Maaga akong gumising para magluto ng agahan, masigla ang kilos ko dahil ngayon ay araw ng mga puso. Tulog pa sila Nay Lourdes nang bumangon ako at magtungo sa dito malaking bahay. Linggo ngayon at day off ko kaya niyaya ko si Mica na lumabas kaming dalawa, magsisimba muna kami bago kumain sa labas. Kahit papaano naman ay may pera pa ako, nakausap ko naman na siya kahapon at pumayag naman ito.
Nagluto ako fried rice hindi ko na ito nilagyan ng meats, tanging carrots, and egg ang nilagay ko. Then nagprito ako ng porkchop at hiniwa ito sa bite size, naghugas ako ng lettuce leaves at naghiwa ng kamatis at cucumber.
Nagtoast ako ng bread para sa aking Sandro pero syempre dinamihan ko na para hindi halatang para kay Sandro talaga to. Tinanggalan ko ng heartshape sa gitna at doon inilagay ang itlog. Sa isang platito ko ito inilagay tapos nilagay ko yung inalis kong hugis puso sa gilid.
" Good morning Nay Lourdes, nay Gloria at nay Andring. Happy Valentines po! " masiglang bati ko nang pumasok ng kusina ang tatlong matanda.
" Good morning anak, happy valentines. " bati rin ng mga ito.
" Ang aga mo yatang gumising? sana hinintay mo na kami para natulungan ka namin sa pagluluto. " wika ni nay Lourdes.
" Okay lang po nay, paayos na lang po yung dining table tapos patulong na lang po ako maghatid ng pagkain doon. " pakiusap ko.
" Sige ako na mag-aayos sa lamesa. " wika ni Nay Gloria at nagtungo na doon, kumuha naman ako ng mga plato.
" Wow, ang galing mo naman Valen. Ang cute ng pagkakagawa. " manghang wika ni Nay Andring sa toast bread with egg, ngumiti naman ako. Sinimulan nila ni Nay Lourdes na idala ito sa dining table, ano mang oras ay gigising na ang mga amo namin.
Sinimulan ko nang iayos ang fried rice, porkchop, lettuce, cucumber at kamatis. Buti na lamang at may plato silang medyo malaki kaya dito ko napiling iayos. May nakita akong heart shape na bowl kaya dito ko minold ang fried rice at inayos sa plato sa medyo gitna, sa kaliwa niya ay ang cucumber na inayos ko sa letrang L tapos sa kanan ng rice ay ginawa kong letter V ang lettuce leaves at E ang karne. Ginawa kong parang bulaklak ang kamatis at inayos ito sa plato tapos nilagyan ko ng green onions ang ibabaw ng fried rice.
" Naku! talagang araw ng mga puso ngayon ah! " natawa ako sa sinabi ni Nay Lourdes nang makita ang gawa ko. Pagkatapos gumawa ng walong plato ay gumawa naman ako ng kape.
" Good morning, happy valentines ate! " napalingon ako kay Simon at napangiti ako dito. Si Sandro kaya babatiin ako? Jusme, mula nang araw na yun todo iwas na ako sa kanya. Pansin ko nga ang masamang tingin niya sa akin palagi at siguradong dahil yun sa mga pinanggagawa ko noong nalasing ako. Nakakahiya kaya todo iwas ako, hindi ako sumasabay ng kain sa kanila at kung anu-anong dinadahilan ko. Buti na ng lang at maghapon silang wala ng bahay palagi.
" Good morning and happy valentines too. " bati ko, nagtungo ito sa ref at kumuha ng tubig doon saka uminom.
" Wow! coffee, the best ka talaga ate. " wika ni Simon nang makita ang ginagawa kong kape. Ang cute talaga ng batang ito, lagi lang siyang nakangiti at ang amo ng mukha. Kung titignan nga silang lahat ay si Simon ang pinakamabait at kasunod nito si mam Luisa tapos si Samuel at sir Jeorge. Pinakamasungit tignan si Sandro, pareho naman sila ni sir Jeorge ng mukha pero si sir Jeorge kasi ngumingiti minsan pero si Sandro ay hindi. Madalas itong tahimik at walang emosyong makikita sa kanya o kaya naman ay madilim ang anyo na tila ba laging may kaaway. Sayang, mas bagay pa naman niya ang nakangiti, doon mas lalong makikita ang kagwapuhan niya.
" Nambola ka pa. " natatawa kong sabi at akmang dadalhin na ang kape sa dining table nang kunin niya ito sa akin.
" Ako na lang ate! " wika nito kaya hinayaan ko na lamang. Pagdating namin sa dining table ay naroon na silang lahat.
" Good morning po, happy valentines! " bati ko, sumilay ang matamis na ngiti sa kanilang labi. Nakatayo lang ako habang si Simon ay inaayos ang kape.
" Good morning Valen, happy valentines. " bati ng mag-asawa.
" Hapoy valentines, ate! " bati rin ni Samuel.
" Ngayon lang to nangyari sa bahay, ang sarap sa mata at nakakatakam ang pagkaing gawa mo Valen. " wika ni mam Luisa at tinignan ang ginawa kong pagkain.
" Ang mabuti pa ay maupo ka na at kumain na tayo. " sabi ni sir Jeorge, tumingin ko kay Sandro na tahimik lang at abala sa kanyang cellphone na ikinanguso ko. Kahit good morning man lang sana.
" Hindi na po ako kakain, plano ko po kasing lumabas at kakain kami sa labas ng kaibigan ko. Yun ay kung okay lang po sa inyo, babalik naman po ako ng maaga. Magsisimba lang po kami at kakain. " paalam ko.
" Sure iha, no problem. Pero, kumain ka kaya muna, baka gutumin ka sa simbahan. " sagot ni mam Luisa.
" Hindi na po, maaga pa naman po. " saad ko.
" O sige, mag-iingat ka! " i smiled, ang bait talaga nila.
" Sige po, maliligo lang po muna ako. "
" Sige iha! " ngumiti ako bago tumalikod at nagtungo sa maid quarters. Agad akong naligo, nagsuot lamang ako ng pantalon at simpleng t-shirt na kulay puti. Nakalugay lang ang buhok ko, naglagay ako ng powder sa mukha at manipis na lipstick para mukhang natural lang ang pagkapula ng labi ko.
Paglabas ko ng kwarto ay bumungad si mam Luisa sa akin sa sala at may dalang isang kahon at inilapag sa center table.
" Valen, sayo na tong mga to. Bago pa ang mga ito, regalo ito sa akin ng kung sino kapag birthday ko. Hindi ko naman na sila magamit dahil ang dami ko nang bag. Isa pa, pang dalaga talaga ang mga ito. " sabi nito.
Napatingin ako sa kahon at punong-puno ito ng magagandang bag.
" Salamat mam pero ang dami naman po nito. Okay lang pong magbigay ako sa kaibigan ko at baka po may mga anak din sina Nay Lourdes, nay Gloria at nay Andring, ibigay ko po sa kanila yung iba. " limaad ng ngiti ni mam Luisa at tila namamanghang nakatingin sa akin, nakaramdam tuloy ako ng pagkailang.
" Sure iha! You know what? kakaiba ka talagang bata ka. You're ver humble. " sabi nito na ikinangiti ko.
" Ganito po kasi ako pinalaki ng nanay ko. " saad ko.
" Kung nabubuhay man siya ngayon, sigurado akong proud siya sayo. " sabi nito, ngumiti ako kahit na naiiyak na ako dahil naalala ko na naman si mama. Gustong-gusto ko siyang bisitahin sa kanyang puntod pero ang layo naman.
" S-Salamat po! " ngumiti ito at tumingin sa paligid.
" O sige, maiwan na kita para makaalis ka na rin. " naatingin siya sa bag ko sa aking likod na backpack.
" You're beautiful iha, pero mas maganda ka pa lalo kung papalitan mo yang bag mo ngayon. " sabi nito saka kinalkal ang mga bag at pumili dito.
" Here, use this! " sabay abot sa akin ang isang bag, ngumiti ako at tumango.
" Sige na, aalis na ako. " she glanced at me and then leave. Ang luhang kanina pa nagnanais kumawala ay tuluyan nang tumulo. Dahil naramdaman ko sa kanya ang pagturing sa akin na anak. Ilang taon ko na ring hindi ito naramdaman magmula nang mamatay si mama.
Pinunas ko ng aking luha at ngumiti saka bumalik sa aking kwarto at inilipat ang laman ng bag ko sa sling bag na ibinigay ni mam Luisa. Isinukbit ko ito sa aking balikat saka tumingin sa salamin. Agad akong napangiti nang makita ang repleksyon ko dito.