CHAPTER 9

2901 Words
"SHAINE & LANCE POV" "Shaine, bakit ka nga aalis?" Tanong sa akin Hera. Paulit-ulit niya nang tinatanong iyon sa akin. Simula nang sabihin ko sa kaniyang narito lang ako ngayon sa Office para ayusin ang mga ma iniwan ko mga papers. May balak pa naman kasi akong pumasok pagkatapos kong manganak. Kung hindi man dito, pwede naman sa ibang Kumpanya ako mag apply trabaho. "I just want to..." sabi ko na lang para hindi na ito mag tanong pa. lpinag patuloy ko ang pag-aayos ng gamit. Tinapos ko rin ang ilang trabaho ko bago para kahit papaano'y hindi siya mahirapan ang mga ibang ka Officers ko. "Alam mo, ang weird mo." Napapakunot ang noong sabi sa akin ni Hera. Naupo siya sa upuang nasa harap ng table ko. Pag katapos ay nakapanga lumbaba niya akong tinitigan. Taas ang kilay na iniwas ko ang tingin. "lkaw ang weird, hindi ka naman palatanong ng tungkol sa akin dati ah." lsang mahinang tawa ang pina kawalan ni Hera. "Hindi nga, pero biglaan kasi ang pag-alis mo. Ang bilis tuloy ng takbo ko papunta dito." "Sira ka pala eh, alam mo namang importante ang trabaho niyo diba?" "Eh kasi nga po bigla-bigla kang tatawag at sasabihing aalis ka na. Kung ibang tao lang ako iisipin kong may balak ka nang mag pamilya. lyon naman ang palagiang dahilan ng ibang kabataan ngayon diba?" Bigla akong napalunok sa sinabi ni Hera. Tumbok na tumbok niya ang dahilan ko. Ang pinagkaiba nga lang, wala ito sa plano. Biglaan lang din. "Basta, Hera, ikaw na ang bahala dito ah." Sabi ko habang nakatitig sa kaniya. Saglit akong napabuntong-hininga bago muling nagsalita. "Mabigat ang dahilan ko, very private, kaya pasensiya ka na kung hindi ko pa kayang sabihin sayo ngayon." "Oh sige nanga hindi na ako mag tatanong. Basta kapag may problema ka 'wag kang mahihiyang mag sabi sa akin." Sabi niya bago tumayo para lumapit sa akin. Kaagad akong tumayo at inayos ang pag kakasuot ko sa maluwag na blouse. Napangiti na lang ako nang yakapin niya ako. Gumanti rin ako ng yakap bago niyaya si Hera na saglit kaming kumain sa cafeteria. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng spaghetti nang mapakunot ang aking noo. Matamang nakatitig sa akin si Hera. Para bang may kakaiba sa hitsura ko na ngayon niya lang napansin. "What?" Napapaiwas ang tinging huminga nang malalim si Hera bago sumagot. "Parang ang ganda ng mood mo ngayon. Noong nakaraan kasi palagi kang irritated. Tapos ang lakas-lakas mo pang kumain." "Di ba pwedeng gutom lang?" "Yeah, right, parang dalawang tao kung kumain ka. "Bigla akong napaubo sa sinabi ni Hera!. Kaagad naman niyang inabot sa akin ang isang baso ng tubig. Nanatili akong tahimik pagkatapos kong uminom. Ang buong kaala ko'y tapos nang mag-obserba si Hera sa mga pag babago ko 'raw'. Pero nag kamali ako. "Para kang buntis" "Nagulat ako sa sinabi ni Hera! Pakiramdam ko'y tinakasan ng kulay ang buong mukha ko sa narinig mula kay Hera. Nakamaang na nakatitig lang ako sa kaniya. Parang kakawala na ang puso ko sa sobrang takas ngbkabog nito. "0 baka talagang gutom ka nga..." Sabi pa ni Hera bago itinuloy ang pag kain. Sa buong oras na ka sama ko si Hera ay parang gusto ko na lang tumubog sa pwesto ko. Baka kung ano na namang mapansin niya sa akin. Pag kaalis kong Office ay kaagad akong pumunta sa mall Mag-go-grocery ako, I want to cook. I want to make something for Sir Lance. Ewan ko ba, pero parang ganado ako ngayong araw. Himala ngang parang kaagad na nawala ang mabigat na dalahin ko pag kalabas kong Office. Nawala bigla ang pino problema ko. Ngayon hindi na ako mag-aalala kung may makakita man sa amin ni Sir Lance. Bakit hindi ako ganito kay Jerald dati? Baka naman hindi love ang naramdaman ko kay Jerald. Pag karating ko sa condo ay wala si Sir Lance. Nalungkot ako bigla, nasanay na kasi akong kapag aalis ako at babalik ay nasa condo ko siya. Nag hahanda ng pag kain ko, may dalang prutas o kaya tatambay lang. Minsan nama'y dito niya naiisipang tapusin ang mga trabahong inuuwi niya sa bahay. Pero ang mas ikinatutuwa ko'y hindi siya nag rereklamo sa tuwing kinikilig ako sa mga kpop idol na crush ko. Gaga! Paanong mag rereklamo si Sir Lance, eh mukhang hindi ka naman niya gusto. Remember, he still love his ex. Habang nag lututo ng hapunan ay patingin-tingin ako sa pinto. Baka sakaling dumating si Sir Lance. Ewan, siguro dala ng pagbubuntis ko'y palagi akong na-e-excite kapag nariyan nasi Sir Lance. 0 baka hindi rin, baka talagang may nararamdaman na akong kakaiba para sa kaniya. Abala ako sa pag-aayos ng pagkain sa lamesa nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Patakbo akong lumapit sa pinto at inayos ang sarili bago iyon binuksan. Nabura ang ngiti ko nang makilala ang taong nasa labas. Bagsak ang balikat na tinitigan ko nang malamig si Jerald pala, Bakit ko nga ba naisip nasi Sir Lance ang dumating? Alam nga pala nito ang password ng condo ko. "What are you doing here?" mataray kong tanong. Sumilay ang ngiti sa labi ni Jerald. "Gusto kitang makita." please Shaine pakingan mo Naman ako I miss you so much. please mag usap tayo! Napaikot ang mga mata ko sa sinabi niya. Lumabas ako ng condo ko, ayaw ko kasing makapasok si Jerald sa loob, mas lalo lang akong mahihirapang paalisin siya. "Shaine, are you still mad at me? Karra and I broke up when you confronted me that night. Kaya bumabalik ako sayo, so we can start again." Nagpapaawang sabi sa akin ni Jerald. Kung sinabi niya iyan noong patay na patay pa ako sa kaniya di malabong mag kabalikan kami. Pero sa ngayon, no way, hindi ako tanga para magpaluko't magpauto sa kaniya! Muli tuloy bumalik ang galit ko. Matalim kong tinitigan si Jerald. hindi ako tanga para makipagbalikan sayo. Yes, I want to start a new relationship again, but not with you. I want to make brand new memories, but not with you!" Galit kong sinabi ikinayuko ni Jerald. "Shaine, babe, please Patawarin muna ako. "Ano ba Jerald?! Hindi mo ba naiintindihan ang mga sinabi ko?! Ayaw ko na sayo! Kung gusto ko mang mag mahal ulit, I'll make sure na hindi ikaw iyon! So please, get the hell out of my life!" Galit kong sabi habang pinipigilang mapiyok sa harap niya. Naiiyak ako, hindi dahil may nararamdaman pa ako sa kaniya. Naiiyak ako dahil parang wala lang sa kaniya ang mga ginawa niya sa akin. Parang hindi niya alam kung gaano kasakit sa akin ang pambabastos niya sa relasyon namin! Maya-maya'y nakita ko ang pagngisi ni Jerald. Bigla akong kinabahan nang marahan siyang lumapit sa akin. "Shaine I don't remember na pumayag akong maki pag break sayo. Kaya boyfriend mo pa rin ako hanggang ngayon." Maangas niyang sabi sa akin. Para akong nabingi sa sinabi niya. "Jerald, kakasabi mo lang na gusto mo akong balikan, so ibig sabihin alam mong wala na tayo! Hindi ko alam kung anong hindi mo maintindihan sa salitang 'wala nang tayo'! Gusto mong mas malinaw?" "I don't care, you're still mine, babe." Mariin akong napapikit. "Jerald, I don't love you anymore. Ayaw ko na sayo,so will you please stop pestering me?!" I said annoyingly to him. I don't know what he's up to. Para kasing hindi ang pakikipagbalikan sa akin ang gusto niyang mangyari. Ah, siguro dahil mawawalan na ito ng taga gawa na mga mga investors para kumpanya and reviewers. Hindi naman kasi niya pwedeng eh asa iyon kay Karra. 0 baka may iba pa siyang rason. Ayaw ko na lang isipin kung ano baka kilabutan pa ako. "Shaine,I love you." sabi sa akin ni Jerald. Pero hindi ko nahimigan ang pag mamahal nang bigkasin niya ang mga salitang iyon. Magsasalita na sana ako nang mamataan ko si Sir Lance na nag lalakad palapit. Salubong ang mga kilay nitong nakatingin sa akin. Tumigil ito sa harap namin ni Jerald. Nakakunot ang noong tiningnan kami ni Sir Lance bago nag salita. "Bakit nandito kayo sa labas? " seryosong tanong nito. "Paalis nasi Jerald, Sir." Mabilis kong sagot nang makita kong mag sasalita sana si Jerald. Pinanlakihan ko siya ng mga mata kaya walang nagawa si Jerald kundi ang umalis. Noon lang ako nakahinga nang maluwag. Noon ko lang rin naramdaman ang pag hihina ng tuhod ko. Ilang beses akong huminga nang malalim bago hinarap si Sir Lance. "Kumain na po kayo Sir?" Nakangiti kong tanong. Napansin ko ang muting pag kunot ng kanyang noo. "Oo." maikli niyang sagot bago tumalikod. Hindi ko na tuloy naitanong kung saan siya kumain. Bag sak ang balikat na pumasok na lang ako sa loob ng condo. Marahan ang mga lakad na tinungo ko ang kusina. Blangko ang ekspresiyong pinagmasdan ko ang mga nakahaing pagkain. ilang sandali lang ay inabot ko ang mga iyon at itinapon sa basurahan na nasa kusina. Sayang lang ang effort ko. para wala siya pakialam sakin. Hindi siya nag alala kung kumain naba Ako oh hindi! matutulog na ngalang. Another morning sickness. Nakaka pang hina, parang gusto kong maiyak dahil wala man lang umaalalay sa akin sa mga ganitong pag kakataon. Wala si Sir Lance. Hindi naman kasi siya natutulog dito. Kaya sa tuwing umaga'y mag-isa akong nag hihirap. Pag katapos kong magduwal ay nagpasya na akong maligo. Mabilis lang akong naligo, ayaw kong mag babad masyado. lsang maluwag na sweatpants at gray t-shirt lang ang isinuot ko. I didn't bother to put on my bra. Nakakailang kasi. I am now four months pregnant. I already have a bump. Kaya tama talaga ang desisyon kong tumigil muna sa pag-aaral. For past few weeks puro cold treatment ang natatanggap ko kay Sir Lance. I tried to understand him. Alam ko namang ako ang may kasalanan kung bakit malamig siya sa akin. lyon nga lang hindi ko maiwasan ang malungkot. Kahit na ba lagi niya akong sinasamahan sa panunood kong kung anu-ano'y alam kong hindi naman talaga siya masaya. Gina gawa niya lang iyon para pag aanin ang loob ko. Para maging maayos ang pag bubuntis ko. He misses Lyka. Halata iyon dahil palagi siyang tulala. Palaging malayo ang iniisip niya. Nang makalabas ako ng kwarto ay kaagad kong naamoy ang niluluto sa kusina. I flashed a smile when I saw Sir Lance cooking at my kitchen. Nakasuot lang siya ng black shirt na naka-tucked in sa gray slacks niya. May brown apron ding nakapatong sa kaniyang suot. Napansin kong medyo basa pa ang kaniyang buhok. Mukhang katatapos lang rin niyang maligo. May trabaho yata siya ngayon. "Good morning!" nakangiti kong sabi sa kaniya. Nakakunot-noo lamang siyang tumingin sa akin at muling ipinagpatuloy ang pagluluto. Nawala bigla ang ngiti ko dahil sa pang-i-snob niya sa akin. Bakit ba napakahirap para sa kaniya ang bigyan ako ng ngiti? "Eat now. Pag katapos mo, magpalit ka ng damit at may pupuntahan tayo." Masungit niyang sabi. Bigla akong nakaramdam ng pananabik dahil sa sinabi niya. "Date?" "Date? Wala akong oras sa ganoon." he said and took a sip in his coffee. "Okay." mahinang sabi ko at pinilit na ubusin ang pag kaing inilagay niya sa aking plato. Kahit medyo masama ang loob ko'y sumunod ako sa iniutos ni Sir Lance. Buong akala ko pa nama 'y lalabas kami para mamasyal. Mukhang hindi naman. Baka isama niya ako sa trabaho niya. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay kaagad na akong lumabas ng kwarto. Ganoon na lamang ang pag kadismaya ko nang wala akong na abutang Sir Lance sa sala. Nauna na yata siyang lumabas. I immediately wiped my tears. Why am I crying? Ganito siguro ang buntis, kaunting kibot nagiging emosyunal. Napahinga ako ng malalim nang makita kosi Sir sa labas ng condo ko. Nakatayo lamang siya malapit sa pinto habang may tinitingnan sa cellphone niya. Muli akong napasimangot. "Ang bagal mo kumilos." Sabi niyang hindi man lang tumitingin sa akin. Pinilit kong maging kalmado sa harap niya. I know I like him, pero hindi naman yata tama ang sinabi niya. "You know I'm pregnant, natural na mabagal akong kumilos." Mataray kong sabi at nauna nang maglakad. Narinig ko ang marahas niyang pag buntong-hininga bago sumunod sa akin. "Kung nag mamadali ka, pwede namang huwag mona lang akong isama. Baka makasagabal pa ako sayo." "Shut up..." Mahina niyang sabi na ikinairap ko. Tahimik na sumakay na lang kaming dalawa si elevator. Pinili kong tumayo malayo kay Sir Lance. Kahit naman may gusto na ako sa kaniya wala pa naman ako sa puntong mag paparaya na lang sa tuwing may pag tatalong nangyayari. Hindi pa naman ako katulad ng iba na ipagpipilitan ang sarili sa mga IaIaking gusto nila. Malalaki ang lakad na tinungo ko ang kotse ni Sir Lance. Kahit naman nakakainis ang ugali ni Sir Lance ay may pag ka-gentleman rin naman siya. He opened the door for me. Siya na rin ang nag-ayos ng seatbelt ko. Kahit papaano ay naibsan ang pagkainis ko sa kaniya. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang kiligin sa kung anong gagawin namin. Para na nga akong timang na pangiti-ngiti sa kinauupuan ko. Kung hindi ito date, wala akong pakialam. Wala namang masama kung iisipin kong date nga ito, diba? Nakarating kami sa isang boutique. I was amazed when we entered the shop. Parang galing pa sa ibang bansa ang mga damit na sumalubong sa mga mata ko. "What are we doing here?" Tanong ko habang tinitingnan ang isang kulay asulna gown. "Kukunin natin ang isusuot mo para sa kasal natin." sagot ni Sir Lance na nag papula ng pisngi ko. Kasal namin? lkakasal na kami? Kailan? "Talaga Sir? Kailan?" nahihiyang tanong ko. Nakakunot ang noong tumingin sa akin si Sir Lance. Marahil ay nag tataka siya kung bakit ganoon ang inaakto ko. "The day after tomorrow." seryosong sagot niya na nag pagulat sa akin. "What? That soon? I'm not prepared." I said. "Its just a simple wedding. Hindi mo na kailangan mag handa." sabi niya sabay lakad palayo sa akin. Parang gusto kong manapak sa mga oras na iyon. Simple man ang wedding dapat nakahanda pa rin ako. Every woman wants to be beautiful in their wedding day. Dahil isang beses lang iyong mangyayari. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga mata. Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng mga luha ko. Mariin akong napapikit bago pasimpleng tumalikod para punasan ang aking mga luha. "Don't cry, Shaine. Makakasama kay baby." Mahinang bulong ko. Pinilit kong kalmahin ang sarili habang hawak ang aking tiyan. Hindi ako pwedeng malungkot ng sobra. Ayaw kong may mangyaring masama sa dinadala ko. "Shaine come here..." narinig kong tawag sa akin ni Sir Lance. Saglit akong huminga nang malalim bago naglakad sa couch na kinauupuan niya. Malamig ko siyang tinitigan. Nakakainis, bakit ba parang napakamanhid niya?! Hindi niya ba ramdam na importante sa akin ang kasal?! lyon na nga lang ang maipag mamalaki ko sa magiging anak namin, sisirain niya pa? "Miss, narito na po iyong mga susukatin ninyo." Magalang na sabi sa akin ng isang staff. Napakagat ako sa labi. Matalim ko munang tiningnan si Sir Lance. Pag katapos, mabibigat ang hakbang na pumasok ako sa fitting room. Nabungaran ko sa loob ang ilang magagandang wedding gowns. lba-iba rin ang kulay pero mas marami ang puti. "Ayos ka lang ba?'' Tanong sa akin ng babaeng siyang tumutulong na maisuot ko nang maayos ang gown. Napapabuntong-hiningang tumango na lang ako. Kahit gaano pa kagaganda ang mga wedding gown na nasa harap. Hindi pa rin niyon maiibsan ang sama ng loob na nararamdaman ko para kay Sir Lance. "Ang ganda!" Malaki ang ngiting sabi ng babae bago hinawi ang kurtina para matingnan ni Sir Lance ang ayos ko. Pasimple akong napairap nang makita ang tamad na pag suyod ni Sir Lance sa kabuuan ko. Wala pa yatang isang segudo'y umiling na siya. Napapaawang ang bibig na muli akong nag palit. Nakailang palit na ako'y ganoon pa rin ang reaksiyon niya. Kulang na lang sabihin niyang huwag na lang akong mag damit sa kasal namin. "Ano?! Hindi pa rin okay?! Nakakapagod ah,ako naman ang mag susuot nito, hindi ikaw." lnis na sikmat ko kay Sir Lance. Kakalabas ko lang ng fitting room. Titig na titig siya sa suot ko. Para bang hinahanapan pa ng mali para masabing pangit. Marahas lang na napabuga ng hangin si Sir Lance bago ako tiningnan sa mga mata. "Then choose the one you think is perfect." Napapamaang na tiningnan ko na lang si Sir Lance nang marahan siyang tumayo. Hawak niya ang cellphone bago naglakad palapit sa counter. Mariin na lang akong napapikit sa sobrang sama ng loob. Nakakainis ang pagiging malamig at walang pakialam niya sa akin! Akala mo kung sino?! "Ma'am, ayos lang 'yan, pili kana lang iba." Pag papakalma sa akin ng staff. Napatitig na lang ako sa repleksiyon ko sa malaking salamin. Pinakatitigan kong mabuti ang suot. Wala namang mali, maayos naman at parang sinukat talaga sa akin. "Ay Ma'am, kung ako ang tatanungin, mas maganda itong huli mong sinuot. Feeling ko nga nagandahan rin si Sir. Ito lang kaya ang tinitigan niya nang matagal." Tahimik na tumango na lang ako. Kahit gaano pa niya pabanguhin ang pangalan ni Sir Lance sa akin, masama pa rin ang loob ko. Nakakainis! Kung wala naman talaga siyang pakialam, sana nilubos niya na! Sana hindi niya na lang ako dinala rito! hayyy na stress talaga ako kay Sir Lance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD