Monica
Maaga akong nagising nang umagang iyon hindi dahil sa namamahay ako o ano pa man. Siguro nakasanayan ko lang dahil sa trabaho. Masyadong late na kaming nakarating sa province nila kagabi halos tulog na ang mga tao nang makarating kami. Mabuti na lamang at may gising pa sakanila nang mga oras na iyon. Hindi ko na rin naabutang gising ang magulang ni Maze kagabi kaya medyo kinakabahan ako ngayon dahil hindi ko naman alam kung ano ang mga ugali nila. First time kong magpakilala sakanila ng personal. Kagabi kasi habang nasa biyahe kami ni Maze tinatanong ko siya tungkol sa parents niya hindi ko alam kung maniniwala ba ako or what sa mga pinagkwenkwento niya. Kilala kasi siyang mapagbiro kaya kahit ako hindi naniniwala minsan. Keso istrekto ang parents ko tapos bigla tatawa, kaya sino namang maniniwala roon.
Ang alam ko may tatlo siyang babaeng kapatid then siya ang panganay. Hindi ko rin sila na meet kagabi dahil tulog na rin sila. Bago pa ako mag-isip nang kung ano inayos ko na ang hinigaan ko at nag-ayos para naman maging presentable ako kahit papaano. Anong gagawin ko? Hihintayin ko bang si Maze mismo ang magsundo saakin dito or ako nang baba? For sure tulog mantika pa yun late kaya yung gumigising, sakanilang magkakaibigan nga raw siya ang pinaka matagal magising kaya naiinis minsan ang manager nila.
"bahala na nga." Maingat naman akong lumabas sa guest room na pinagtulugan ko. Paglabas ko tumingin muna ako sa paligid mukhang tahimik, siguro kakaunti pa lang ang gising sa oras na ito sabagay 6:30 pa lang naman ng umaga.
Napansing kong mahilig sa light colors ang family nila. Ang parent ko kasi vintage pangnakaraanan hayaan tuloy naapply rin nila ang mga traditional gaya nang arrange marriage. Ewan ko ba.
"Ikaw siguro iyong tinutukoy ni Hilda na bisita ni Maze." Napatingin naman ako likuran ko nang may nagsalita. Doon ko nakita ang lalaking nakatayo malapit saakin kung hindi ako nagkakamali nasa edad 50 pataas ito, mukhang magkasing edad lang sila ni Dad or mas matanda pa ito ng ilang taon. Kung titignan rin mukha itong may lahi pero sa pananalita niya hasa itong magfilipino.
"Good morning ho." Awkward na bati ko, pero mukhang familiar siya saakin.
"Tito ako ni Maze." Seryosong sabi nito. Mukha namang hindi ito nagbibiro kaya lang nang babatiin ko na sana siya at magmamano nang bigla itong tumawa nang malakas. "Biro lang, Papa ako ni Maze. Girlfriend ka niya hindi ba?" nabigla naman ako sa naging reaksyon niya hindi ko inaasahan yun. Nameet ko na sila dati pero matagal na nun kaya hindi ko sila nakilala.
"Hehehehe. Umm. Opo." Nahihiyang sambit ko. Kaya pala, alam ko na kung saan nagmana si Maze at kaya pala mukha siyang familiar dahil kamukha niya si Maze in matured way. Masasabi kong ang gwapo ng papa niya kahit may edad na ito. Nalula naman ako sa berdeng mga mata nito nakakamangha. Lalo tuloy akong naackward.
"Halika, sumama ka saakin sa balkonahe habang hinihintay nating magising ang mga tao rito. Medyo tulog pa ang mga tao ngayon dahil sinusulit nila ang weekends nila. Alam mo rin siguro makupad na gumising iyong si Maze, hindi ba? Magandang magpalipas nang oras roon medyo mahangin." ngumiti lang ako dahil alam na alam ko yun. Nang makarating kami sa balkonahe nila masasabi kong tama nga ang sinasabi nang papa ni Maze.
"Ang tahimik rito? Alam mo bang hanggang ngayon hindi pa rin kami makapag-adjust dito sa subdivision. Doon kasi sa dati naming tinitirhan masyadong maliit lang ang lupa namin. Noong nagkapera si Maze gusto sana niya bilhin ang mga lupa roon para lalong lumuwang ang bahay namin. Ang kaso ayaw ipagbili nang mga nakatira rin doon dahil mawawalan nga naman sila nang bahay kung sakali rin. Masaya sanang manirahan roon dahil napakabait nang mga kapitbahay namin roon. Ang kinaganda lang rito malapit na sa pinapasukan ng mga anak ko. Hays! Nakakamiss tuloy doon kahit simple lang ang buhay namin." Wala akong masabi likas na madaldal pala ang Papa niya. May mga ikwenento pa ito kaya nakikinig lang ako, minsan naman tatanungin niya rin ako kaya sinasagot ko lang rin. Ang komportable niyang kausap hindi nakakailang.
"O, Pa baka kung anu-ano nanaman ang ikwenekwento at tinatanong niyo sa girlfriend ko. Sabihin mo Carms sinisiraan ba ako nang papa ko sayo?" Napatingin naman ako kay Maze na mukhang kagigising lang. Ang simple lang nang suot nito pero nakakaagaw pansin pa rin. Inakbayan naman ako nito at umupo sa tabi ko.
"Sira ka talaga bakit mo namang naisipang sisiraan ka nang papa mo, ang cool nga niya." . Medyo nailang akong umakbay saakin para bang wala siyang pakialam na nasa harapan lang namin ang papa niya.
"Nasaan nga pala si Mama, Pa?"
"Maaga silang namalengke kanina ni Hilda. Mukhang matatagalan yun dahil nagcommute pa sila." Oo nga pala napansin ko ring wala ang Mama niya. Gusto ko rin sanang tanungin pero baka sabihin feeling close na ako.
"Dapat nagpadrive na lang siya kay Mang Erne di sana hindi sila mahihirapan masyado."
"Day off niya kasi kaya nahihiya naman ang mama mo na wag ipagday-off. Ikaw naman kasi hindi mo man lang sinabi na uuwi ka kaya tuloy hindi kami nakapaggrocery. Alam mo namang tuwing lunes namamalengke ang mama mo."
"Sorry naman. Pinakain niyo na ba itong girlfriend ko."
"Nakalimutan ko namang tanungin siya kanina. O, siya ikaw nang magpakain sakanya. Pasensya na iha."
"Okay lang po yun. Medyo hindi pa naman po kasi ako gutom."
"Anong hindi gutom. Malilintikan ako sa parents mo kapag nalaman nilang hindi kita pinapakain nang maayos. Tumayo ka diyan ipagluluto kita." Hinila naman niya ako kaya wala na akong nagawa kundi sumama.
"Hoy Maze, magluluto ka lang ah baka ibang gawin niyo sa kusina." Narinig ko namang tumawa si Maze kaya alam kung iba rin ang nasa isip niya. Ano ba yan nakakahiya.
*************
"Sigurado ka bang pang saatin lang ito?Hindi ka ba magluluto para sa mga kapatid at magulang mo?" Tanong ko rito dahil talagang nagluto lang ito nang para saamin lang dalawa talaga.
"Wag mo na silang problemahin sila nang bahala sa mga sarili nila." Mukhang seryoso nga ito. Pero hindi kaya nakakahiya naman kung kami lang ang kakain. Pinaupo naman niya ako at siya nang bahalang naghanda lahat. Gusto ko sana siyang tulungan kaso sabi niya kaya naman niya na raw. Fried rice and usual na kinakain tuwing breakfast ang hinanda niya like bacon.
Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang biglang may tumili kaya nagulat ako at napatingin kung kaninong boses nang galing iyon.
"Kuyaaaaaa!!"
"Sabi na ikaw yung nagdrawing sa mukha ko kanina nakakainis ka!"
"Kaya nga, buti lang naman kung hindi permanent marker ang ginamit mo. Nakakasar ka ah." Napatingin naman ako sa mga kapatid niya. Mukhang ngang permanent ang inilagay niya sa mga ito. Sira ulo talaga, siguro kapag ako ang prinank nang ganun baka hindi ko siya mapansin nang isang taon.
"Bakit hindi mo sinabi saamin na uuwi ka?"
"Kung sinabi ko di nakapagready kayo. Kaya nga may tinatawag na surprise hindi ba?" bigla naman akong nakaramdam nang out of place sa hindi ko alam na kadahilanan. "Nga pala si Ate Camilla kilala niyo naman siya hindi ba."
"Oo kilala na namin, siya yung sinaabi mong magiging sister-in-law namin. Siya rin yung nagpapadala nang pagkain rito dati." Napansin ko madaldal ang isa sa mga kapatid niya. hindi ko matansya kung sinong mas matanda sakanila para kasing magkakaedad silang tatlo dahil sa height na rin nila magkakapareho. "simula ngayon SIL na ang tawag ko sakanya."
"Sira ka talaga."
"Bakit ba! Mana lang sayo magkapatid tayo eh."
"Siya nga pala sila ang mga kapatid ko. Yung pinakamadaldal si Yuri ang bunso namin, yung nakasalamin naman na mukhang matalino pero hindi naman si Miradeth siya naman ang pangalawa sa bunso.Tapos yung masungit na mukhang manang si Eula siya yung sumunod saakin. Actually ako lang talaga ang pinagpala saaming magkakapatid pagdating sa mukha." Tinignan ko lang ito nang may pagkabagot mukhang hindi lang ako ang sang-ayon doon dahil pati ang mga kapatid nito. Kung tutuusin nga magaganda ang mga kapatid niya hindi na kailangan ayusan.
"Nakakatawa na yun, kuya." sarcastic na sabi ni Eula sabay irap nito.
"Pasalamat ka may bisita ka ngayon."-Miradeth
"Sige na nga diyan pagbibiyan kita sa kahibangan mo." Sabi ni Yuri. Napailing na lang ako sa kanya-kaniya nilang komento pero totoo naman kasi na gwapo siya kaso sumobra yung hangin sa katawan niya.