bc

When The Moon Chase The Sun

book_age12+
1
FOLLOW
1K
READ
second chance
student
others
bxg
lighthearted
HighSchool DxD
Yuri!!! on Ice
World of Warcraft
campus
passionate
like
intro-logo
Blurb

What are your thoughts when you read the word chasing? Everyone keep telling that if the girl is chasing the man they love, even though the man can't love them back, is very. . . What they called? Desperada?

But one day, lahat ay nagbago. Ang lalaking hindi kayang mahalin ang babaeng nagmamahal sa kanya 5 years ago, nagising na lang bigla sa reality at nalamang gusto niya pala— no, mahal niya rin pala ang babae. He confess his love for her. Sending her favorite foods, a basket of fruits and a fireworks display during Christmas eve. He keep chasing and chasing the girl but. . . It's too late. Hindi na siya kaya pang mahalin ulit ng babae. Nagising din pala ang babae sa reality na kahit anong gawin niya hindi siya mamahalin pabalik ng lalaki. She thought na lahat ng ginagawa ng lalaki para sa kanya ay joke-joke lang. Pity lang ang naramdaman sa kanya ng lalaki dahil sa ginawa niya para dito 5 years ago. Pity lang lahat, at wala ng iba.

Maybe, it's too late?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Meeting the ice prince
5 years ago Iniisip ko parin kong anong strand ang kukunin ko sa senior high school. Nang dumating ang K-12 program dito Pilipinas, madami ang umalma dahil magastos at tatagal ka pa ng two years sa high school. Pero ako? I'm happy. Super happy! Kasi diba? New challenge naman ito saming mag-aaral. Madagdagan ng knowledge ang utak namin, new set of friends and mas lalong magiging mature ang mga kabataan dahil dito. "Ano ba ang mas magandang strand?" Nagtatakang tanong ko sa kaibigang si Anika na kasulukuyang kumakain ng tinapay na hawak niya. Agad na kumunot ang noo niya sa tanong ko. Tumigil siya sa pagkain at namamanghang tinitigan ako. Agad niyang nilunok ang nginunguya. "Ano klaseng tanong 'yan?" She hissed. "Sun, grade eight pa lang tayo tapos senior high school na iniisip mo." Sumimangot ako. Hindi ba pwedeng ganon? Para malaman mo agad ang magiging kapalaran mo sa future kong ngayon pa lang iniisip mo na ito. Iyon ang turo sakin ni Mama eh, focus raw tayo sa decisions, actions at sa buhay para sa hinaharap maipagmalaki natin. "Ako! Gusto ko sa humanities ba 'yon?" Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nag-isip ulit ng sasabihin. "Kasi sabi nila wala raw math 'yon." Napuno nang tawa ni Anika ang buong paligid. Halos mabulunan siya sa sarili niyang laway dahil sa sobrang tawa. Ang tawa niyang napakalakas. "Mag-aral na lang tayo ng history Sun, bobo pa naman ako doon." Nakangiwing sabi niya at muling kinagat ang tinapay niya. Tumayo siya bigla kaya nagulat ako. Sumenyas siya sakin na lumapit ako sa kanya. Napailing ako. Palihim akong ngumiti, pinigilan ko ang tawa dahil ayukong magalit si Anika sakin. Hindi siya makapagsalita dahil buong tinapay pala ang kinain niya. Pumasok kami sa loob ng classroom matapos ang recess namin. Magkaklase na kami ni Anika noon pang elementary kaya naging magkaibigan kaming dalawa. Nagalit ngalang ako sa kanya noon dahil hindi niya nilagay ang pangalan ko sa slumbook niya. May nakalagay doon 'who is/are your bestfriend?' nilagay niyang sagot 'none'. Eh ako nga, halos tatlong beses kong ilagay ang pangalan niya. Minsan candle flames ko pa silang dalawa ng crush niyang si Roland. Science ang klase namin ngayon. Hindi ako mahilig sa science, pero dahil mabait akong bata, pipilitin ko ang sarili na makinig kay ma'am kahit boring siya magsalita. Napalingon ako sa likuran ng may kumalabit sakin mula doon. Sinalubong ako nang ngiti ng kaklase kong si Jayne Hindi ko rin maiwasang ngumiti sa kanya. "May ballpen ka?" She asked. I nodded. "Pero gagamitin ko." Sumimangot siya. "Wala kang extra?" Muli niyang tanong sakin. I shook my head. "Naiwan ko sa bahay." Tumango siya. Naglakad siya patungo sa harapan kong saan nakaupo si Anika para doon magtanong kong may ballpen ito. Actually meron talaga kong extra ballpen, pero ayaw kong pahiramin si Jayne dahil halos isang buwan pa kung maibalik niya sayo ang ballpen. Tapos minsan may ngatngat pa. Masama, selfish o sinungaling na ako. Hinding hindi ko talaga pahihiramin si Jayne dahil sa ugali niya. Turo ni Mama maging ma pagbigay ka sa iyong kapwa. Pero. . .kasi eh! Ang baho na ng dulo ng ballpen ko dahil sa laway niya! Nakakainis. Nagsimulang magdiscuss si ma'am sa harap. Syempre nakinig ako dahil bibilhan daw ako ni Mama ng liptint kapag mataas ang grades ko. Sa harapan nakaupo si Anika dahil maingay siya kaya walang sagabal sakin na nasa gitna nakaupo. Seatmate ko naman iyong kaklase naming top two, hindi siya maingay at maaasahan mo talaga sa mga sagot. Sa likuran ko si Jayne, walang naka upo sa tabi niya dahil. . . Hindi ko alam. Napapatigil si ma'am sa pagsasalita dahil sa mga kaklase kong nag-iingay sa likuran. Ganito sila parati eh, mga papansin! Akala mo kong sinong mga gwapo, ang dudumi naman ng suot nilang uniform. I don't like boys with their school uniform, ang dumi nila. Naging tuloy-tuloy ang klase namin sa Science nang matulog sa likod ang mga kaklase kong masakit sa ulo. Naka tingin lang ako sa harapan at tudo kong makatutok kay ma'am. Gustong-gusto ko talaga ng liptint, ang ganda kaya lalo ni Anika kapag gumagamit siya non. Ang pula ng labi niya. Madami ngang taga kabilang section ang nagkagusto kay Jayne nong gumamit siya ng liptint. Kako ang ganda raw ni Jayne, mapula ang labi. Hindi nila alam, mabaho ang laway. Malapit ng matapos ang klase namin. Lunch na namin pagkatapos nito. Miss ko na agad si Mama, matitikman ko ulit ang masarap na luto niya! Napatigil kaming lahat ng may biglang kumatok sa pinto. Lahat ng tingin namin ay napunta doon sa pintuan ng kwarto. Ramdam ko ang galit sa mukha ni ma'am ng nagsimula siyang maglakad patungo doon sa pinto para buksan. Sino ba naman kasi hindi? Hindi siya maka straight ng turo samin. Dalawang beses ng na suspende ang klase niya. Lahat kami ay ngumiti ng mabuksan ni ma'am ang pinto. Binati agad namin si Mrs. Pirtseres, ang principal nitong school. Siya pala ang kumatok sa pinto. Hindi ko alam kong ano ang ginagawa niya dito. Hiling ko lang na sana mag-announce siya na walang pasok mamayang hapon. "Excuse me for a minute ma'am Miranda," Nakangiting sabi niya. Tumango naman si ma'am bilang sagot. "Meron kayong new classmate. Ngayon lang siya nakarating dahil malayo pa ang pinanggalingan niya. Be good to him." Sumenyas si Mrs. Pirtseres sa kong sinong tao na nasa labas na pumasok. Una, nagtataka ako kong sino iyong transferee. Hindi ko nga alam na mag transferee pala kami, hindi man lang sinabi ni ma'am. Napatigil ako at ang buong paligid ko ng nakayukong pumasok sa loob ang lalaking may maitim na buhok. Makinis at maputi ang balat niya. As in maputi, sobrang puti! Takot ata 'to sa lamok, dahil walang kahit ni isang galos ang mga braso niya. Naka suot siya ng uniform at nakasabit sa kanang balikat niya ang blue niyang backpack. Napakurap ako ng ilang beses ng masilayan ko ang mukha niya. Tila nag-slowmo ang buong paligid ko, wala akong nariring na kahit ano, tanging ang t***k ng puso ko lang ang narinig ko. t***k ng puso ko na parang may nagkakarerang kabayo sa loob ng puso ko. Nagtungo siya sa gitna, sa tabi ni Mrs. Pirtseres. Matangkad siya at malinis ang uniform niyang suot. Bumalik ako sa ulirat ng makita ko ang seriousness sa mukha niya. Napansin ko ang paminsan-minsan na mahinang pagtili ni Jayne sa likuran ko. Pati siya ay nagagwapohan din sa lalaking bagong dating. Parang siyang prince charming kong tumayo. Ang tindig niya. Ang dami ko ng nakikitang lalaki na naka suot ng kanilang school uniform, pero. . .normal lang, I didn't find them attractive. Pero itong lalaki na nasa gitna. I find him attractive, manly and. . .sobrang gwapo! I like boys with their school uniform na. "Hi, my name is Arche Liam Dal Collero. And please, call me Arche, not my second name or my third name. Just Arche. Nice too meet you all." He seriously said. Medyo paos ang boses niya. Nagulat ako ng nagsimulang pumalakpak si Jayne sa likuran. Gumaya na lang din ang iba kong kaklase, naghihiyawan pa 'yong iba na akala mo e nanalo sa lotto. Except sakin na tahimik lang sa tabi. Kinakapa ang dibdib ko na kanina pa mabilis ang kabog. Dahil wala ng bakante at tanging sa tabi na lang ni Jayne ang may vacant na upuan. Doon pinadiretso ni Mrs. Pirtseres si Arche. Wow, Arche. Ayaw niya naman kasing tawagin siyang Liam, maganda naman ang Liam bagay sa kanya. O kaya Dal, tunog sa English ng manika. So, pwede din, mukha naman siyang manika kaya bagay din sa kanya. Saan ba galing ang Arche at gustong-gusto niya 'yon? Nakatingin parin ako kay Arche habang naglalakad siya patungo samin. Napatigil ako sa paghinga ng dumaan siya sa tabi ko. Ang bango! Tinanggal ko ang tingin sa kanya ng parang model siyang umupo sa tabi ji Jayne. Nagpaalam na si Mrs. Pirtseres na lalabas na. Tumayo kami at nagsabi rin sa kanya na goodbye kahit makikita naman siya namin mamaya sa gate, dahil siya kasama ang guards, ang nagbabantay doon kapag uwian na. "Get your notebook and copy this." Ma'am Miranda said. Kumuha siya ng chalk. Tiningnan niya muna kami ng isang beses bago tumalikod at humarap sa blackboard. No need ko ng kumuha ng notebook at ballpen sa bag dahil kanina pa ito nasa harapan ko. Nagsimulang magsulat si ma'am. Nakasunod lang ang tingin ko sa kamay niyang nagsusulat sa blackboard, busy naman ang kamay ko sa pagsulat nito. "Anong subject?" Arche asked. Napatigil ako sa pagsusulat. Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil lang sa boses ni Arche. Napatigil din si Ella, 'yong top two na lumingon pa talaga sa likuran niya. "Science," mahinang sagot ni Jayne. Mahinhin ang boses niya sa pagsagot kay Arche. Kibit balikatan na lang ang ginagawa ni Ella at bumalik sa kanyang ginagawa. Napailing ako. I breathe deeply para pakalmahin ang puso ko na tudo sa pagkabog. Bumalik ulit ako sa pagsusulat. — "Alam mo 'yon, pagpasok niya pa lang para na akong nasa palasyo dahil sobrang pogi niya!" Nagtitili sa kilig si Anika habang kinukwento sakin ang naramdaman niya nong makita si Arche. Napailing na lang ako. "Ang gwapo niya kasi. . . package deal." Nawala ang ngiti sa labi ni Anika at kunot noong tiningnan ako. "Anong package deal?" Nagtatakang tanong niya. Napakamot ako sa sariling batok. Kinakapa ang dapat na sasabihin. "Package deal, 'yong. . .nasa kanya na ba ang lahat." Sagot ko sabay ngisi. "Basta, kalimutan mo na lang sinabi ko." Tumango siya ng dalawang beses. Araw-araw sabay kaming umuwi ni Anika. Magkatabi lang ang bahay namin sa isa't-isa kaya sabay na lang kami maglakad pauwi. Walking distance lang naman kasi ang bahay namin dito sa school. Mamayang hapon may klase pa kami. Na inspired ata ako sa kagwapohan ni Arche. For the first time and forever, hindi ako tinamad pumasok mamayang hapon. Sino ba naman kasi hindi gaganahan, kong ganoon kagwapo ang kasama mo sa isang classroom araw-araw? Para kang may classmate na principe sa appearance niya. "Hindi kaya repeater iyong si Arche?" Biglang tanong ni Anika na nagpatigil sakin. Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Anong repeater? Mukha bang bobo 'yon? Hindi mo siya kamukha kaya hindi 'yon bobo!" Depensa ko agad kay Arche mula sa pinag-iisip niya. Kinawit niya ang braso niya sa leeg ko."Kasi naman, ang galing mag-english. Para siyang college student, 'yong pormahan, datingan, tindig, at 'yong. . .basta! Para siya talagang college na." Parang hindi naman! Feel ko kasi na magka-edad lang kami eh. At feel ko rin na tinadhana kami sa isa't isa. Sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi. Napapikit ako at pigil na pigil ang sariling tumili. Bumalik ako sa reality ng biglang hampasin ng malakas ni Anika ang braso ko. Tumalim ang tingin ko sa kanya. Napasimangot habang kinakapa ang braso kong namumula dahil sa hampas niya. "Hindi naman kasi siya repeater. College na bumalik sa grade eight? Sadyang ganon lang talaga 'yong pormahan niya." Pekeng ngiti ang binigay ko sa kanya. Napasinghap siya sabay kibit balikatan. Hindi siya segurado doon. Sabagay, ang dudungis naman kasi ng mga kaklase. Hindi halatang grade eight na. "Mama!" Masayang sinalubong ko ng ngiti si Mama na abala sa pagluluto sa kusina. Nilingon niya ako at sinalubong ng yakap. Niyakap ko siya mabalik, ng mahigpit. "Kamusta ang sunshine ko? Napagod ka ba sa school?" Tanong niya. Umiling ako. "Hindi po Mama! Namiss ko po kayo!" Iniisip niyo seguro kong na saan ang Papa ko? Wala na si Papa. Hindi siya patay, sumakabilang bahay lang seguro. Tinigil namin ang ugnayan namin sa kanya nong mga panahong nasa sinapupunan pa lang ako ni Mama. Iniwan niya kami dahil mistake lang daw na nabuntis niya ang Mama ko. Ang magandang si ako, mistake lang!? Masaya parin naman ako kahit si Mama lang ang kasama ko. Si Mama lang ang pamilya ko. Hindi na ako hinayaan pa ni Mama na maghugas ng pinagkainan namin. Pinilit niya na lang ako na pumasok na dahil baka ma-late pa ako sa school. Wala akong nagawa kundi ang magpaalam sa kanya at lumabas ng bahay. Kahit ang totoo, gustong-gusto ko talaga maghugas ng pinggan. "Oh ba't malungkot ka?" Nakangiting tanong ni Anika sakin ng lumabas siya sa bahay nila. Hinintay ko siya rito sa labas ng bahay nila. Nagpromise kasi kami sa isa't isa na kong sino samin ang mauuna, kailangan namin hintayin ang isa't isa. "Kasi eh, hindi na naman ako hinayaan na maghugas ni Mama ng pinggan." Nakanguso kong sabi. Sinimulan namin ang paglalakad patungo sa school. May ilan pa kaming ang schoolmate naming maglakad. Napako ang tingin ko sa lalaking naglalakad sa kabilang parte ng kalsada. Bale nasa right side kami, nasa left side naman siya. Nakayukong naglalakad na akala mo naghahanap ng diamond sa lupa. "Diba si ice price 'yon?" Anika asked. Nagtataka kong nilingon si Anika. "Ice prince?" Tanong ko. Tumango siya sabay kawit ng kanyang braso sa braso ko. "Oo, iyon ang bansag ko sa kanya." Ngumiti siya sakin ng matamis. Napatingin ulit ako doon kay Arche. Hawak niya ang isang strap ng backpack niya na nakakawit sa kanang balikat niya. Ang isang kamay niya ay naka-silid sa bulsa ng suot niyang school pants. Ang astig niya. Ang linis niyang tingnan. Para talaga siyang model. Pareho kaming napatigil ni Anika sa paglalakad ng makita namin si Jayne na nakangiting sinalubong si Arche. Hindi naman natinag si Arche na tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Nagkatinginan kaming dalawa ni Anika ng sinimulang kausapin ni Jayne si Arche. Nasa tabi siya ni Arche at masaya niya itong kinausap kahit hindi naman siya binigyan ng kahit isang tingin ni Arche. May kong anong bagay ang tumusok sa puso ko habang nakatingin sa kanila. Oo, hindi siya pinapansin ni Arche, pero hindi parin mawawala ang selos dahil. . . Kaya niyang kausapin ng malapitan si Arche. Ano ba 'yan, ngayon lang ngalang naka first love, may karibal pa. ———— To be continued...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook