Napatingin ako sa mataas na bahay ng pamilya de Mevius at napangiti, bitbit ko ang isang bag kong damit at kalalabas ko lamang ng kotse dahil pinasundo ako kanina ni mam Luisa.
" This is it Sandro, andito na ako. Be ready to fall inlove with me. " nakangiti kong bulong sa sarili.
" Valen, tama ba? " napalingon ako kay Nay Lourdes at ngumiti dito.
" Opo, ako nga po. " sagot ko.
" Halika, pumasok ka. Wala pa sila ngayon kaya ako na ang magtuturo ng kwarto mo at mga dapat mong gawin. " masiglang sabi nito at hinila ako papasok sa bahay deretso sa kusina at lumabas kami sa pintuan doon kung saan naroon ang maid quarter. Sa labas pa lamang ay kita nang malawak ang loob nito at maganda.
" Dito ang maid quarter " binuksan ni Nay Lourdes ang pintuan at namangha ako nang makita ang loob nito. Parang isang malaking bahay na ito ng isang pamilya. Tama nga ako ng hinala, maganda at malawak ito. Mayroon siyang malawak na sala na may tv at electric fan sa gilid.
" Dito nagpapahinga ang mga katulong at dito rin kumakain kapag may mga bisita ang pamilya de Mevius. Pero kung wala ay sumasabay kami sa kanila sa pagkain. " kwento nito. Mayroon itong apat na kwarto.
" Halika, ipapakita ko sayo ang magiging kwarto mo. " naglakad ito patungo sa isang kwarto at sinundan ko naman.
Pagbukas ng kwarto ay muli akong namangha sa ganda ng loob at mas malawak pa ito sa apartment na tinitirahan ko. May sarili itong maliit na sala at tv, katulad sa labas ay may electric fan din dito, maganda rin ang theme ng room. May sariling banyo at sa may medyo mas mataas na parte ay naroon ang kama na double bed size.
" Pinaayos ito ni mam Luisa nang madalas magtalo ang mga kasambahay. Pinalagyan ng mini living room at tv, dahil sa tv talaga sila madalas nagtatalo. " sabi nito at binuksan ang bintana.
" Mag-ayos ka muna ng kwarto mo at magpahinga, kapag nagugutom ka may kusin tayo dito, magbukas ka lang ng ref at may mga pagkain doon. Sa ref naman sa malaming bahay, pwede ka ring maghanap ng pagkain doon. " sabi nito at tinungo na ang pintuan.
" Sige po, salamat po. " ngumiti ito bago tuluyang lumabas. Pinagmasdan ko ng buong silid, ganito pala kasarap ang buhay ng katulong dito. Tinungo ko ang closet malapit sa kama at inayos ang aking mga gamit, mayroon ding maliit na study table dito. May aircon malapit sa kama, pero sure akong hindi ko gagamitin yan dahil ginawin ako. Kumuha ako ng damit, may nakita rin akong tatlong puting tuwalya sa may drawer. Kumuha ako ng isa at nagtungo sa banyo at naligo.
Pagkatapos maligo ay umupo ako sa pinakang sala hawak ang cellphone ko at tinawagan si Mica na agad naman nitong sinagot.
" Hello Mica, andito na ako. " masayang balita ko.
" Talaga ate? kumusta yung magiging room mo? maganda din ba? " tanong nito.
" Grabe Mica, ang ganda. Katulong lang kami pero para na kaming anak ng mayaman dahil sa ganda ng titirahan namin. " kwento ko.
" Hala ate, gusto ko ring makita. Buksan mo camera mo. " natawa ako dito at agad binuksan ang camera saka pinakita ang buong silid.
" Grabe ate, ang ganda. Pwede rin kaya akong pumasok diyan kaag bibisitahin kita? " tanong nito.
" Itatanong ko muna ha! " sabi ko.
" Sige ate. "
" O sige, balik ka na sa trabaho baka naabala na kita. Lalabasin ko lang din si Nay Lourdes at makikipagkwentuhan. " sabi ko.
" Sige ate, goodluck sa bagong work mo. Ingat! " paalam nito.
" Bye, ingat din. " paalam ko bago patayin ang tawag. napatingin ako sa may bintana, tumayo ako at tumanaw dito.
Napakunot noo ako nang makita ang magandang gardin dito at sa gitna ay naroon ng isang napakagandang malaking puno, tree house ito. Ang kaso ay may bakod ang buong garden at may nakalagay na "Warning do not enter. Violators will be face severe punishment."
Lumabas ako ng kwarto at nadatnan ko si Nanay Lourdes sa kusina, nakaupo sa may counter at naghihiwa ng mansanas at nilagay sa plato.
" Hello po! " ngumiti ito sa akin.
" Kain tayo! " kumuha siya ng isang slice at kumain.
" Sige po. " umupo ako sa tapat niya at kumuha ng isang hiwa at kumain din.
" Manang pwede pong magtanong? " tanong ko na ikinatingin niya sa akin.
" Oo naman. "
" Ano po yung magandang garden diyan? bakit po bawal pumasok? " tanong ko.
" Ah iyon ba? pag-aari iyon ni Sandro at siya mismo ang nag-aalaga doon, minsan kapag busy siya ako ang inuutusan niya. Hindi ko rin alam kung bakit pinagbabawal niya ang lugar na yan. Siguro kasi, doon siya tumatambay minsan. " sagot ni Manang.
" Kung ganun po, nakakapasok din kayo sa tree house? " tanong ko.
" Hindi ko pa iyon napapasok, basta ang utos lamang niya ay iayos ang mga halaman, linisin ang garden at diligan ang mga halaman kaya hindi ko naisip pumasok doon. " napatango naman ako.
Kinahapunan ay nagtungo kami ni Manang sa malaking bahay nagtulungang magluto dahil may darating daw silang bisita mamaya.
" Hi Valen! come here, ipapakilala kita sa mga anak ko at sa asawa ko. " salubong ni mam Luisa sa akin, ngumiti naman ako.
" Hintayin na lamang kita sa kusina. " wika ni Manang na ikinatango ko dito. Dali-dali namang kinuha ni mam Luisa ang kamay ko at hinila ako patungo sa sala na ikinakaba ko.
" Guys, this is Valen. Siya yung nag-apply na makakasama nagin dito sa bahay para taga luto. " napaangat ang tingin nila sa akin, kita ko ang ngiti sa labi nina Simon, Samuel at sir Jeorge perk kunot noo naman ang kay Sandro.
" You? " sabi ni Sandro, ngumiti ako ng pilit. May kasalanan pa ako dito e, jusme.
" Hi ate, what a small world. " saad ni Simon.
" Oo nga hihi! " pilit kong tumawa ng mahina.
" Oh, kilala niyo siya? " nagtatakang wika ni mam Luisa.
" Ah no ma, natatandaan lang namin siya. Sila yung nagpapicture sa amin sa church. And she- "
" Sh*t up, Samuel. " mariing wika ni Sandro at tumayo na.
" I want to take a nap. " wika nito at naglakad na paalis, napanguso naman si mam Luisa.
" Pagpasensiyahan mo na iyon, pinaglihi ko kasi sa sama ng loob. " sabi ni mam Luisa na ikinatawa ng tatlo.
" Ma, naririnig kita. " sigaw ni Sandro habang paakyat sa hagdan, tumawa lang din ang lahat.
" Ah, sige po. Tutulungan ko na po si Manang sa kusina. " paalam ko.
" Sure Valen. " wika ni mam, ngumiti muna ako sa kanila bago umalis.