PROLOGUE
Hindi ko inaakala na ganito kami matatapos. Siguro nga ganito talaga. Siguro hanggang dito na lang tayo. Ilang beses din natin nilabanan lahat. Pero siguro kahit ilang beses natin nilabanan kung ‘di talaga para sa atin, hindi talaga para sa atin.
Huminga ako ng malalim para pigilan 'tong mga luha kong tumulo. Oras na. Hindi kami makakausad kapag ganito. Tinatanggap ko na. Talo na naman ako, Lord.
Tumayo ako at tumalikod.
“Kapag ba umalis ako hahabulin mo 'ko?”
“Hindi ko alam. Siguro.”
Hindi ko na siya kayang lingunin kaya kahit labag sa loob ko ay buong tapang akong lumabas mula sa coffee shop kung saan nag-simula ang lahat.
“May ipapakita pala ako. Gumamit ka ng Google Maps.”
“Ano 'to? Paano ba gamitin 'tong Maps? Kaloka.”
Mapait akong ngumiti habang naaalala kung paano kami nag-aminan after ng buwan na hindi namin alam na parehas lang pala kami ng nararamdaman. Nakakalungkot. Masyadong mabilis ang nangyari na pati kami nabigla.
“Hindi ko na kaya. Hindi na kita ma-handle.”
Hindi ko na inisip kung anong iisipin ng mga taong nakakakita sa akin sa daan pero humagulgol na ako dahil sobrang bigat lumakad papalayo sakaniya. Baka kapag 'di ko 'to ginawa, babalik ako sakaniya at hindi na naman siya mabitawan. Para sa amin 'to. Kailangan naming panindigan mga desisyon namin. Kung hindi namin 'to gagawin, paano na kami?
“I love you, baby.”
“Kinikilig ako, Andrei.”
“Hindi na kita tatantanan.”
Gusto ko siyang lingunin kaso natatakot ako. Ayokong habulin niya ako kahit gusto ko. Ayokong maudlot na naman 'to at mas lalo pa kaming masaktan sa mga susunod na ganito. Baka kapag okay na, okay pa.
Gusto ko siyang takbuhan pabalik at yakapin pero hindi na pwede. Hindi pwede. Hindi pwedeng ganito na lang kami palagi. Masyadong maaga at mabilis. Masyadong masakit at mahapdi. Buo na desisyon ko.
“Mary…”