It's never gonna be that simple- C.Calliat
"Ilang taon na kayo ni Kuya?" bigla naman akong napatingin kay Mira dahil sa tanong niya. Hindi ko inaasahang kakausapin niya ako, kadalasan kasi si Yuri ang parating daldal ng daldal silang dalawa ni Eula tahimik lang gaya ko.
"Oo nga ate, si Kuya kasi masekreto hindi namin alam na nagkaroon na siya nang gf kaya nakakagulat lang. Nangako pa naman siya na... ouch!" nakita ko naman siyang kinurot ni Mira sa tagiliran. Hindi ko alam kung para saan iyon. "Hehehe..So ilang taon na nga kayo?"
"Satingin ko mga 1 year and 6 months na."
"1 and half year palang kayo? Akala ko mga 3yrs na kayo. Dati kasi naririnig ko nang pangalan mo. Saka hindi ba nagpapadala ka saamin nang mga regalo noon?" nagtatakang saad naman niya.
"Yuri, ang daldal mo talaga."
"Ayos lang Mira. 2 years kasi akong niligawan nang kuya niyo kaya akala niyo siguro na kami na noon."
"So, ang tagal mo rin palang nagpakipot sakanya. Mabuti yun." Natawa naman ako sa sinabi ni Mira.
"Hindi ba Ate Camilla kasama kayo sa The Fame dati?"
"Oo, bakit mo natanong,Yuri?"
"Sabi na nga ba. Malaki na ang magiging parte mo sa buhay ni Kuya simula nung sa MV na ginawa niyo dati. May screenshot pa nga ako nun habang hindi pa inaalis ng site niyo yun." Inalala ko naman ang sinabi niyang MV hanggang sa magsink- in sa utak ko ang nangyari. Right, yung time na may ginawa kaming task noon. Ano naman ang connection nun?
"What do you mean by that?" Nagtatakang tanong ko rito.
"Nako wag niyo na hong pansinin si Yuri, Ate Camilla masyadong lang siyang madaldal." Napasimangot naman si Mira na ikinatawa ni Yuri. Ang weird talaga nila, pero nakakatuwa lang silang tignan.
Napatingin naman kami sa pinto nang may narinig kaming kumatok. Binuksan naman nito ni Yuri kaya nakita naming kung sinong kumatok nakita namin roon si Eula.
"Pinababa na kayo ni Mama, kakain na tayo." Seryosong sabi lang nito. Hindi naman niya na hintay si Yuri na magsalita at umalis na itong bigla. Ramdam kong ang cold nang treatment nito saakin pero satingin ko naman hindi ganun ang ugali niya talaga.
"Pagpasenyahan niyo na lang po si Ate Eula. Hindi naman ho talaga ganyan ang ugali niya medyo hindi lang siya sanay na may ibang tao rito sa bahay." Ngumiti lang ako sa sinabi ni Mira hindi ko alam na lumapit pala siya saakin. But I have this feelings na para bang hindi iyon ang rason. Nevermind, mali naman siguro ang iniisip ko.
"Kinakabahan ka bang makita ang mama namin?" biglang tanong naman ni Yuri habang papunta kami sa dining area nila. Hindi ko alam pero hindi naman ako ganun kinakabahan na makita ang mama nila. Pero hindi rin ang ganun kakampante. Kanina sa tagal na pagkwentuhan namin hindi naman nila binangit ang mama nila ang kuya kasi nila ang madalas tinatanong saakin. Kumbaga kumukuha sila nang information na okay lang naman saaking ibigay.
"Hindi naman ganun. Bakit niyo naman naitanong?"
"Dapat kabahan ka na, ate Camilla. Metikolosa kasi si mama saka strikto." Seryosong sabi ni Yuri.
"Hoy, huwag mo ngang tinatakot si Ate Camilla"- Mira. Natawa naman ako sa sinabi nila. Kaya pala siguro hindi ako ganun kinabahan. Ganun rin kasi si Mommy.
"Anong nakakatawa roon, Ate Camilla?"
"Wala naman, Naalala ko lang bigla ang mommy ko dahil sa sinabi niyo. Ganun rin kasi siya, hindi naman na siguro maalis yun sa isang magulang lalo na sa nanay." Pagkarating namin naabutan naming naghahanda pa lang sila, ang iba naman ay inaayos ang mga pagkain.
"Eula, natawag mo na ba sila sa itaas?" rinig kong sabi nang mama nila. Kahit nakatalikod ito alam kong siya iyon nafeel ko kasing siya yung isa may authority rito sa bahay na ito at para aligaga ang ibang naghahanda.
"Opo, Ma!"
"Ma, tulungan na namin kayo." Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko. Mabuti na lang at siniko ako ni Yuri. Senyales na dapat tumulong rin ako. Sa totoo lang hindi ako marunong mag-approach.
"Oh, ito paki lagay na lang ito sa mesa. Dahan-dahan baka mabuhos ." Maingat namang hinawakan ito ni Mira kaya kinalabit na ako ni Yuri na ako na ang sumunod.
"Tulungan ko na ho kayo diyan, Tita." Magalang na sabi ko. Napaharap naman ito saakin kaya medyo nanigas ako sa kinatatayuhan ko hindi ko alam ang sunod kong gagawin at sasabihin. Gosh, kaharap ko ang mama nang boyfriend ko medyo naiilang ako dahil hindi ko alam kong anong nasa isip nila. Nega ba o positive.
"Ayos lang Iha, maupo ka na roon." Malumay na pagkakasabi nito kaya hindi ko alam kung susundin ko ba siya o ano. "Ipaghanda niyo na ang ate niyo. Matitikman mo ngayon ang mga special recipe ko. Kayo talaga bakit hindi niyo na pinaupo ang ate niyo at nang makakain na." Nag-aalangan naman akong ngumiti.
"Ay, may favoritism."
"Tumahimik ka diyan Yuri at magsandok ka roon nang kanin. Halika rito, Iha." Iginaya naman niya ako papunta sa uupuhan ko kaya sumunod na lamang ako. Pinapakiramdaman ko na lang ang ginagawa nila ayaw rin kasi nila akong tumulong. "Kumain ka na riyan ng marami."
"Hindi ho kayo sasabay?"
"Tradisyon namin rito na kailangan ang bisita muna ang mauunang kumain. Nasaan ba yang magaling mong boyfriend at nang masamahan kang kumain?" Bigla ko namang naalala si Maze. Kanina kasi nagpaalam siyang tatawagan niya ang manager niya but that was 3 hours ago.
"Ma! Hinahanap niyo ako?" napatingin naman kami rito mukhang bagong ligo ito.
"Ikaw talaga pinapapunta mo rito ang nobya mo hindi mo naman inaasikaso. Hala kumain na kayong dalawa mukhang ayaw nang walang kasabay itong mamanugangin ko." Namula naman ako dahil sa sinabi ni Tita.
"Ma, huwag kayong ganyan nahihiya natuloy si Camilla sa sinabi niyo. Mabuti pa sumabay na rin kayo saaming kumain." Tinawag naman na nito ang mga kapatid pati na rin ang mga kasamang nagluto ni Tita. Hindi ko akalain na ganito sila kabait lalo na sa mga kasambahay nila. Iyon kasi ang napansin ko hindi nila tinuturing katulong ang mga ito kumbaga para silang pamilya lahat rito kasama ang driver nila. Malayong-malayo sa kinagisnan ko.
"Kumain ka lang nang kumain, Iha. Huwag kang mahihiya ayaw namin ang may mahiyain rito dahil magkakapamilya tayo."
"Opo, tito."
"Pag natapos nga pala nating kumain magligpit ka Maze. Walang kang ginawa." Biglang sabi naman nang Mama nila. Medyo nagulat naman ako roon dahil hindi ko inaasahan yun. Imagine ang isang Maze William Miller na sikat na sikat inuutus-utusan lang sa bahay. Ang sarap niyang picturan tapos i-post ko sa fan page niya ano kayang iisipin ng mga fans niya. Pwede ko ring pagkakitaan yun. Pasimple naman akong ngumiti para hindi nila mapansing natatawa ako.
"Hoy, Anong tinatawa mo riyan Camilla? Tinatawanan mo ba ako dahil paghuhugasin nila ako nang pinggan? Sasamahan mo kaya ako, hindi ba Ma?" Napatingin naman ako kay tita para sabihing bisita ako rito at wag kong sasamahan ang mokong na ito. Ngayon ko gagamitin ang pagiging bisita ko. Please, naman tita.
"O,sige samahan mo na lang siya, Iha." Siniko ko naman si Maze senyales na naiinis ako sakanya kaya napatawa lang ito. Kasalanan niya ito. Hindi tuloy ako makatanggi. Paano ngayon ito baka marami akong mabasag na kagamitan nila?
*****************