Chapter 17: WELL SHE'S BACK

3659 Words
Aphrodite's Point of View Isang linggo at limang araw. Isang linggo at limang araw na ang nakalipas simula nang malaman ko ang buong katotoohanan tungkol sa pamilya ko. Isang linggo at limang araw na nang malaman ko din ang koneksyon ko sa pamilyang Hemsworth; lalong lalo na kay Ares Isang linggo at limang araw na ang nakalipas simula nang pag aralan ko ang iba't ibang detalye tungkol sa mga mafia Organizations sa Pilipinas. I studied even the smallest details simula sa rank 1 ang Olympus hanggang sa rank 10 ang Hellious. Marami akong nalamang mga bagay na hindi na research nang computer system ko. Mga bagay na naging dahilan upang tumindi ang pagnanasa kong mapatay ang gustong pumatay sa pamilya Hemsworth. Pagkatapos kong malaman lahat nang kailangan kong malaman ay pinabalik ako ni dad sa pag aaral tungkol sa Olympus mafia dahil pag tumuntong na ako sa edad na 22 ay kailangang pumasok din ako sa mafia na yun dahil kailangan. I already had debated the case. At sabi ko sakanya na agent ako but then again I found out na isang Good Mafia ang Olympus at maraming agents at politiko din ang miyembro nito. Dad said I needed to be the right hand of the heir dahil ako ang panganay kasi gusto ko sanang si White nalang kaso sabi niya hindi pwede dahil may gang si White na pinamumunuan dito sa Greece dahilan para agad kong masuntok ang 19 year old kong pasaway na kapatid At wala din akong nagawa kundi tanggapin ang magiging kapalaran ko next year bilang kanang kamay nang heir nang Olympus na walang iba kundi si Ares *sigh* But I also made a condition to my parents. Condition na kami lang ang nakaka alam. It is too confidential for everyone to know. "Damn big sis pumunta ka dito nang may dala kang maleta tapos babalik ka sa Philippines nang walang dala kundi ang sarili mo, si Maxime at ang phone mo?! Are you even serious?!" - singhal saakin ni White at napairap nalang ako. Nabigla ako nang malaman kong lahat sila marunong mag Filipino! Wala akong alam na palihim palang tinuturuan ni dad itong si White noong mga bata palang kami and worst First language ni White ang Filipino while ako! English! Tangina may lahi din akong Pilipino pero hindi ko first language ang Filipino! I am 1/4 American 1/4 Italian 1/4 Pilipino 1/4 European and pure blooded Goddess! At ano naman kayang paki nitong si White kung tatlong gamit lang ang dala ko like duh? Para hindi na ako mahirapan mag bitbit at para di narin dagdag sa iuuwi ko dito sa Greece 1 week and 4 day's from know dahil yun din ang araw nang paguwi ko dito dahil kailangan ko nang gampanan ang tungkulin ko hindi yung palaging ang siraulong gangster kong kapatid ang sasalo sa lahat nang responsibilidad ko. Tska Ako ang panganay kaya ako dapat ang gagawa noon. "Oh bakit nakakunot ang noo mo diyan?" - biglang tanong nang kapatid ko dahilan para mapabalik ako sa katotoohanan. "Paki mo?! Tska bakit ka ba nandito ha? Sa pagkakaalam ko may pasok ka ngayon White" - taas kilay na sambit ko sakanya at kitang kita nang dalawang asul kong mata ang pagirap niya. Siraulo talaga to "Fine! Masama bang umabsent, tska Ihahatid lang naman kita eh" - sagot niya naman saakin. Napansin ko ang paglungkot nang mga mata niya kaya napangiti ako. Gagong to pwede namang sabihin na mamimiss niya ako "I will miss you too Little bro. Don't worry I'll be back sooner than you know it and we will have our own sister and brother bonding" - nakangiting sabi ko at napansin ko at pagkislap nang mga mata niya. Kung sa Pilipinas ay pilit akong ngumiti o kaya bihira lang dito sa Greece hindi mo ako makikitang nakasimangot especially when I am with White. We have this bond na mas matibay pa sa mighty bond. Siguro dahil sa ako ang nag alaga sakanya simula baby pa siya. See how idependent and responsible I am? "That's the exact same thing you said when you left 11 months ago" - nakangiting sabi niya at dinambahan ko siya nang yakap. Kung pwede ko lang sana talagang isama ang siraulong to kaso hindi pwede. Ayokong mapahamak siya at ayoko ding malaman niya kung anong mga nangyari saakin sa Pilipinas. Mom and Dad knows everything lalo na tuwing na ho-hospital ako. Lalo na noong nag 50:50 ang chance nang buhay ko or rather 30:70. Halos nga daw napapunta na sila nang Pilipinas dahil sa nangyari saakin pero sakto naman daw pasakay na sila nang eroplano ay siya namang paggising ko. They said that hindi nila sinabi kay White ang mga bagay na ipagaalala nito dahil binantaan ni White si Dad na  kapag may nangyaring masama saakin o kaya na hospital ako ay susunod agad siya sa Pilipinas para siya na mismo ang tumapos sa mga trabaho ko. And God knows na ayaw kong madamay ang kapatid ko sa gulo nang buhay ko na pagiging agent Alam ko gangster siya at magulo din yun pero gusto ko doon lang sa pagiging gangster niya ang pagiging magulo nang buhay niya. Siraulo kasi ang isang to sinabi nang wag papasok sa gulo. Pumasok padin tsk kulang nang iisipin ko na baliktad ang pagkakaintindi nang kapatid ko sa nga pinagsasabi ko "I know and I never forgot that White Alexander." - saad ko at bumitaw na ako sa yakap at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya "Kapag nabalitaan ko na may ginawa kang gulo White Alexander sisiguruhin kong masasapak talaga kita nang mas malakas. At kapag nalaman kong nagkasugat pasa ka papaulanan kita nang bala. At wag na wag mong tatangkaing maospital dahil papatayin ko ang gang mo pati ang angkan nang dahilan nang pag kahospital mo" - pagbabanta ko sakanya at nakita ko ang pagpulta nang buong mukha niya. Kung siya nagawa niyang pagbantaan si Dad ay iba ako. Harap harapan ko siyang pagbabantaan. Wag niyang kalimutan na ate niya padin ako at lalong lalo nang wag niyang kakalimutan na talagang pag sinabi ko gagawin ko. And with his case I will really do those things kapag may nilabag siya "Understand Alexander?" - at kapag binangit ko na ang second name niya at talagang seryoso ako "Sì" - gulat na gulat na sagot niya saakin at ngumiti ako nang matamis at naglakad na ako papasok nang departure area. Ngayon na ang alis ko at si White lang ang naghatid saakin dahil busy si Mom and Dad sa council. At hindi din naman sila pwede dahil makikilala sila agad lalo na ako. Kumaway ako sakanya gamit ang kanang kamay ko at narinig ko ang sigaw niya "I love you Sis!" - napangiti naman ako pero hindi ako makasigaw dahil nakikilala nila ang boses ko. Kaya nag thumbs up nalang ako at saka ko ibinagay sa mib ang passport ko. Napangiti ang MIB saakin nang ibalik niya ang passport ko and I smiled back. This is the second time I am going to leave Greece for the sake of my dreams and I swear this will not be the last. Babalik ako dito soon but for now I will go back to the Philippines and finish what I have started I will f*****g go back and fight those assholes kahit maging 30:70 pa ang buhay ko sa pagtanggol sa isang asungot. Asungot na minahal ko Asungot na kahit mahirap aminin ay mahal ko padin Asungot na tangina tinadhana para saakin Asungot na kailangan kong bawiin "Damn that Ares Hemsworth" * After an almost a day of flight ay nakarating na ako sa wakas sa Pilipinas. Pagkalabas na pagkalabas ko nang airport ay agad kong tinawagan ang number ni Psyche pero hindi siya sumasagot "f**k asan ba ang babaeng yun damn" - tanging sabi ko nalang at wala akong nagawa at pumara nalang ako nang taxi. Kaysa naman sa maghintay ako sa walang kasiguraduhan. Tsk mas mabuti pang mag move on "Saan po tayo ma'am" - tanong noong taxi driver kaya napabaling sakanya ang atensyon ko "IDA" - tanging saad ko at pansin ko ang panalalaki nang mata niya at nagsimula na siyang magmaneho. IDA stands for Immortal Den Agency. Ewan ko ba kung bakit yan ang pangalan nang agency nang pamilya ni Eros. Minsan naiisip ko kung may saltik ba ang ancestors ni Eros na nagtayo nang Agency. The name is so lame actually tsk mabuti pang sabihan ko si Eros na palitan ang pangalan nang Agency. Like Blue Moon Agency or something like Hellion Agency yung mas may dating kumbaga sa modeling, hindi ka mapapansin kung wala kang s*x appeal. After a few minutes ay nakarating na ako sa Agency at binigay ko sa driver ang 500 "Keep the change manong" - tanging saad ko nalang at lumabas na ako nang taxi. Pagkaalis nang taxi ay naramdaman ko ang malamig na simoy nang hangin dahil ber months nadin naman. Inipit ko ang blonde kong buhok sa likod nang tenga ko at naglakad ako papasok nang Agency. Lahat sila nakatingin saakin na para bang nakakita sila nang multo "Sino siya?" "She looks like Agent A!" "Oo nga!" "Damn kung siya nga yan lalo siyang gumanda!" "She looks like the Heir to the Royal Throne in Greece!" "Oo nga!" "Hawig na Hawig niya si Queen Gaia Althea nang Greece!" "Oo nga!" Napakunot nalang ang noo ko nang marinig ko ang mga pinagsasabi nila but at the same time I am impressed. Pero hindi ko lang gusto yung taong palaging 'oo nga' ang sagot. Ano siya baka?! But I can't change the fact na Masydong matalas ang obserbasyon nila saakin. I want to give them a token of appreciation dahil madali nilang nalaman na hawig ako ni Queen Gaia Althea Dutchè Hemilton which is my mother. Damn ang haba nang pangalan nang nanay ko. Dutchè is her maiden name. While my dad tsk minsan ayoko talagang bangitin ang pangalan nang tatay ko kasi hindi naman bagay but anyways his name is Uranus Alexis Hemilton. Diba pati magulang ko pinangalan sa Greek Mythology?! Maliban nalang kay White. Ewan ko ba kung bakit hindi magkaroon nang pangalan si White nang gaya saamin "Good Morning madam may I help you?" - kinakabahang saad nang isa sa mga co- agents ko and God knows kung gaano ko pinipigilan ang sarili kong matawa dahil parang mata-tae na siya "No need Ms. Castro I can handle myself" - saad ko at nalaglag ang panga niya dahilan para hindi ko na mapigilan ang sarili ko at napatawa nalang ako nang mahina " This is me Agent Aphrodite. This is my real look so get used to it. Now I want you all to go to the meeting room and wait me there" - I exclaimed at lahat sila nalaglag ang panga at natulala saakin. I brushed my hair upwards and I bit the insides of my cheek. Damn ayokong mainis sa pagbabalik ko pero hindi ko maiwasan Still I am the hot tempered Aphrodite "As in Now!!!!" - sigaw ko at dali dali naman silang kumilos. Naglakad ako papunta sa opisina ni Eros and I kicked it open kahit naka stilettos ako. Sanay naman ako. "WHAT THE f**k?!"  Well I am really back to fight and this scene feels like deja vu. Bakit puro dejavu nalang ang buhay ko? Tsk whatever! Yeah this really feels like deja vù. Mas konti nga lang ang sinabi nang trantadong Eros na to. May atraso pa siya saakin maraming maraming atraso at kasali na si Psyche doon "WHO THE f*****g HELL KICKED MY f*****g DAMN DOOR!" Tsk sabi na nga ba at sasabihin din niya ang mga salitang yun tsk. Gago talaga tong Eros na to. "It's me asshole so shut the f**k up. Naririndi ako sa sigaw mo" - madiin kong sambit at pumasok ako sa opisina niya at padabog kong sinara ang pintuan. Napatingin ako sakanya and I saw how his eyes widened dahil sa gulat. Natural lang naman yun. Isang buwan din akong di nagpakita sakanya and I only had a chance to talk to him sa phone. "What the f**k happened to you?!" - he exclaimed and I rolled my eyes saka ako umupo sa couch saka ko ipinatong ang mga binti ko sa lamesa. "Tsk this is the natural color of my hair and eyes asshole so don't be so shocked" - tanging saad ko kasabay nang pag irap ko sakanya. "What the f**k Aphrodite?! Kailan ka pa naging blondie?!" - he exclaimed once again at tiningnan ko siya nang masama. Blondie his face! Arghh I hate it when that phrase come from his dirty mouth! Damn mas lalo na siguro kung galing kay Hermes tsk! Kadiri pag mga playboy ang bumabangit nang salitang "blondie" yucks! "Shut your dirty mouth and I'll explain everything so just f*****g listen dahil hindi ko na to uulitin" - malamig kong saad at napatango nalang si Eros. Mabuti naman at nakinig siya sa sinabi ko. Akala ko pa naman magrereklamo siya tsk I better explain what happened to him in a simple way dahil kailangan ko pang iexplain ang mangyayari sa buong agency and I know it will be hard as hell * "Tangina seryoso ka sa sinasabi mo A?! Are you the Queen and King of Greece 1st Child?! What the f**k?!" - pangalawang beses na tanong saakin ni Eros matapos kong sabihin sakanya ang buong katotoohanan tungkol sa pagkatao ko. Wala nadin namang silbi kung itatago ko pa sakanya diba? Tsk aalis nadin naman ako pag katapos nang lahat nang ito. I will go back to Greece and act like nothing has happened here in the Philippines and after a year or two babalik ulit ako dito to check on some things "f**k! Ilang ulit mo ba kailangang tanungin saakin yan para maniwala ka?! Gusto mo tawagin ko nalang si Dad para kausapin ka tsk" - sabi ko saka ako umirap sakanya. Napailing naman siya at kinagulat ko ang pamumutla ni Eros. Like wow?! Eros? Namutla? Dahil kanino? Dahil sa tatay ko? What the f?! Natatakot ba siya sa tatay ko? Tsk ako ngang sarili niyang anak ay kinakalaban siya. Tsk asungot din kasi talaga si Dad base nadin sa napag alaman kong katotoohanan. "Damn it I didn't expect you will be that Princess Winter Aphrodite Hemilton" - rinig kong sabi niya at napangisi nalang ako. Well sa totoo lang pwede ko siyang hatulan nang habang buhay na pagkakakulong sa Greece dahil sa ilang ulit na pagsigaw, pagmura, pagbaba nang telepono, pagiging walang modo at pantri-trip niya saakin this past 11 months of my stay here. Pero Syempre hindi ko gagawin yun. Mahalaga saakin si Eros kahit hindi halata, pero once na may ginawa siya kay Psyche na di kaaya aya papaulanan ko siya nang bala. Tsk and speaking of Psyche "Before we proceed to the other agents to explain further details. I want to ask you a question" - seryosong saad ko habang nakatingin nang diretso sa mata niya "Shoot" - tanging saad niya at napakunot ang noo ko "Where the f*****g hell is Psyche?! I told you to f*****g look after her Eros Gabriel Deogarcia!" - inis kong singhal sakanya pero nanatili siyang tahimik. Napansin ko ang pagyukom nang kamay niya at lalong lalo na ang pagdilim nang aura niya kasabay ang pagigting nang panga niya. I think I know why he is acting like that *sigh* f**k he knows already kung sino si Psyche at kung anong nagawa niya. nasisiguro kong iyon ang dahilan dahil hindi naman ganyan umakto si Eros kapag binabangit ko ang pangalang Psyche. Bullshit! Ang malala pa eh kung hindi pinaliwanag si Psyche ang buong katotoohanan o kaya hindi siya pinakinggan ni Eros This is really bullshit! Halos isang buwan lang akong nawala tapos ganito na?! Damn it I really need to do something. f**k I am shipping them after all at wala namang kasalanan si Psyche sa lahat nang nangyari. She was only blackmailed. I remember blackmailing is good but it comes with the f*****g reason why you are goong to black mail a person. Kung para sa kabutihan then go but if it is for the worst then by my guest to hell "That b***h" - Eros uttered and I pointed my gun maxime at him. He doesn't have the right to call my friend b***h dahil hindi niya alam ang buong katotoohanan. And I know kung gaano nasasaktan si Psyche ngayon. It's like a goddess instinct at alam kong nagugustuhan nadin ni Psyche si Eros. They are f*****g meant to be! Pareho lang kami ni Psyche but the case is pwede pa silang magkatuluyan ni Eros with my help pero ako I think that will never happen. I am a princess and I am suppose to marry a damn prince at ayoko namang magpakasal kay Ares lalo na't puro kaplastikan lang naman pala ang pinagsasabi niya saakin. Tsk nadidiri ako kapag naalala kong hinayan ko siyang tawagin akong 'baby' when I am not his f*****g baby in the first place "Don't speak ill of my friend Eros. You don't know anything about her" - malamig kong saad at nakita ko ang muling pag igting nang panga ni Eros at naging alerto ako. "And you?! You know everything?! Alam mo ba na siya ang pumatay kay dad?! Ha? Tell me Aphrodite alam mo ba?!" - he suddenly burst out and I shake my head. Wala nga siyang alam "I know that" - malamig kong sagot dahilan para mapatulala siya saakin na para bang hindi niya inaasahan na alam ko ang bagay na yun. "And I know the truth that you don't know." "WHAT THE f**k?! At anong katotoohanan ha?! Aphrodite sabihin mo ano ba ang totoo?! The truth I know she killed my father at dapat mamatay din siya"- and with that bigla kong nakalabit ang gatilyo at dumaplis ang bala sa kanyang braso at nakita ko kung paano tumulo ang dugo mula sa suga niya. I already told you Maxime is just a mere pistol pero it has the f*****g impact of a shot gun "I am so disappointed in you Eros. Masyadong madali kang maniwala sa sinasabi nang isang tao. Hindi mo man lang marealize na kabaliktaran nang sinasabi nila ang totoong nangyari. You don't know how to read between the lines. Senior pa naman kita pero ako pa ang mas nakaka alam nang totoo. Why don't you try and investigate the CCTV footage of your father's death? Open your eyes and watch it carefully doon mo malalaman ang katotoohanan" - malamig na saad ko at binalik ko na si Maxime sa bulsa ko at naglakad na ako papalabas nang letcheng opisina niya. Hindi ko na matiis ang pagiging close minded niya! Tangina ni hindi niya man lang ata pinag paliwanang si Psyche sa lahat at ang siraulong babaeng yun baka hindi man lang nagpaliwanag at inako lahat kahit wala naman talaga siyang kasalanan! That damn woman pag nahanap ko siya siguradong mababatukan ko yun "Another thing. You've just let go a woman that is obviously your other half. You are so proud of yourself Eros na hindi mo na nakita ang kototoohanan sa likod nang mga kasinungalingan. Sana nga lang marealize mo kung saan ka nagkamali before it's too late. You will never find someone like Psyche again Eros. Tatanda kang matanda dahil sa katarantaduhan mo" - malamig kong saad at padabong kong sinara ang pinto niya. Tsk sana naman sundin nang tarantadong Eros na yun na mali ang ginawa niya bakit ba ganyan ang mga lalaki? Tsk akala nila lahat nang alam nila tama at totoo tsk puro sila tamang hinala tsk ni hindi man lang mag imbestiga nang mabuti and try to read between the f*****g lines! Masyadong padalos dalos tsk Naglakad na akong papuntang meeting room at pagkabukas na pagkabukas ko nang sliding door at lahat sila namumutla at nanginginig. Tsk problema naman nang mga to? * "f**k are you even listening people?! This is a matter of life and death situation! Damn it!" - inis kong singhal sa lahat nang agents na nandito ngayon sa meeting room kasama ko. Kung ano kasing itsura nila pagpasok ko ay ganoon padin ang itsura nila hanggang ngayon. Nakatulala sila at namumutla! Like f**k may mali ba saakin? "Na-naki-kinig p-p-po ka-kami m-m-ma'am" - sabi nang isa sa agents at napataas ang kilay ko and I slammed my hand on the table at bigla nalang itong nagcrack kaya ayon nasira ito sa harapan nila. I am frustrated because of Eros and Psyche tapos ito pa? I am seriously f****d up! I brushed my hair upward using my right hand and I glared at them "I repeat susugod ang mga kalaban next week saturday the time span will me 1pm to 6 pm so start training! Ayokong may mamatay sainyo dahil sa katangahan! Iwan niyo ang katangahan sa bahay niyo! Remember lahat nang buhay nang estudyante sa Xavier University ang nakataya dito! Are we clear?!" - inis na singhal ko pero walang sumagot at napa face palm nalang ako sa isip "ARE WE CLEAR?!" "YES MA'AM" -sigaw nilang lahat at napairap nalang ako. Nakalakad na ako palabas nang meeting room, dire diretso ko lang tinahak ang pasilyo hanggang sa makalabas ako mang Agency Pumara ako nang taxi at agad akong sumakay dito "Saan tayo ma'am?" - tanong saakin ng driver "Xavier University" - tanging saad ko nalang at pinikit ko na ang mga mata ko kasabay ng pagandar nang taxi. Kakarating ko lang dito sa Pilipinas a few hours ago not to mention may jet lag pa ako pero damn nafrustrate agad ako sa napakaraming bagay! I really hate the fact that Eros is such an asshole! At mas lalo kong pang kinakinis na parang lutang ang buong agency! Tang ina isang oras ko sakanila inexplain kung ano ang sinabi saakin ni Dad na maaring mangyari sa susunod na linggo pero wala! Nakatulala lang sila! Ano bang problema at ganon sila? Are they f*****g scared dahil narinig nila ang paguusap namin ni Eros? Tsk well they should be ayoko nang tatanga tanga lalo na pag may nadadamay na inosenteng tao. Tsk now the f*****g Queenly attitude is really attacking my f*****g system. "Nandito na tayo ma'am" - driver. f**k?! Ang bilis naman ata nang biyahe?! Agad kong binigay kay manong ang one thousand and the same I told him to keep the change. Pagkabana ko nang taxi ay bumungad agad saakin ang malaking gate nang University at ang mga estudyanteng nagkalat sa loob nito. I'm done with Eros and the Agency now I need to f*****g look for my cousin Athena. Tsk I will surely slap her hard for not telling me he is guarding Apollo! Damn I consider her as my twin dahil parehong pareho kami pero di niya sinabi tsk sasampalin ko talaga siya nang todo "This is really bullshit" - A quite bullshit day for me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD