Maaga akong nagising, madilim pa lamang sa labas at alas kwatro pa lamang ng umaga. Kasalukuyan akong nagkakape, nagluto na rin ako ng kanin dahil hindi ko alam kung ano ba ang lulutuing ulam. Ang sabi kasi ni Nanay Lourdes kahapon ay alas sais nagigising ang buong pamilya para mag-agahan.
" Ang aga mo naman iha! " napatingin ako kay Manang Lourdes, mukhang kagigising lang din nito at nagtungo na dito sa kusina, ngumiti ako dito.
" Nasanay po kasi akong gumising ng maaga. " sabi ko. Naglakad ito patungo sa ref at mukhang naghahanap ng maluluto.
" Nay, ipagtimpla kitang kape gusto mo? " tanong ko dito, ngumiti naman ito.
" Sige nga, para matikman ko ang timpla mo. " sabi nito kaya masiglang kumilos ako para magtimpla ng kape.
" Ano po pa lang paborito nilang pagkain dito pag umaga? " tanong ko, ang sabi kasi ni Nanay Lourdes tuwing umaga lang kumakain ang mga ito dito. Kapag tanghali at hapon ay wala ang mga ito at may kanya-kanyang mga lakad, siguro ay doon na rin sila kumakain.
" Si Simon at si ma'am Luisa, paborito nila tuwing umaga ang omelette. Si sir Jeorge naman ay sunny side up lang na itlog. Si Samuel ay vegetarian ang batang yun, ang palagi niyang request ay pritong talong at okra. Si Sandro, toast bread lang siya with jam tapos kape. " sagot ni Nanay Lourdes.
" Kape niyo po! Ako na po magluluto, maupo na lang po kayo dito at magkape. " sabi ko dito.
" O siya sige! Kahit ano lamang ang lutuin mo, hindi naman maarte ang mga iyon. Kung ano ang ipinaharap mong pagkain ay kakainin lang nila. " sabi ni Nanay Lourdes, mas lalo tuloy akong humahanga sa pamilyang to.
Umupo na ito sa kitchen counter at nakaharap sa akin, habang ako nagsisimulang pumili ng lulutuin sa mga nilabas niyang gulay.
" Ang sarap ng timpla mo anak. " masayang sabi nito nang matikman ang kape na ikinangiti ko.
" Talaga po? Gusto niyo po ipagtimpla ko kayo palagi? " tanong ko dito, tumawa naman ito ng mahina.
" Ay naku, nakakahiya naman sayo pero hindi ako tatanggi. Masarap ang timpla mo e. " sabi nito na ikinatawa ko.
Inihanda ko ang mga gagamitin ko para sa sinangag. Naglabas ako ng carrots, ground pork meat, egg, green onions at butter.
Naghanda rin ako ng ampalaya, okra, talong at avocado. Balak kong magluto ng ampalaya with egg para kay ma'am Lourdes at Simon, tapos sunny side up kay sir Jeorge. Okra at talong naman kay Samuel at Smash avocado toast with egg para kay Sandro, my love.
Marunong ako magluto dahil tinuruan ako ni mama noong nabubuhay pa ito. Binibilhan pa niya ako ng cook book para daw kapag nagkaasawa ako ay hindi ako nakakahiya sa mapapangasawa ko.
" Matagal na po kayo dito Nay? " tanong ko kay Nanay Lourdes habang nagluluto.
" Oo, bata pa lamang sila Sandro ay nandito na ako. Mababait silang lahat kaya hindi ako makaalis sa kanila. Bukod sa malaki sila magbigay ng sweldo, pinag-aral pa nila ng libre ang mga anak ko. Kaya kahit may mga trabaho na ang mga anak ko at kaya na akong buhayin, hindi ko maiwan ang pamilyang ito. Malaki ang utang na loob ko sa kanila. " sagot nito. Nakikita ko naman ang kabutihan nilang lahat pero si Sandro napakasungit pagdating sa akin, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa lagi kong pangungulit sa kanya or sa itsura ko siya naiinis.
" Kaya pala marami ang may gusto sa kanila." sabi ko.
" Oo dahil madali silang lapitan at hingian ng tulong. Saka kahit hindi humingi ng tulong ang mga tao dito, tumutulong talaga sila. " sabi ni Nanay Lourdes.
" Diba nay matagal kana dito? Edi nasubaybayan mo ang paglaki nila Sandro? " tanong ko.
" Oo, pero nang magkolehiyo sila sa ibang bansa sila mga nag-aral. " sagot niya.
" May girlfriend na po ba si Sandro? " diko napigilang itanong, natawa si nay Lourdes sa tanong ko.
" Hindi ko alam, sa tingin ko wala naman. Wala pa siyang ipinapakilala sa pamilya niya e. " sagot niya na ikinangiti ko ng maluwang.
Nagkwentuhan pa kami habang nagluluto ako. Pagkatapos ay inayos na namin ang dining table, yung dalawang maid kasi na kasama pa dito alas syete pa daw ang dating dito sa mansion. Mga bago lang din ito at kasabayan kong nag-apply.
Nang matapos kaming mag-ayos ng dining table ay siyang bungad ni Simon sa dining area.
" Good morning Manang, Good morning ate Valen. " bati nito.
" Good morning Simon. " Matamis ang ngiting bati ko dito, ganun din si nay Lourdes.
" Ang bango Manang, what's that? " tanong ni Simon habang papalapit sa lamesa.
" Wow Sinangag! It looks delicious " masayang sabi nito at umupo, siya ring pagdating ng apat at nagsi-upuan na sila.
" Wow! Ngayon lang tayo magpa-fried rice ah! " sabi ni Samuel, nakangiti silang lahat habang paupo.
" Naku, si Valen po nagluto ng lahat ng iyan. " sabi ni Nay Lourdes kaya napatingin silang lahat sa akin maliban kay Sandro.
" Mukhang magaling kang magluto ah! " nakangiting sabi ni ma'am Luisa.
" Mabuti pa, maupo na kayong dalawa at kumain na tayo. " sabi ni sir Jeorge na ang tinutukoy ay kami ni Nanay Lourdes. Kinabahan ako sa narinig, hindi ba dapat hindi kami kasabay sa pagkain?
" Ganito dito, kasabay nila kumain ang mga kasambahay kaya masanay ka na. " bulong ni Nanay Lourdes at naupo na sa tabi ni Simon.
" Maupo ka na sa tabi ni Sandro. " sabi ni ma'am Luisa, napalunok ako at nagdadalawang isip na maupo.
Si sir Jeorge kasi sa dulo ng table, sa kanan nito si Samuel at si Sandro tapos ako habang sa kaliwa ay si ma'am Luisa, si Simon at si nay Lourdes.
Napatingin ako sa kutsara, tinidor at knife na nasa gilid ko at napalunok ako. Hindi ako marunong gumamit ng mga ito, nasanay ako sa probinsya na nagkakamay lang at minsan kutsara lang gamit.
" Who wants coffe? i'm going to make! " sabi ni Sandro at tumayo na ikinalingon namin.
" Me " sagot ni Samuel, Simon. at sir Jeorge.
" Ako na lang magtitimpla. " boluntaryo ko, napatingin ito sa akin at umupong muli.
" Okay! " sagot niya kaya agad akong tumayo at nagtungo ng kusina. Nanginginig ako, sana lang ay hindi ako mapahiya.
Pagkatapos kong nagtimpla ay agad ko itong inabot sa kanila.
" Ate, ang sarap mong magluto! " puri ni Simon sa akin at nag-thumbs up pa sa akin habang puno ang bibig, ngumiti naman ako dito at umupo na.
" Napasarap tuloy ang kain namin. " sabi ni ma'am Luisa.
" Pati kape masarap, mukhang magreretiro na si Manang Lourdes sa pagtimpla ng kape. " tumawa ang lahat sa sinabi ni sir Jeorge, napatingin ako agad kay Sandro. Napakagwapo niya talaga lalo na kapag tumatawa o ngumingiti, ang sarap titigan.
" Parang masarap itong toast bread with egg and avocado. " sabi ni ma'am Luisa at kumuha ng isa saka kinain.
" hmm.. masarap siya ah! " puri nito na ikinangiti ko.
" Kaya pala nakakadalawa na si Kuya Sandro " masayang sabi ni Samuel na ikinangiti ko at muling bumaling kay Sandro na ngumiti lang.
" First time kong makakain ng ampalaya with egg ate, masarap pala. Salamat ha! " sabi ni Simon habang abala sa pagkain.
" Teka, kumain ka na. Hindi ka pa kumakain. " sabi ni ma'am Lourdes, ngumiti ako dito at nginig ang kamay kong inabot ang kutsara at tinidor.
Sobrang nakakahiya, sana hindi nila mapansin na hindi talaga ako marunong.
" Siya nga pala, hindi ba't galing ka sa probinsya? Bakit mo naisipang magpunta dito sa Maynila? " tanong ni sir Jeorge, tumingin silang lahat sa akin na tila naghihintay ng sagot ko kaya napahinto ako sa pagkain.
" Nagbakasakali lang po ako na makahanap ng mas maayos na trabaho dito, ang hirap po kasi ng buhay doon. Yun pala mas mahirap pa dito. " nakangiting sagot ko na ikinatawa niya.
" E bakit pumasok kang kasambahay? Bat hindi ka naghanap ng mas maayos na trabaho? Pwede kitang tulungan para makapasok ka. " wika nito, ang bait talaga nila.
" Hindi po kasi ako nakatapos ng kolehiyo, hanggang highschool lang po ako. Nagtrabaho naman po ako sa isang restaurant, kaso hindi pa rin po sapat yung sweldo ko sa pang araw-araw ko, idagdag pa po yung apartment na binabayaran ko. " sagot ko dito.
" Gusto mo bang mag-aral? Kaming bahala sa gastos. " sabi nito na ikinagulat ko.
" Naku nakakahiya naman po. " sabi ko.
" Ate, wag ka na mahiya sa amin. Para ka na rin naming pamilya, ang tagal ko na kayang gustong magkaroon ng ate. Nagsasawa na ako kay kuya Sandro at kuya Samuel. " sabi nito na ikinatawa ng lahat.
" Ayaw kong maging ate mo, gusto kong maging hipag mo. " bulong ko.
" Ano yun? " tanong ni Sandro na ikinagulat ko, napalunok ako at lumingon sa kanya saka umiling.
" Ano iha? gusto mo ba? " tanong ni sir Jeorge na ikinatingin ko dito.
" Wag kang mag-alala, patutulungan kita dito sa tatlo sa pag-aaral mo. " sabi naman ni ma'am Luisa, ang swerte ko naman sa pamilyang ito.
" Sige po pero okay lang po bang panghapon ang pasukan ko? para po makatulong naman ako dito kapag araw. " sabi ko.
" O sige iha, ikaw ang bahala. Simon, ikaw na bahala sa ate Valen mo sa enrollment ha! Doon mo na siya sa school na pinapasukan mo i-enroll. " sabi ni sir Jeorge.
" Ako pong bahala! " masayang sabi ni Simon, napakacute ng batang ito. Parang kapatid na talaga ang turing niya sa akin.
" Kapag may problema ka sa Math, lumapit ka kay Sadro. Doon siya magaling! " sabi ni ma'am Lourdes, ngumiti naman ako dito at tumango.
" Ako na maghatid sundo sayo ate! " boluntaryo ni Simon na ikinalingon ko sa kanya. Seryoso ba siya dun? Katulong lang nila ako pero handa siyang maging driver ko?
" Naku wag na! magcocommute na lang ako. " sabi ko dito, e kasi nakakahiya naman. Sagot na nga nila ang pag-aaral ko e.
" Pumayag ka na ate, delikado na ang magcommute kapag gabi. Saka wala naman akong masyadong ginagawa pag-uwi ko galing school. " sabi nito.
" He's right iha! baka mamaya mapaano ka pa. " sabi ni ma'am Luisa.
" Okay po! " nahihiyang sagot ko.
" Ako naman, kapag may gusto kang lalaki lumapit ka sa akin, tuturuan kita kung paano magfirst move. " nagulat ako sa sinabi ni Samuel.
" Babaero ka talagang bata ka, pati yang si Valen tuturuan mo ng kalokohan. " sabi ni sir Jeorge at binatukan pa ito kaya nagtawanan kaming lahat.
Ang saya ng pamilya nila, ganito rin kaya kami kung buhay pa sina mama at papa?
" Joke lang yun, pero pwede kang magpatulong sa akin sa kahit anong subjects. Lalo na kapag wala si kuya Sandro or busy siya. " sabi nito.
" Salamat! " sabi ko.
" Siya nga pala, nasa probinsya ang mga magulang mo? " tanong ni ma'am Luisa.
" Wala po, patay na po sila. " sagot ko, napatingin silang lahat sa akin maliban kay Sandro.
" I'm sorry to hear that! " malungkot na sabi ni ma'am Luisa, ngumiti naman ako dito.
" Okay lang po " nakangiting sabi ko.
" Wala ka bang kapatid man lang? " tanong ni sir Jeorge.
" Wala po, bata pa lang po kasi ako nang mamatay ang papa ko sa aksidente kaya hindi na rin ako nagkaroon ng kapatid. Tapos namatay naman po sa sakit sa puso ang mama ko nang makagraduate ako ng highschool. " Kwento ko, kita ko ang pagkaawa nila sa akin.
" Buti ate kinakaya mo, salute sayo. " sabi ni Simon na ikinangiti ko.
" Kailangan kong kayanin e. Ayaw kong malungkot ang mga magulang ko sa langit. " sabi ko.
" Napakatapang, napakatiyaga at napakasipag mong bata. Siguradong proud sayo ang mga magulang mo. " sabi ni sir Jeorge na ikinangiti ko.
Nagkwentuhan pa kami habang kumakain, nang matapos ay nagsibalik sila sa mga kwarto nila. Marahil ay maggagayak ang mga ito para sa mga lakad nila. Si Simon wala nang klase pero may lakad daw siya kasama ang mga kaibigan.
Hindi ako nakakain ng mabuti dahil na rin sa bwisit na kutsara at tinidor na yan, mukhang kailangan ko nang magpractice gumamit nito.