"Be mine." "Be mine." "Be mine." Paulit-ulit na lang na naririnig ko iyon sa aking isipan. Nagulat ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Hindi niya ako lubusang kilala ngunit gusto niya na akong maging sakanya. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. I am laying on my bed right now. Thinking about what that stranger said. Funny. I didn't know his name. Stranger na stranger ang gago tapos gusto niya akong mapasakanya? Hmm weird. Naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko kaya't mula sa pagkakahiga ay tumayo ako at naglakad palabas ng aking kwarto. The whole house is silent. No one is here. Nasa trabaho pa sila Mommy at Daddy. Napaaga ang uwi ko ngayon dahil may biglaang meeting ang mga faculties ng department namin. Hindi ko lang alam kung pati sa department nila

