"SHAINE POV" Two weeks nang nambubuwisit sa akin si Lane. He's so annoying, to the point na gusto ko na siyang sakalin kapag nag babalak siyang kausapin ako. Katulad sa mga oras na ito. Nandito na naman siya sa bahay. Kulang na lang dalhin niya ang mga gamit niya dahil parang dito na rin naman siya nakatira. Wala yatang araw na hindi siya pumupunta rito. Nakakabanas! Ano bang hindi niya maintindihan sa sinabi kong, ayaw ko na siyang makita kahit kailan? Hindi naman siguro siya bobo di ba? Maayos pa naman siguro ang utak niya di ba? Naging CEO kumpanya ba pa siya kung hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. "Shaine, babain mona si Lane. Kanina pa nag hihintay yung tao sayo." Pakiusap sa akin ni Mommy. lsang irap ang ibinigay ko sa kakulitan niya. Kanina pa kasi niy

