Chapter 2

1734 Words
ISANG LINGGO na ang lumipas nang makalabas ako nang hospital at makauwi kami ng bahay. Ngunit pagkatapos no'n, nagbago na ang lahat. Everything fall into the thing that I didn't expect. Naging malamig ang pakikitungo ni Matteo sa akin. Halos hindi na niya ako pinapansin o kinakausap man lang. O kung kakausapin man niya ako, uungkatin niya lamang ang nangyari sa anak namin, 'yon lagi ang bukam-bibig niya. Walang minutong hindi niya ako sinisi, ipinapamukha niya sa akin ang nangyari. Pero ilang beses ko pa ring sinubukan na linisin ang pangalan ko sa kanya, pero ayaw niya pa ring maniwala, at kahit kailanman ay hindi na raw siya maniniwala pa sa akin dahil isa akong malaking sinungaling. Ayaw niya talaga 'kong pakinggan, sinasarado niya ang kanyang isipan sa bagay na 'yon. Binababa ko na lamang ang pride ko at iniintindi siya. Hindi ko rin sinasabayan ang galit niya, wala namang mangyayari kung mag-aaway kaming dalawa, eh. Magkakasakitan lamang kami ng damdamin. Ang gusto ko lang malaman ngayon ay kung ano ang totoong nangyari nang gabing 'yon. Gusto kong malaman kung paano kami napunta roon ni Josiah. Kung paano't nahilo ako at wala nang matandaan pagkatapos. Ilang beses ko namang tinawagan si Gina para tanungin siya, ngunit hindi niya ako sinasagot. Hindi ko alam kung wala lang siyang signal o ano. Ayaw ko rin siyang pag-isipan nang masama, pero habang tumatagal na hindi siya nagpaparamdam sa akin ay kinukutuban na ako sa kanya. Kahit ayokong isipin na may ginawa siyang hindi maganda, hindi ko talaga maiwasan dala ng bugso ng aking nararamdaman. I need to know what happened on that night! Kailangan kong ayusin 'to sa lalong madaling panahon dahil ayokong masira ang relasyon namin ni Matteo, lalong-lalo na ang pagkakaibigan na meron kaming tatlo. Si Josiah naman, hindi ko na rin alam kung ano na ang nangyari sa kanya pagkatapos no'n. Wala na akong naging balita pa sa kanya simula nang madala ako sa hospital at umuwi kami rito sa bahay. Kahit gusto ko siyang kumustahin, hindi naman siya sumasagot sa mga calls and texts ko. At pinagbawalan na rin akong gumamit ng gadgets ni Matteo, kinuha na nga niya ang cellphone ko kaya hindi na muli ako nakatawag sa kaibigan. Pinatigil niya rin ako sa business ko, kaya wala na akong alam pa sa mga nangyayari sa labas dahil lahat ng mga gamit ko ay kanyang sinira. Naging mahigpit si Matteo sa akin, hindi niya ako pinapalabas at mas lalong bawal na akong lumabas kahit na kailan. Para bang ginawa na niya akong preso rito sa mansion. Hindi na rin kami tabing matulog, sa maids quarter na niya ako pinapatulog. Para ngang kasambahay na lamang niya ako dahil lahat ng inuutos niya ay kailangang masunod. At kapag nagkamali ako, makakatanggap ako nang malulutong na mura mula sa kanya. At wala na talaga, nag-iba na ang trato niya sa akin. Parang hindi na niya ako asawa kung ituring. Wala na rin akong makitang pagmamahal sa mga mata niya para sa akin. Napakasakit ng mga nangyayari, para akong made-depress. Binabalot ako ng kalungkutan araw-araw ng dahil sa sitwasyon namin, sadyang pinapatatag ko na lamang ang aking loob kahit na sobrang hirap na hirap akong itaas ang aking sarili sa lahat ng mga masasalimut na nangyari sa amin. Hindi biro ang lahat, hindi biro lahat ng mga nangyari, dahil tila ba ang maayos na relasyon naming mag-asawa ay nalamatan ng kung anong dumi na siyang naging dahilan ng pagkasira namin. Nagalit sa akin si Matteo sa kasalanang hindi ko naman alam kung paano nangyari, nakunan ako, nawalan ng anak nang gano'n kabilis. Ito na yata ang pinaka-masalimuot na nangyari sa buong buhay ko, kasabay ng pagkawala ng lalaking mahal ko ay siya ring pagkawala ng anak namin. Ang hirap tanggapin ng lahat at ang sakit gumising sa umaga nang parang wala kang kasama sa buhay, na mag-isa ka lang at walang nagc-comfort. Kaya hindi ko na alam kung magkakaayos pa ba kami ni Matteo, o kung saan ba aabot ang lahat ng ito. Nami-miss ko na siya nang sobra pero lumapit nga lang ako o hahawakan siya ay ayaw niya, nandidiri raw siya sa akin at ayaw niyang mahawaan sa aking kakatihan. Sobra akong nasaktan, hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang lahat. Parang sa isang maling akala lang, nagbago sa isang iglap ang lahat. Nagbago nang gano'n kadali ang ugali niya, ang lahat sa kanya. Parang hindi na siya ang asawa ko. Nag-iba na talaga siya. Parang kahit ilang beses kong ipagtanggol ang sarili ay wala ring kuwenta dahil wala siyang pakialam sa aking mga sasabihin. Parang hangin na lamang ako sa kanya ngayon. Parang wala na akong halaga sa kanya, na dati ay sobra-sobra niya kung pinahahalagahan. "SAVVANAH!" muntik na akong mapatalon dahil sa gulat sa kulog na boses ng asawa na nagmumula sa itaas. Nasa living room ako at naglalampaso ng tiles. Hindi naman ako magkandaugaga nang pumanhik sa taas, muntik pa nga akong madulas sa kakabilis kong maglakad. Nang dumiretso ako sa kwarto namin ay sobra ang kaba ko, natatakot ako dahil 'eto na naman siya, galit na naman siya na alam kong masasaktan na naman niya ako. "B-bakit?" utal at takot kong tanong. Masama niya akong tinignan saka inisang hakbang ang aming distansya. At halos mamalipit ako sa sakit nang hablutin niya bigla ang aking buhok at kaladkarin patungo sa lamesang nasa kwarto. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang humiyaw at ang umiyak sa pinaghalong sakit ng aking nararamdaman at ng sakit ng ginagawa niya sa akin pisikal. "A-aray! T-tama na, M-Matteo!" pagmamakaawa ko sa kanya. Pero mas diniinan niya lamang ang mukha ko sa lamesa, para bang ginawa niyang basahan ang aking mukha. Ikinuskos niya 'yon na parang isang basahan talaga. "Anong tama na, ha? Bagay lang sa 'yo 'yan! Tanga-tanga ka kasi! Maglilinis ka na lamang nga ay magtitira ka pa ng dumi! Kaya ayan, sige, nilisin mo ng mukha mo 'yang kauri mong madumi rin!" "A-ah! T-tama na!" habang pinipilit pa rin na tanggalin ang kanyang hawak sa aking buhok. Parang kung hindi ko pa siya pipigilan ay matatanggal na nang tuluyan lahat ng buhok ko sa aking anit dahil sobra siya kung makahila sa akin. "Sa susunod, ayusin mo nang maayos ang trabaho mo! Kung hindi, malilintikan ka talaga sa akin at hindi lang 'yan ang mangyayari sa 'yo! Naiintindihan mo ba, ha?" Itinayo na niya ako saka pabalibag na inihagis kaya naman muntik nang tumama ang aking mukha sa tiles nang mapasubsob ako sa sahig. "Kapag umuwi ako rito mamaya at hindi mo nalinis nang maayos ang buong mansyon, malilintikan ka talaga sa akin! Huwag mo akong ipapahiya dahil may kasama ako mamaya," sabi pa niya bago ako iwan doon at pabalibag pa na isinarado ang pinto. Nanghihina akong tumayo habang nanginginig ang aking mga tuhod. Pinigil din ang aking mga hikbi, pero patuloy pa rin 'yong kumakawala sa aking bibig. Ano muling mangyayari sa akin bukas? Sasaktan na naman muli ako ni Matteo? Lalasapin kong muli ang kanyang hinagpis? Ganito kami araw-araw, lagi niya akong sinasaktan. Naging halimaw na siya, pero bakit mahal ko pa rin siya sa kabila no'n? Gusto ko siyang iwan, gusto ko siyang talikuran, pero hindi ko kaya dahil ang pagmamahal ko ay nandoon pa rin. Binigyan na rin niya ako ng pagkakataon na umalis sa puder niya, pero hindi ko ginawa dahil mahal na mahal ko nga siya. At ngayon, hindi na rin yata talaga ako makakaalis pa dito kahit na gustuhin ko man na lumisan ngayon, sapat na raw ang isang pagkakataon na ibinigay niya sa akin para lumayo ako mula sa kanya. Kaya mali na nanatili pa raw ako sa tabi niya, because he will never stop for me to taste the hell. He want me to suffer. Gusto niya akong saktan para makaganti sa kanyang pinaparatang. Halohalo na ang sakit na aking nararamdaman, mula sa sakit ng aking mga pasa sa buong katawan, sa aking puso dahil pinagluluksa ko pa rin hanggang ngayon ang pagkamatay ng aking anak, at sa pagkawala ng lalaking mahal na mahal ko, pagkawala niya dahil wala na ang pagmamahal niya para sa akin, patay na ang kanyang pagmamahal. Hindi na niya inisip ang kung ano ang mararamdaman ko, masaktan niya ako ay wala na siyang pakielam. Kahit nga yata mamatay ako ngayon ay hindi siya iiyak o maaawa man lang sa akin. He's cold. Emotionless. Heartless. Ano ba'ng nangyayari sa buhay ko? Anong nangyari sa aming dalawa ni Matteo? Bakit naging gano'n ang ugali niya? Wala na siyang itinirang awa at respeto sa akin bilang asawa niya. But, still, my heart is beating for him. Even he hurts me a lot, I still love my husband. I still love Matteo... so much. Mas mahal ko pa nga siya kaysa sa sarili ko, kaya kahit na ginagawa niya sa akin 'to ngayon ay hindi ko iniinda, dahil martyr na 'kong matatawag sa kanya pero mahal ko pa rin siya. Nang marinig ang pagsarado ng pinto sa baba, inayos ko muna ang sarili saka na lumabas para kuhanin ang mga gamit na kakailanganin ko sa paglilinis. Ano kaya siyang oras uuwi? Kailangan bago siya dumating ay malinis at maayos na ang lahat. Ayokong magalit na naman siya sa akin at saktan na naman akong muli dahil natatakot na 'ko sa maaari niyang gawin kaya iniiwasan kong uminit ang kanyang ulo sa akin. Nang makuha ang mga panlinis, inulit kong nilinis ang kwarto namin ni Matteo. At habang nililinis 'yon ay hindi ko na naman napigilan ang aking emosyon, kusang tumutulo ang aking mga luha dahil sa bigat ng aking nararamdaman. Alam niyo ba 'yong pakiramdam na para ka nang sasabog? Na tila lahat ng pasakit at lahat ng bigat ay ipinasan sa iyo at hindi mo na alam kung paano pa dalhin 'yon. Nang matapos na linisin ang kwarto niya ay sinunod ko pa ang ibang kwarto, mula sa ikalawang palapag hanggang sa mga kwarto pa sa baba. Pagkatapos no'n ay sa mga banyo naman ako dumiretso, pagkatapos ay sa kitchen, 'tapos ay sa sala, pati na rin sa labas. Halos hindi ko na napansin ang oras sa kakalinis sa buong bahay, nakakapagod. Parang dumoble lalo ang sakit ng katawan ko. Eh, kung araw-araw ko pa lang lilinisin 'to, hindi pa kaya ako no'n mamatay? Gusto pa naman ni Matteo na malinis lagi ang bahay bago siya umuwi, kaya ko naman, siguro?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD