"AH! M-Matteo, n-nasasaktan ako!" Halos maiyak ako habang sinasakal ako ni Matteo. Hindi ako makahinga, hindi ako makalaban sa lakas ng puwersa niya. Parang titirik ang mata ko at kaunti na lamang ay malalagutan na ako ng hininga. At mas lalo pa nga akong nanghina nang mas hinigpitan niya pa lalo ang hawak sa leeg ko. Kaunti na lamang ay mawawalan na ako ng ulirat sa ginagawa niya sa akin. "M-Matteo... b-bitiwan mo ko..." nahihirapan kong sinabi habang sinusubukan kong alisin ang mga kamay niyang sumasakal sa akin. "Because of you! Argh! Because of you, Gina!" sabog nito. Nag-aalab sa galit ang mga mata niya. Puspusan ang galit nito sa akin. Akala ko, kaya siya nandito ay dahil gusto niya akong makita pero hindi ko inaasahan na puro sigaw at pananakit ang sasalubong sa akin mula sa kan

