Chapter 5

939 Words
" Uy ate, wala kang lakad? " tanong ni Mica sakin. Linggo ngayon at day off namin kaya binisita niya ako dito sa apartment. " Wala " sagot ko, mukhang kailangan ko pa kasi ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang paghahanap sa dati naming bahay. " Ate, naghahanap daw ng kasambahay ang pamilya de Mevius, yung marunong daw magluto. Baka gusto mo? Ang daming gustong mag-apply ng kaso mga hindi marunong magluto. Kung marunong lang ako pupunta ako. " kwento nito na ikinalingon ko sa kanya at tila kumislap ang mga mata ko. Nahihiya parin ako sa nagawa ko noong nakaraan pero sadyang obsessed na ako kay Sandro kaya tila balewala na sa akin ang kahihiyan. " Sigurado ka? " tanong ko. " Oo ate, mababait yun sila at malaki magpasweldo. Baka mas okay ang buhay mo dun kesa dito, nagbabayad ka ng apartment, problema mo pa mga gamit at pagkain mo. Halos walang natitira sayo sa sweldo mo at kulang na kulang pa. " sabi nito. " Teka, magbibihis lang ako. Samahan mo ako sa bahay nila. " excited na sabi ko at sinimulang magbihis. Nang matapos ay agad kaming sumakay ng jeep patungo roon. Alam na alam ni Mica kung nasaan ang bahay ng mga ito. Kung ako ay obsessed kay Sandro, ganun din siya kay Simon kaya stalker iyan. Bumungad sa amin ang malaking bahay na may mataas na gate. Nakakula sa laki ang bahay, baka nga CR lang nila yung tinitirahan ko e. Nagdoorbell kami dito at agad namang may nagbukas na matanda. " Magandang umaga po! " bati namin, ngumiti naman ito. " Magandang umaga rin anong kailangan niyo? " tanong nito, nagkatinginan kami ni Mica. " Ahm ako po si Valen, nabalitaan ko po kasi na naghahanap po kayo ng kasambahay. Balak ko po sanang mag-apply. " sabi ko. " Ah ganun ba, pumasok kayo at sa loob tayo mag-usap. Tamang tama andyan si Luisa, baka siya na ang bahalang kumausap sayo. " sabi nito at pinapasok kami saka pinaupo sa sala. Ang lawak ng bahay nila, hindi maipagkakailang mayaman talaga sila. " Dito muna kayo at tatawagin ko si Luisa. " sabi ng matanda, tumango naman kami dito bago siya umalis. " Sayang naman, wala yung tatlo. " nakasimangot na sabi ni Mica na ang tinutukoy ay sina Sandro, Samuel at Simon. " Ang swerte mo ate kapag natanggap ka, araw-araw mong makikita yung tatlo. " sabi nito na ikinangiti ko. " Edi bisitahin mo ako lagi dito kapag wala kang ginagawa ka. " sabi ko, ngumiti naman ito na tila kumislap pa ang mata sa narinig. " Gusto ko yan. " kinikilig at tila excited na sabi niya. " Good morning.. " napalingon kami sa nagsalita kaya at agad kaming napatayo nang lumapit ito. " Good morning ma'am! " bati namin ngumiti naman ito. " Sit down! " maligayang sabi nito saka umupo sa tapat namin kaya umupo narin kami. " Sabi ni Manang nag-apply kayong kasambahay " panimula nito. " Ah siya lang po ma'am, sinamahan ko lang po at hindi niya alam ang bahay niyo. " nahihiyang sabi ni Mica. " Oh, what's your name iha? " baling nito sakin. " Valen po ma'am, Valen Garcia. " nakangiting sagot ko. " Hmm.. ilang taon kana? " tanong nito, hindi naman siya mukhang masungit dahil nakangiti lagi ito. " 24 po ma'am. " sagot ko. " May i know kung bakit napili mong mag-apply dito? Kasi diba may mas magagandang trabaho pa dyan na pwedeng pasukan. " sabi nito. " Galing po kasi akong probinsya ma'am, ilang buwan pa lang po ako dito at nahirapan po akong maghanap ng trabaho dahil highschool lang po ang natapos ko. Nakapasok naman po akong diswasher sa isang restaurant kaso hindi po sapat yung kinikita ko dun. Nagbabayad po kasi akong apartment tapos pagkain pa. " sagot ko, kita ko ang pag-kaawa sa mga mata nito kaya ngumiti na lang ako. " Napakasipag mo namang bata, siguradong proud sayo ang mga magulang mo. " sabi nito na ikinangiti ko. Sana nga proud parin sila sakin kahit ganito lang ang naging buhay ko. " Salamat po! " sabi ko. " Umalis kasi mga katulong namin, mga dalaga kasi kaya ayun mga nakipagtanan na. Kaya naghahanap kami ng kapalit, kung sakaling kukunin ka namin kakayanin mo ba? " tanong nito na ikinatuwa ko. " Opo ma'am, marunong po ako sa lahat ng gawaing bahay. Lalo na po sa pagluluto maaasahan niyo po ako dun. " sabi ko na ikinangiti niya. " That's good then. Yun talaga ang hanap namin, yung marunong magluto dahil si Manang medyo nagkaka-edad na. Para hindi na siya palagi ang nagluluto. " sabi nito. " So, tanggap na po ba ako ma'am? " tanong ko, tumawa ito ng mahina. " Oo naman. " sagot nito. Ang bait nila, no wonder gusto sila ng mga tao dito. " Kung ganun, kailan po ako magsisimula? " tanong ko. " Ikaw ang bahala iha, kung kailan ka pwedeng magsimula na. Basta pumunta ka lang dito. " sabi niyo. " Pwedeng sa Tuesday na lang po ma'am? Magpapaalam po muna ako sa restaurant at sa apartment. " sabi ko. " Sure iha! " masayang sabi nito. Nakakatuwa yung kabaitan niya para siyang si mama. Bigla ko tuloy namiss si mama, siguro kung may pera lang kami noon baka naipagamot ko si mama at buhay pa siya ngayon. Kinabukasan ay nagresign na ako sa restaurant at nagpaalam narin kay Aling Marites. Nag-impake narin ako para bukas ay susunduin na lang ako. Kinuha kasi ni ma'am Luisa yung address ko para ipasundo na lang daw niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD