Wala akong ibang ginawa kundi ang umiiyak. Inilabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ito ang unang beses na makaramdam ako ng ganito. Bakit? Bakit sobrang sakit? Wala naman akong ibang ginawa kundi ang magmahal. Gabi na. Dumating na din sila Mommy at Daddy kanina. Even Lix is back. Ginabi siya ng uwi. Isipin ko pa lang kung ano ang ginawa nila ng babaeng iyon ay mas lalo akong nasasaktan. Ayokong lumabas ng kwarto ko. Gusto kong magkulong. Ayokong makita si Lix. Ayokong makita niya akong ganito. Mugto ang mga mata at namumula ang ilong sa kakaiyak. Gusto kong sumagap ng sariwang hangin. Pakiramdam ko ay nasusuffocate ako dito. Nahihirapan akong huminga. Kahit na ayaw kong lumabas ay mukhang kailangan kong gawin iyon. Tumayo ako mula sa kama. Hindi na ako nag-ayos ng sarili ko

