" Ate ihatid na kita! " napatingin ako kay Simon na nakasimpleng tshirt at short lang habang nakaupo sa sala.
" Naku wag na, baka may lakad ka pa. " tanggi ko, nahihiya lang ako. Katulong lang nila ako pero sobra-sobra na ang atensyong binibigay sa akin.
" Naku ate wala akong lakad, mamaya pa kami magsisimba kaya okay lang. " tumayo na ito.
" Pero Simon "
" Let's go ate, isa pa sinabihan din talaga ako ni mama na ihatid ka. " sabi nito at hinila na ako palabas. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya pumasok na rin ako saka siya umikot sa drivers seat.
Nanuot sa aking ilong ang bango ng kotse at ang kanyang pabango. Nakaramdam tuloy ako ng hiya, pakiramdam ko hindi ako bagay dito e.
" Ate, sa church? " tanong ni Simon habang nasa daan kami.
" Oo! " nakangiti kong sagot.
" Friend mo pala yung Mica ate. " sabi nito na ikinalingon ko sa kanya. Diko tuloy maiwasang mapangiti lalo dahil sa idea na interesado siya kay Mica.
" Oo, nakasama ko siya sa restaurant na pinagtratrabahuan ko dati. Working student siya, sa trabaho siya pag araw at sa trabaho pag gabi. "
" Oh, ang sipag naman just like you. " ewan ko ba, sa tuwing magsasalita ang batang to natutuwa ako at napapangiti.
" Hindi naman! "
Pagdating namin sa church ay agad akong bumaba, at dahil nagmessage ako kay Mica na hinatid ako ni Dimon mabilis niyang sinabi na hihintayin niya kami sa parking area. Hindi lang talaga ako dito ang obsessed.
" Ate, happy valentines and happy birthday! " masayang salubong nito at niyakap ako.
" Birthday mo ate? " Simon asked na ikinabitaw ni Mica at sabay kaming napatingin dito.
" Oo " nahihiya kong sagot.
" Oh, happy birthday ate. " bati nito, ngumiti ako ng malapad.
" Salamat! "
" Hi Simon! " ay wow, Mica. wow! Tumingin sa kanya si Simon at ngumiti, feeling ko maiihi na si Mica sa kilig.
" Hello! " bati rin nito saka ako nilingon.
" By the way ate, i'll go ahead. Ingat kayo! " tumango ako at ngumiti saka ito umalis.
" Bye Simon, ingat! " sigaw ni Mica na ikinalingon si Simon at kumaway bago tuluyang umalis.
" Iba ka rin talaga e noh! ibang-iba ka rin. " sabi ko na ikinatawa niya.
" Jusko ate, kung isang Simon de Mevius ang makakaharap ko hindi uso sa akin ang hiya. Kelan ko pa siya makukuha kung kukupad kupad ako diba? " napatango naman ako.
" Mukhang kailangan ko na rin talagang kumilos para makuha si Sandro. "
" Push ate, support kita dyan. " natawa na lang ako.
" Halika na! " aya ko at pumasok na kami sa simbahan.
" By the way ate, mas bagay mo ang ganyang bag. " puna nito sa bag ko na ikinangiti ko.
" Bigay nga lang ito ni mam Luisa e, ang dami nga e. Pagpunta mo doon bigyan kita, nakalimutan ko kasing magdala. Mga bago pa iyon lahat, sinabi ko na rin naman na ipapahingi ko yung iba. "
" Talaga? ang bait naman talaga nila. "
" Sobra! "
Matapos naming magsimba ay nagtungo kami sa Jollibee dahil ito pa lang naman ang kay ng budget ko. Doon kami kumain saka tumambay kami sa isang park.
" Ate! " naalingon ako kay Mica at may inabot na nakabalot ng gift wrapper.
" Ano yan? " tanong ko.
" Ay, ano yan? epekto ba yan ng obsessed kay Sandro kaya hindi na ma-identify ang nasa paligid mo? " tanong nito na ikinatawa ko.
" Ano ka ba, Mica. Hindi mo naman kailangang bigyan ako ng regalo. " sabi ko.
" Kunin mo na ate, simpleng regalo lang yan. Isa pa, kailangan mo yan para may libangan ka rin doon. " wika nito at inilagay sa lap ko saka hinarap at kinain ang hawak niyang ice cream.
" Salamat! "
Alas tres na rin ng hapon nang maisipan naming umuwi, hinatid ko muna siya sa kanila bago ako sumakay ng tricycle pauwi.
Sa gilid ng malaking bahay ako dumaan papunta sa maid quarter at baka may bisita ang malaking bahay. Pagpasok ko sa maid quarter ay nadatnan ko roon si Nay Lourdes na nanonood ng Tv.
" Magandang hapon po. " masayang bati ko rito.
" Magandang hapon din. " ika nito, tumuloy ako sa aking kwarto pero napahinto ako sa pagpasok nang tawagin ako nito.
" Pakilinis naman yung ref sa kusina sa malaking bahay mamaya, anak. May ginagawa kasi sina Gloria at Andring, ako naman ay pupunta pa sa palengke. " wika nito.
" Sige po Nay. " nakangiting sagot ko.
" Salamat! " sabi nito bago ako tuluyang pumasok sa aking kwarto. Inilapag ko ang bag sa maliit na sofa at umupo ako roon saka binuksan ang regalo ni Mica.
Isa itong novel book, mukhang magandang basahin. Siguro ay basahin ko mamayang gabi kapag wala na akong gagawin.
Matapos itong itabi ay nagbihis ako at nagtungo sa malaking bahay, walang katao-tao dito. Pumasok ako sa kusina at tinungo ang ref.
" Happy birthday! " muntik na akong mapatalon, kaagad akong lumingon sa pinagmulan ng mga boses at nang makita ang mga ito ay walang mapagsidlan ang aking galak.
Narito sina mam Luisa, sir Jeorge, Sandro, Samuel, Simon, si Nay Andring, Gloria at Lourdes. Diko mapigilang maiyak dahil ito ang unang beses, na may sumurpresa sa akin tapos mga hindi ko pa kaano-ano.
" Happy birthday, iha! " sabi ni mam Lourdes at niyakap ako.
" Happy birthday, Ate don't cry, papangit ka niyan. " biro ni Simon na ikinatawa naming lahat at niyakap ako. Ang babango naman ng mga ito.
" Happy birthday ate, ayan 25 ka na, mas matanda ka na sa akin. " wika ni Samuel at niyakap ako, natawa lang din kami.
" Happy birthday iha! " sir Jeorge tapped my shoulder while smiling at me, napatango naman ako at ngumiti.
" Happy birthday anak! " sabay-sabay namang bati nina Nay Gloria, nay Andring at nay Lourdes saka isa-isa silang yumakap. Pagkatapos ay napatingin ako kay Sandro na may hawak na cake.
" Kuya! " untag ni Simon dito.
" Ahm.. H-Happy birthday! " bati nito na ikinangiti ko.
" Walang hug? " makapal ang mukhang tanong ko na ikinakunot ng kanyang noo habang ang lahat ay natawa sa sinabi ko.
" Go kuya! " wika ni Samuel at kinuha ang cake kay Sandro, tinignan ako ng masama ni Sandro.
" Sige na, birthday ko naman. " nakangusong wika ko, alanganin itong lumapit at niyakap ako. Syempre, ngayon lang ito kaya hinigpitan ko na ang yakap para sulit.
" May kasalanan ka pa sa akin, gumagawa ka na naman ng bago. " bulong nito bago ako bitawan.
" Oh Valen, blow your candle na. " wika ni mam Luisa.
" Ops! make a wish muna ate. " wika ni Simon na ikinatawa ko ng mahina at sinunod ang ginawa niya.
" Lord, ibigay mo lang si Sandro sa akin okay na ako. Gusto kong maging arte ng masayang pamilya na to. " sabi ko sa isip ko at hinihipan ang kandila sa cake, pumalakpak naman sila.
" Mabuti pa, halina kayo at kumain. " wika ni sir Jeorge, inakbayan naman ako ni Simon at nagtungo kami sa dining table kung saan napupuno ng pagkain. Talagang pinaghandaan nila ang birthday ko.
Nagdasal muna si Simon bago kami nagsimulang kumain. At muli ay nahihiya na naman ako dahil hindi ako marunong gumamit ng tinidor, kaya hawak ko lang ang tinidor pero yung kutsara lamang ang iginagalaw ko at sinisiguro kong hindi sila nakatingin kapag susubo ako. Nakakaloka ang ganito, pakiramdam ko ay hindi ako tutunawan.
" Ano nga pala ang buong pangalan mo Valen? " maya-maya ay tanong ni sir Jeorge na ikinalingon ko dito.
" Valentina Garcia po. " sagot ko, napakunot noo ako nang mapahinto ito. Maging si mam Luisa ay napahinto rin at nagkatinginan silang mag-asawa.
" G-Garcia? anong pangalan ng tatay mo? " tanong nito.
" Rodrigo Garcia po. " muli silang nagkatinginan ni mam Luisa, nakatingin na rin sa kanila si Sandro at nakakunot ng noo.
" Bakit po? " curious kong tanong.
" Ah wala naman, pamilyar lang sa akin ang apelyido mo. " sagot ni sir Jeorge.
" Baka narinig mo lang somewhere, marami namang may apelyidong Garcia dito sa Pilipinas. " wika naman ni mam Luisa na ikinatango ko.
" Oo baka nga. " sagot ni sir Jeorge.
Matapos kumain ay kanya-kanyang kulong sila sa kwarto habang kami ay nag-ayos sa hapag kainan at nagligpit sa kusina.
Nang matapos ay nagtungo ako sa garden, madilim na rin at alas syete na ata ng gabi. Umupo ako sa may bench at tumingala sa langit, napangiti ako nang makita ang crescent moon at bituin na magkalapit.
" Ma.. pa... kayo po ba yan? alam niyo po, ang saya ko ngayon. " kausap ko sa kanila habang nakangiti.
" Nakahanap ako ng isang pamilyang may magandang kalooban at itinuturing akong kapamilya. Pinaghandaan pa talaga nila ang aking kaarawan. Sana nga maging parte ako ng pamilya nila, kapag nangyari yun ako na ang pinakamasayang tao dito sa mundo. "
Napatingin ako sa aking cellphone nang tumunog ito at nakitang tumatawag si Mica, tinext ko kasi ito kanina at sinabing sinurpresa nila ako dito.
" Ate!! talaga ba? " sigaw nito sa kabilang linya na tila hindi makapaniwala kaya natawa ako.
" Oo, buti na lang noh napadpad ako sa pamilyang to. Napakabuti nila sa akin, i mean sa lahat. Kaya siguro lalo silang pinagpapala. "
" Naku, sinabi mo pa ate. Kaya nga, ayaw silang mawala ng mga taga dito e. By the way ate, asan na ang bebe Simon ko? " natawa ako sa huling tanong nito.
" Natutulog na ata, sige na Mica baka may gagawin ka pa. May pasok ka na naman bukas. " saad ko.
" Oo nga ate, finals na kasi namin at nalalapit na rin ang exams. Kailangan ko talagang mag-aral ng todo para sa future namin ni Simon. " natawa akong muli sa kanya.
" O siya sige, mag-aral kang mabuti. Bye! "
" Bye ate! " paalam niya, pagkapatay ko sa tawag ay napatingin ako sa langit.
" Huy! " muntik na akong mapatalon sa nagsalita, tumingin ako dito at nakita si Sandro na papalapit. Bumilis ang t***k ng puso ko na tila ba nakikipagkarerahan, napalunok ako at di maiwasang mapatitig sa kanya. Kahit na hindi ganun kaliwanag dito ay kitang-kita ko ang kagwapuhan niya. Para akong lalagnatin nang umupo ito sa tabi ko at tumingin sa langit habang ako ay nakatitig sa kanya. Nang maansin niyang nakatitig ako sa kanya ay kumunot ang noo bito.
" Alam kong gwapo ako, kaya pwede wag mo akong titigan? " agad akong napaiwas ng tingin. Nakakahiya pero kakapalan ko na mukha ko, wala na rin naman akong dapat ikahiya.
" Asan pala yung regalo ko? " kumunot ang noo ko. E kasi sina mam Luisa, sir Jeorge, Simon at Samuel may regalo kanina tapos siya wala. E siya lang naman yung hinihintay kong magbigay.
" Huy, sobra ka na ha! may regalo na sayo buong pamilya ko at pinaghand ka na tapos pati ako hihingian mo pa. " sabi nito.
" Psh! gusto ko nga yung galing sayo e. Iba lang yung sa kanila, iba lang yung sayo. "
" Ay choosy pa! " di makapaniwalang sabi nito, napanguso lang ako at tumingin sa langit.
" Huy Valen! " napalingon ako dito.
" Pwedeng wag ka dito tumatambay sa tambayan ko. "
" Ang damot naman nito! " bulong ko, sinamaam niya ako ng tingin dahil mukhang narinig niya ang sinabi ko.
" Sabi ko nga, hindi na. " saad ko.
" Bukas, pakilinis ang garden sa likod. Diligan mo mga halaman at magwalis doon pero wag kang aakyat sa tree house ha! " utos nito na ikinangiti ko.
" Baka naman pwedeng masilip kahit sandali. " tinignan niya ako ng masama na tila isang warning na kapag di ako sumunod ay mananagot ako.
" Hihi hindi na pala, hindi ako interesado sa tree house. " sabi ko na lang para alisin niya ang masamang tingin sa akin. Baka pag nagtagal ito ay maging ganun na itsura ng mata niya habang buhay, ayaw ko ngang ganun ang mata ng magiging tatay ng mga anak ko.
Sumeryuso na ang mukha nito at tumayo saka naglakad, pero hindi pa man nakakalayo ito ay huminto siya at nilingon ako.
" Anong gusto mong regalo? " tanong niya na ikinangiti ko ng malapad.
" Kahit ano! " masayang sagot ko.
" Okay, next year na lang. " sabi niya lang at mabilis na umalis na ikinanguso ko. Kikiligin na sana ako e, naudlot pa.