Aphrodite's Point of View
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang dumating ako dito sa Greece. And can you believe na wala pang kahit sinong mamayanan nang Greece ang nakakaalam na nakabalik na ako? Tsk thanks to my loving Father who is the King who made sure na hindi muna kakalat ang balitang nandito ako. He just pulled some strings then boom everything is fine
Hindi ko nga alam kung bakit ayaw niya pang ipaalam na nadito na ako. Tsk And I am quite having a huntch na may sinabi si White sa hari at reyna naming mga magulang tungkol saakin.
Napatingin ako sa kalangitan. Nandito kasi ako ngayon sa veranda nang kwarto ko dahil wala din naman akong magawa. I am so bored with reading tweets from persons I totally want to get over with.
Medyo madilim ang langit ngayon at mukhang uulan pa ata nang snow. It's natural dahil malapig nadin ang December. Christmas season is quite the best here in Greece lalo na sa capital. We usually go there natural nandoon ang main palace kung saan nagaganap ang mga pagtitipon, ceremonies, events and etc. Pero ang boring din doon kahit andami mong pwedeng pagkaabalahan.
*sigh*
I really can't help but think kung kamusta na kaya sila. Kamusta na kaya si Ares sa piling nang pekeng Alyssa na yun? Like duh? Talagang sinabi niya pa talaga na siya ang pumatay sa Free Souls eh ako ang gumawa noon. Of course with the help of Psyche half way. Nevermind as if I care buhay niya yan at wala talaga akong paki alam kung simula sa araw na ito ay pinaghahanap na siya nang iba pang mafia organization na kakampi nang Free Souls.
Paano ko nalaman? It's simple. Just like dad I just pulled a few strings to know what the f**k is happening around the Philippines. Panindigan sana nang fake na yun ang pag agaw nang identity ko and she could do me a favor and protect that asshole
Kamusta na din kaya si Perseus? Ang babaerong si Hermes? Ang Makulit na si Pollux at Castor? Si Apollo na hindi man lang ako nakapag paalam thou ayoko talaga sakanya dahil ang kulit niya at di ko din siya maintindihan. Masyado siyang presko tsk Pero ang mas inaalala ko kamusta na si Psyche and Eros. The last thing I heard about them that Eros is starting to be protective or rather possessive when it comes to psyche! Grabe ha halos isang buwan palang sila magkakilala oa na mi Eros.
"Princess?" - someone called me behind my back and I saw my Father standing and I frowned. Bakit hindi ko man lang narinig kumatok ang asungot na tatay ko na to?
"You are too pre occupied Princess kaya di mo ako napansin na pumasok" - diretso niyang sabi at umupo siya sa sofa ko. Damn I am that pre- occupied para di ko—
Oh my f*****g f**k!
Did...
Did my
Oh fuck
Did my dad just...
Tangina naman oh
DID MY DAD JUST SPOKE FILIPINO?!
"Hashtag muntanga ka diyan Anak" - pigil tawang sabi pa ni Dad at tiningnan ko siya nang masama. Aba't! Ni hindi ko nga alam na marunong siya mag Filipino! And he even used Hashtag for pete's sake na para bang bagets siya! He is definitely old! 46 na si dad and he is turning 47 this Decemeber at talagang nakuha niya pang gumamit nang Millenial words! And he just said that mukha akong tanga!
Aba't kung hindi lang to Hari at tatay ko ay matagal ko na tong nasapak.
"Explain" - Gigil kong sabi sakanya at tinawanan lang niya ako. Oh diba?! Ang galing nang tatay kong hari. I ordered him to explain pero wala tawa lang ang nakuha kong sagot
"Sit beside me first bago ko sabihin sayo lahat lahat" - nakangiting sabi niya at dahil curious na akong masyado sa mga nangyayari ay umupo ako sa tabi niya at kasabay nang paglabas niya nang isang makabal na libro
Ang
"WHY ARE YOU FREAKING HOLDING OUR FAMILY HISTORG DAD!" - singhal ko sakanya. Akala ko ba mag e-explain siya pero bakit hawak niya ang Almanac nang pamilya namin! It's not like he is going to lecture me about our ancestors and such! Let me tell you it's hella f*****g boring
"Problema mo ba anak? Eh sa gusto kong dahilan para naman mas maexplain ko sayo lahat. At alam ko din na minsan low gets ka" - nakangising saad niya saakin at napakunot ang noo ko
"Tatay ba talaga kita? Tsk" - singhal ko sakanya at tinawanan niya lang ako kasabay nang pagbuklat niya nang Almanac nang pamilya namin at nakita ko ang picture nang lola at lolo ko sa side ni mom
"Hindi ka magkakaroon nang asul na mga maya kung hindi mo ako tatay tsk" - sagot naman niya saakin at napangisi naman ako. Sabagay tama naman si Dad. All this time I kept my real look. I have this blonde wavy hair na namana ko kay Mom na tinago ko using hair color na hindi naman permanete kaya natangal din naman and blue eyes na namana ko kay Dad na tinatago ko gamit ang contacts
"*ehem* I know you are quite confused kung bakit sa Pilipinas ka napadpad at wala man lang akong ginawa tungkol doon na kahit ang sabi ko ay sa US ka dapat" - tanging sabi niya at napatango nalang ako. That's right hindi naman talaga dapat sa Pilipinas ako magiging agent. What happened to me was unexpected
Tinuro ni Dad ang parents ni Mom at sumilay ang ngiti sa labi niya
"I can still remember how your Grandmom and Grand dad did everything they could to keep your mother here in Greece and away from me" - Dad said at napanga nga naman ako. What?! Grand mom and Grand dad did that?! Pero bakit?
"You see I am not a part of a royal family. I am part of the Hemilton Clan, my family is famous because of it's worldwide companies. I am the edlest son and of course I am the primary heir to being the owner of those companies. And your mom, she is the princess that time, a run away princess that wants to achieve her dreams in becoming an agent" - pagpapatuloy ni dad dahilan para malaglag ang panga ko
WHAT THE f**k?!
"Tinutulan nang Grand Mom ag Grand dad mo ang pangarap nang mommy mo kaya naglayas siya. Napadpad ang mom mo sa Pilipinas at sa di inaasahang pagkakataon nabungo ko siya sa airport. Paalis ako noon papuntang Greece pero hindi natuloy dahil bigla bigla nalang nahimatay ang mom mo"
"At ano namang ginawa niyo nang hinimatay si Mom? Damn don't tell me pinabayaan niyo lang siya!" - I exclaimed and suddenly naramdaman ko ang pitil ni dad sa noo ko. Bwiset
"Hindi ko siya iniwan. In fact hindi na ako natuloy sa biyahe ko papuntang Greece dahil inalagaan ko siya. Tumira ang mom mo saakin for about a year and syempre nainlove kami sa isa't isa. Our life was happy because that time she was already pregnant with you then dumating ang mga magulang nang mom mo sa bahay namin. Kinuha nila ang mom mo saakin at wala akong nagawa. All I did was smile at her even though deep down I was broken. Ayokong mastress siya lalong lalo na at buntis siya nang mga panahon na yun kaya sinabi ko sa mom mo na hintayin niya ako and never let anyone to touch her" - makahulugang saad ni Dad at lalong napakunot ang noo ko. Bakit ba saakin kwine- kwento ni dad to? Anong connect nito sa pagkapad pad ko sa Pilipinas?
"Tinuruan ko kasi nang self defense ang mom mo before dahil palagi nalang may gustong pumatay saakin. Being an Hemilton is such a pain in the ass especially being inside a Mafia Organization"
"WHAT?! YOU ARE IN A f*****g MAFIA DAD!" - singhal ko sakanya at hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Halos lumiwa na ang mara ko sa nalaman ko. My dad is a f*****g mafia member!
"Yup" - nakangiting sabi niya at napakunot ang noo ko. Talagang proud pa siya ah! Bwiset na tatay ko to "Kaya kahit hindi naging agent ang mom mo ay naenjoy niya padin dahil nakahawak siya nang baril at nakipaglaban sa mga masasamang tao" - sabi ni Dad ay pagkatapos natawa siya pero hindi ako natawa sa sinabi niya. Gago na ang tatay ko o ano? He is the king pero ganito siya? Tsk tsk
"Kaya noong kinuha siya ulit nang mga magulang niya at ibinalik sa Greece ay agad kong tinawagan ang asungot kong kaibigan para tulungan akong makuha ulit ang mom mo at siguraduhing mapapayag sa kasal ang mga magulang niya. And the. It happened we flew here at pumasok ako sa Spartan games at nakipagpustahan ako sa Grand Dad mo. I said that if I won papakasalan ko ang mommy mo at wala silang angal pagdating doon" - nakangising sabi niya napara bang inaalala lahat
"Tuloy mo na Dad dami pang commercial eh" - naiinip kong sabi and he glared at me pero iniripan ko nalang siya
"And I won. Akala ko nga di tutupad sa usapan ang Grand Dad mo eh. At di kalaunan ay naging malapit na kami nang Grand Dad and Grand mom mo sa isa't isa and they decided to make me the King of Greece leaving my business to your Uncles" - tanging sabi niya at napakurap naman ako
"ANONG CONNECT SA PAGKAPADPAD KO SA PILIPINAS!" - inis kong sigaw at napatawa nalang siya at sa susunod niyang sinabi ay agad kong narealize ang point ni dad.
He never intended to not let me reach my dreams dahil alam niyang parehas kaming sitwasyon ni mom noon. He just waited for the right time and place at hindi ko ine-expect kung gaano kagaling si dad sa pag manipula.
He is definitely the King that Greece will always remember
"As I said matalik kong kaibigan ang pinuno nang Mafia Organization at sa Pilipinas nakabase ito. The name of that person is Cronus Hemsworth and the mafia organization is the Olympus"
WHAT THE f**k?
"Are you serious father?! You are friends with that bipolar Cronus dude and you are part of of that Olympus thing?! Alam ba to ni mom?!" - I exclaimed and he just laughed at me. Aba't bwiset na tatay ko na to! Tawanan ba naman ako pagkatapos ilihim saakin ang ganitong kaimportanteng bagay sa buhay ko! At worst talagang umabot pa talaga sa puntong kailangan ko pang ma broken hearted bago niya sabihin ang lahat saakin!
"We are not just friends Princess, we are best friends. Kakasabi ko lang na parte ako nang Olympus mafia at kanang kamay ako ni Cronus. An don't worry dahil alam to nang mom mo at kasali din siya sa Olympus mafia" - tanging sagot saakin ni Dad habang nakangiti at nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya
Even Mom?!
Oh damn this! How can my life be full of twist! And not to mention it is quite f*****g complicated!
"Noon kasing unang buwan na pinagbubuntis ka nang mom mo ay may mga gusto nang pumatay saakin. At dahil doon nagpumilit ang mom mo na isali ko din siya sa Mafia at turuan nang mga bagay na ginagawa namin sa loob nito. Syempre ayoko noong una but your mom insisted dahil pangarap niya din ang humawak nang baril at nakipaglaban at para nadin maprotektahan ikaw pat ang sarili niya kung sakali." - okay? So that's the story. Pero f**k kung best friends pala si Dad ang asungot na Cronus na yun bakit hindi niya ako nakilala?! Impossible naman kung dahil lang iba ang color nang buhok ko at hindi na asul ang mga mata ko ay hindi niya ako makikilala. I still have my mother's features.
"Cronus is my best man during the wedding at si Adellaine naman ang Bride's maid nang mama mo. We are so close to each other kaya noong ipinanganak ka ay ginawa namin silang ninang at ninong sa binyag mo at ganon din ang ginawa nila sa kambal nilang anak. Kami ang ninong at ninang sa binyag ni Ares at Apollo. Mas matanda sayo sa buwan ang kambal dahil nauna nang nabuntis ni Cronus si Adellaine at nauna din silang ikinasal. Kasi alam mo naman ang Granddad mo and Grandmom tutol saakin noon" dagdag pa niya dahilan para mapangiwi ako. Damn I can imagine and feel kung ano ang naramdaman ni Dad noong mga panahon na tinutulan ni Grand Dad at Grand Mom ang pagmamahalan nila ni Mom. At alam kong pareho nilang ipinaglaban ang pagmamahal nila para sa isa't isa at hindi sila nabigo.
At kung ako man ang maipit sa ganoong posisyon ay ganoon din ang gagawin ko. I could even risk the throne for someone.
Tsk bakit ko nga ba iniisip na mangyayari saakin ang ganoong bagay? Arghh
"At yun na nga. Palagi silang bumibista dito tuwing pasko hanggang sa mag tatlong taong gulang kayo ni Ares at ni Apollo. Until hindi na sila nakabisita dahil lalong lumala ang mga nagbabanta sa buhay nila. And me and your mom tried our very best para protektahan sila. Kahit talagang malabong makilala ka nang mag asawang yun lalo na't hindi nila nasilayan ang paglaki mo. But if you will tell them your whole name ay maaring makilala ka nila. Hindi ka nila kilala bilang Aphrodite kundi bilang Winter" - pagpapatuloy ni Dad at napatango tangi nalang ako.
Kung sakali palang malaman ni asungot Cronus ag ni headmistress Adellaine na ako ang inaanak nila at siya pang nagpabagsak sa Free Souls ay mabibigla sila.
"Bakit ako napadpad sa Pilipinas dad?" - takang tanong ko at napansin ko ang pagsilay nang ngisi niya kasabay ang pagsulpot ni mom sa kwarto ko.
"That's my decision Princess" - saad ni Mom at nalaglag ang panga ko sa pangalawang pagkakataon. Desisyon niya?! Pero umiiyak siya the day na paalis na ako dito?
"I did that dahil gusto kong makilala mo ang Pilipinas at gusto kong doon mo matupad ang pangarap mo gaya nang akin. And also I want to do that dahil nadin kila Ady at Cronus. Gusto kong ikaw mismo ang promotekta kay Ares. Ako din ang kumausap kay Eros na ibigay sayo ang mission dahil may tiwala ako sayo Princess" - malawak ang ngiting saad ni mom and I just stared at her.
Fuck! My parents planned this all along damn it!
"Ang alam ni Ady ay nagpadala ako nang dalawang Secret Service Agent dito sa Greece para protektahan si Ares at Apollo sa mga Mafia Organization na gustong pumatay sakanila. Kaya di na siya nagtaka kung pinabagsak mo ang Free Souls- dagdag pa ni Mom. Dalawa? Alam kong ako ang isa pero sino yung isa pa?
"Si Athena ang pangalawa. And she is protekting Apollo" - sagot di Dad at muli napanga nga ako. My cousin?! Athena?! Nagbabantay kay Apollo?! Tangina seryoso?!
"Me and your dad know everything Princess. Simula nang una mong pagtapak sa Pilipinas ay alam namin hanggang sa ngayon na umibig ka kay Ares at ang pagsulpot nang fake na babae na inagaw ang identity na dapat sayo"- seryosong saad ni Mom at di ko mapigilang mapalunok. Oh f**k I cannot believe they are my parents! Para silang mga mind reader na alam na kung anong nasa isip ko at iisipin ko palang! And hell alam din nila ang tungkol kay Ares at sa fake na yun?!
"Alam mo ba kung gaano ko kagustong pasabugin ang bungo nang peke na yun?Tsk pero gusto kitang hayaan na gawin kung anong gusto mo Princess. We know that you will surely fall for someone when you are staying in the Philippines at hindi ko ine-expect na kay Ares ka maiinlove" - dagdag pa niya at lalo akong napalunok
Tangina lupa lamunin mo na ako.
"Me and your mom together with your ninang Adellaine and ninong Cronus decided that you will marry Ares when you reach 25 pero dahil ayaw ka din namang pilitin ay hinayaan ka namin sa kung anong gusto mo. Pero ang kinagulat namin ay parehong pareho ang naging prediction nang mom mo sa mangyayari" - Dad interrupted dahilan para mapatitig ako kay Mom. Predicted? What the f**k?!
"Sweetheart naman bakit pati yun sinabi mo" - bulong ni mom at sinikl pa si Dad at napangiti nalang ako kahit papano at nabawasan man lang nang kahit konti ang kahihiyan ko sa katawan dahil andami palang alam nang mga magulang ko. "*ehem* You see Princess unang kita ko palang na magka holding hands kayo ni Ares sa 2nd birthday party mo ay sinabi ko na ang possibilidad na magkatuluyan kayong dalawa. Kasi sa dinami rami nang babae sayo lang ngumiti si Ares. Hay pinaglihi kasi yun ni Ady sa sama nang loob" napailing iling pa si mom habang sinasabi yun at nanlaki ang mata ko.
I am seriously f****d up right now
"At ngayong alam mo na ang lahat. We need to teach you about the other enemies lurking around Ares and Apollo" - Dad
Tsk I know I know. Pero di ko inaasahan na tuturuan ako ni Dad
"When you eliminated Free Souls. Mas naging aggresibo sila at ngayon gusto nilang patayin ang taong nagpabagsak sa Free Souls at promoprotekta kay Ares at tska nila isusunod ito" - Mom.
I also know that shit
"At dahil may umagaw nang identity mo ay sakanya nakapokus ang atensyon nang dalawang sunod sa rank nang Olympus na gustong patayin si Ares. They are planning to m******e everyone in the Xavier University three weeks from now. And that's their plan, killing everyone in that school" - mahabang lintaya ni Dad at niyukom ko ang kamay ko into ball fists. Subukan lang nilang patayin lahat nang estudyante doon at uunahin ko sila.
Pero paano nila nalaman ang ganitong bagay? f**k I know my dad can pull some strings to get the information he wants pero hindi ko alam na ganito kagaling si Dad.
Perks of being the right hand of that Cronus
And this whole thing is the truth the f*****g truth na kahit ang hirap tanggapin nang sistema ko ay pinilit kong i digest ang buong inpormasyon na ibinibigay nila saakin
"Ngayon si Athena muna ang magbabantay sa kambal habang sinasabi namin sayo lahat nang nalalaman namin and we are going to create a plan." - Mom said and I grinned. Thank goodness may pinsan akong nasa Secret Service at maasahan. Sisiguraduhin kong mapapabagsak ko ang pesteng mga mafia organization na gustong pumatay kay Ares. Tangina pupugutan ko sila nang ulo
"Mukang pinapatay na niya ang mga kalaban Sweetheart" - Dad said to Mom and Mom just laughed. Tsk they know me too well. Wait alam din kay to ni White? At teka nga lang kanina pa sila daldal nang daldal at ngayon ko lang narealize ang isang bagay na dapat kanina ko pa napuna
"YOU CAN ALSO SPEAK FILIPINO MOM?!"